Dingdong Dantes on showbiz rivalries: "Ang mga kasama ko, they are my allies, not my enemies."

"Gusto ko pong everything na gagawin ko will fall inthe proper places at prayer ko rin that the Lord will give me strength parama-maintain ko ang status ko ngayon. At maraming-maraming salamat sa inyonglahat na walang sawang sumusuporta sa akin at sa lahat ng ginagawa ko," says Dingdong Dantes when asked about his birthday wish.



Pagkatapos ng almost three months ay bumalik si DingdongDantes sa SOP kahapon, August 3, para sa double birthday celebration nila ngka-love team na si Marian Rivera. Dingdong turned 28 last August 2 and Marianwill be celebrating her 24th birthday on August 12.

Pinagsabay na ang birthday nina Dingdong at Marian dahilmagiging busy ang dalawa. Sa Wednesday, August 6, Marian is leaving forAustralia para sa pictorial niya ng Jag jeans with Will Devaughn at magtatagalsiya ng four days doon. Pagbalik niya, araw-araw silang magte-taping niDingdong ng Dyesebel dahil on August 15, aalis naman sila for New Jersey parasa launch ng GMA Pinoy TV doon.

Sa presscon na ipinatawag ng GMA-7 para kina Dingdong atMarian pagkatapos ng SOP kahapon, napansin ng PEP na hindi na masyadong payat siDingdong. Totoo ba na mas gusto ng girlfriend niyang si Karylle na payat siya?

"No, ayaw din niya na payat ako," nakangitingsagot ni Dingdong. "Nagpapayat lang ako para sa Bench Blackout show, peronag-gain na ako ng 15 pounds since natapos ang show."

Still on the Bench show, okay ba sa kanya kung aalisin naito sa mga susunod na taon dahil nga napuno ng intriga ang show nila last July25?

"Huwag naman sana, kasi dito lang nagkakasama-sama angmga artista ng both networks [ABS-CBN and GMA-7]. Maganda rin po ‘yong kahit saganitong shows, nawawala ang network war," saad niya.

RIVALRY WITH RICHARD. Ayaw na ring mag-comment pa ni Dingdong tungkol sapagsasabong sa kanila ni Richard Gutierrez na lalong tumindi pagkatapos ngBlackout. Nabanggit lang ni Dingdong na before and after the show aykinamayan siya ni Richard.

Affected ba si Dingdong kapag sinasabing hindi naman siyaang "Primetime King" ng GMA-7 kundi si Richard at parang pinaglalabansilang dalawa?

"No, hindi po ako affected kung si Richard man angsinasabi nilang Primetime King," sagot ng Dyesebel star. "Basta ako, ever since, happy ako to what's happening to Richard. I respect him sa lahat ng mgaaccomplishments na nagagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka itong trabaho namin, hindi po ito karera na kalaban kosila. Ako kasi, naniniwala na ang kalaban ko ay ang sarili ko, kaya pinagbubutiko ang anumang ginagawa ko. Ang mga kasama ko, they are my allies, not myenemies."

SEXIER DINGDONG? Inamin ni Dingdong na maraming nagawa sa kanya ang Marimar.Hindi nga niya na-expect na magiging ganoon ang outcome nito at siya naman aymagpapa-sexy. Naipakita na niya ito nang mag-pose siya sa Cosmopolitan, sapictorial niya for Bench Body, at sa pagrampa niya sa Blackout. Payag ba siyangmagpa-sexy muli, halimbawa sa Dyesebel at sa upcoming movie niyang One TrueLove with Marian Rivera and Iza Calzado?

"Wala naman pong problema kung talagang kailangan, peroplease give me time to prepare," maikli niyang tugon.

WORKING BIRTHDAY. Sa taping nila ng Dyesebel sa Pampanga nag-celebrate ngkanyang birthday si Dingdong last Augist 2. For the past three years aynatataong palagi siyang may trabaho tuwing birthday niya.

Ano ang gift ni Marian sa kanya at ano naman ang gift niyakay Marian sa birthday nito?

"Wala pa," sagot ni Dingdong tungkol sa regalo sa kanyani Marian. "Ako naman, ‘yong ibibigay ko sa kanya, nakahanda na. Silver ‘yon,thin, at magagamit niya. Si Karylle [Dingdong's girlfriend], binigyan na niyaako ng birthday cake. Pero siya ang gumagawa ng gift na ibinibigay niya sa akinpalagi."

Hindi raw singsing ang ibibigay ni Dingdong kay Marianbilang birthday gift. Nang may nagtanong kung wrist watch, ngumiti lamang siDingdong at hindi na niya sinagot ang tanong.

Si Dingdong ba ay may gift sa sarili niya?

"Mayroon akong nakitang vintage chair in a store inMakati. Gustung-gusto ko, kasi iba siya kapag inupuan mo... Leather, signature,made in Italy, fire- proof. Kaya lang, masyadong mahal kaya pinag-iisipan kopang mabuti," lahad niya.

Nagulat ang lahat ng kaharap ni Dingdong nang sabihin niyangP500,000 ang price ng vintage chair na tinutukoy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro naman namin si Marian, na katabi lang ni Dingdongthat time, na may puwede na siyang iregalo sa kapareha. Nang sabihin namin navintage chair ang gusto ni Dingdong, natawa si Marian sabay sabing hindi rawniya kaya dahil ang mahal-mahal daw noon.

NEWEST BELO ENDORSER. Kinagabihan ay binigyan naman ng bonggang launching ng BeloMedical Group si Dingdong as their new celebrity endorser. Hindi ba nahirapansi Dr. Vicki Belo na kumbinsihin siyang maging latest celebrity endorser nila?

"Dati na po akong pumupunta sa Belo's sa Greenhillsdahil ‘yon ang pinakamalapit sa bahay ko," kuwento ni Dingdong. "Peronagbabayad ako, kahit nag-o-offer sila ng free treatment. That time kasi, may offer din sa akin angCalayans pero nahihirapan din akong pumunta sa clinic nila sa Makati. Saka angnag-push na rin sa akin na tanggapin ang offer ng Belo, si Ms. Zsa Zsa Padilla,na isa sa first celebrity endorser nila."

Ano pa ang offer ng Belo na hindi niya natanggihan?

"Nang pumayag silang gawin akong James Bond, bakit konaman tatanggihan? Ako po ang nag-conceptualize ng party dahil bukod nga salaunch, pumayag na rin akong mag-celebrate ng birthday. For the last two yearskasi, hindi na ako nagpa-party sa birthday ko dahil lagi nga akong busy. Naisipko ring isang perfect opportunity iyon na makasama ko naman ang mga friends koin and outside the industry."

Ano ang birthday wish ni Dingdong?

"Gusto ko pong everything na gagawin ko will fall inthe proper places at prayer ko rin that the Lord will give me strength parama-maintain ko ang status ko ngayon. At maraming-maraming salamat sa inyonglahat na walang sawang sumusuporta sa akin at sa lahat ng ginagawa ko,"pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN