Sam Milby believes there's no favoritism among Bench celebrity endorsers

"I don't think namay favoritism in Bench. Ang daming artista dito, peroparang equal naman ang billboards, everyone really had a billboard. Me, I cansay I am happy in Bench, I do," says Sam Milby.



Sa pinag-uusapan pa rin hanggangngayon na Bench denim and underwear fashion show Blackout, na ginanap noongJuly 25 sa Araneta Coliseum, isa sa nakatanggap ng pinakamalakas na palakpak athiyawan ay ang heartthrob na si Sam Milby.

Kumpara sa ibang celebrities narumampa noong gabing ‘yon, walang ginawang gimik si Sam. Simple lang siyangrumampa na naka-maong at topless. Sa kabila nito ay gumawa pa rin ng ingay siSam.

Sa gitna ng mgakontrobersiya't intrigang naglalabasan kaugnay ng Blackout, tinanong ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Sam kung naniniwala siyang may favoritismna nangyayari among the celebrity endorsers of Bench.

"I don't think namay favoritism in Bench," mabilis na saad ni Sam. "Ang daming artista dito, peroparang equal naman ang billboards, everyone really had a billboard. Me, I cansay I am happy in Bench, I do."

Sa naganap namangfashion show, naglabas ng kanyang hinaing ang ina ni Richard Gutierrez na siAnnabelle sa diumano'y "unfair" exposure ng kanyang anak. Dahil daw sapaglalagay ng maitim na make-up kay Richard ay hindi ito nakilala ng mga taokaya hindi masyadong pinalakpakan ang pagrampa niya. Hindi rin daw nilagyan ngpangalan ang mga lumalabas na endorsers na paraan sana para makilala ng audiencekung sino na ba ang rumarampa.

According to Sam,kahit naman daw siya ay hindi nilagyan ng pangalan nang rumampa siya.

"Ang balita ko, walangpangalan yata lahat ng artista. Yun ang sinabi ng tao dun because even me, walarin akong pangalan. I heard and I think maybe Dingdong [Dantes] had. Yungtrainor ko, it's not like make-up, kaunting darkener for my skin."

Despite all thesecontroversies, Sam is thankful and really honored sa mainit na pagtanggap ngmga tao sa kanya sa Blackout. He even thanked Kris Aquino who gave a commentna siya raw ang may pinakamagandang katawan nang gabing ‘yon among the male celebritiesna rumampa.

"I wanna thank AteKris for the comment. I also wanna thank everyone for making me feelcomfortable. I was real shy but it was fun at the same time. I tried to workout that week, I tried to go to gym as much as I could, I tried to work out forit," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung confident angiba na rumampa, kabaligtaran naman daw si Sam.

"Mayroon pa ringkaba, nagna-numb yung katawan ko. Siguro napansin ng mga tao na hindi akomasyadong kumportable, na nahihiya pa ako. But it was really a good feelingknowing that. If you're really nervous ‘tapos you don't hear anything, mas laloka yatang kakabahan. It's really a goodwarm welcome or good response, I guess."

Two years from nowpa ang susunod na Bench fashion show. Pero marami ang nagtatanong kung dito kaya ay makikitana rin si Sam na naka-underwear lang.

"I don't think so,"sagot niya. "Hindi ko alam kung kaya kong mag-underwear. Baka boxers if ever... Idon't know, baka hindi pa in two years."

Kasama si Sam sabagong fantaserye ng ABS-CBN Dyosa, kung saan isa siya sa leading men ngrumored girlfriend niyang si Anne Curtis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN