John "Sweet" Lapus hospitalized after amateur boxing in "Kung Ako Ikaw"

Comedian-TV host John "Sweet" Lapus became a boxer for a day along with Arnell Ignacio and Teri Onor in an episode of Kung Ako Ikaw. Although he was able to knock down his opponent, Sweet was rushed to the hospital a few days later due to over-fatigue and severe tonsilitis.



Hindi nakapag-report sa Showbiz Central ang isa sa mga hostnito na si John "Sweet" Lapus noong Linggo, August 3. Kasalukuyan pa itong naka-confine sa Capitol Medical Center dahil sa sakit pagkaraan ng ilang araw mula nang nakipagsuntukan sa programang Kung Ako Ikaw ng GMA-7.

Along with other comedians na sina Arnell Ignacio at TeriOnor, ginawa silang amateur boxers sa episode na ito ng Kung Ako Ikaw nina JoeyMarquez at Keempee de Leon. Tuesday last week, July 29, sila nag-taping kungsaan lahat sila ay dumaan sa isang matinding pagsasanay para sa laban nilaagainst amateur boxers.

Pero marami ang nagulat na matindi pala ang kamao niSweet. Pagkatapos daw kasi ng ilang ratsadang sunud-sunod na hataw,napabagsak ni Sweet ang kalaban niyang amateur boxer.

Kinabukasan, July 30, nag-report pa raw si Sweet sa tapingng Ako Si Kim Samsoon kung saan nakaramdam siya ng matinding pagkahilo, lagnat,at pananakit ng katawan. Noong Friday, August 1, ay isinugod na siya sa CapitolMedical Center dahil hindi na raw siya makagalaw dulot ng over-fatigue atsevere tonsilitis.

Noong Saturday, August 2, ay nakatanggap ang ShowbizCentral ng mensahe mula kay Sweet na hindi siya makakapag-report sa show, kaya pinalitanmuna siya ni Allan K.

Ito ang mensahe na ipinadala niya sa Showbiz Central: "Sumakittalaga ang katawan ko at nagkapasa-pasa. I was rushed here at CapitolMedical Center because I can't talk. Super-swollen na pala my tonsils. I'msorry, I can't 'Shake it Sweet' today. Hindi pa raw puwede sabi ni Doc. Watch myordeal in Kung Ako Ikaw tomorrow [August 4]. Please watch for me para maypambayad ako sa hospital."

Habang ipinapakita ang text message na yun ni Sweet ay ipinapakitaang mga kuha ni Sweet habang nakahiga siya sa hospital bed.

Bukod sa pag-a-absent niya sa Showbiz Central ay kinailanganding i-cancel ni Sweet ang guesting niya sa All Star K kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ayon naman sa ipinadalang text message ni Sweet sa PEP(Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng pagiging amateur boxer niya, "Itona yata ang pinakamahirap na bagay na ginawa ko sa buhay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN