Lorna Tolentino still undecided whether to stay with GMA-7 or return to ABS-CBN

"Although siguro now, it's taking its toll kunganuman yung mga pinigil ko na damdamin, na medyo nararamdaman ko ngayon.Physically din, yung parang wala ka, parang there will always be anemptinessinside," says Lorna Tolentino about grieving the death of husband Rudy Fernandez.



Nagpaunlak ngpanayam ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino sa The Buzz lastSunday, August 3, sa co-host ng programa na si Boy Abunda. Personal na nagsadyasi Lorna sa studio ng ABS-CBN para sa naturang panayam.

Unang tanong ni Boykay Lorna, kung totoo ba na ayaw pa sana ng yumao niyang asawa na si RudyFernandez na magpaalam sa mundo dahil hindi pa handa ang aktres. Pumanaw siRudy noong June 7 pagkatapos ng ilang taong pakikipaglaban sa cancer.

"No, never niyangnaisip yun," sagot ni Lorna. "Although siguro now, it's taking its toll kunganuman yung mga pinigil ko na damdamin, na medyo nararamdaman ko ngayon. Physically din, yung parang wala ka, parang there will always be an emptinessinside."

Kasunod nito angtanong tungkol sa mga anak nila ni Daboy na sina Ralph at Renz Fernandez.

"The more na nagingmas alam namin kung ano, kung nasaan yung bawat isa. It's about grieving, whatwe're coping, how can we solve this. Kasi hindi naman minamadali lahat angbuhay," saad ng aktres.

Sa patuloy na paglalakbayni Lorna, puspos din ang pagbahagi niya sa The Buzz ng bagong direksiyongkanyang tatahakin. Maugong ang balita tungkol sa diumano'y pagbabalik ni Lornasa Kapamilya network. Totoo nga ba ito?

"Both networks,ABS-CBN and GMA, may offers. But I will finalize everything mid-August siguro.Of course, I'm moving on. Kasi siyempre, I feel that parang sa lahat ng mgapangyayari, although... Lalo na ‘eto yungtime, days in my life na parang gusto ko munang huwag magkaroon ng showiz-orientedtalk show," sabi ni Lorna, na co-host ng StarTalk sa GMA-7.

Hinimok din daw siLorna ng cancer survivor na si Pinky Soriano na sumali sa isang proyektongmagsisilbing inspirasyon sa mga taong may cancer at ang mga kapamilya nito.

"Gusto niya ako angmagri-rave about love, about patience, about forgiveness, about faith, aboutcourage," banggit ni Lorna.

Nagbigay rin ngmensahe si Lorna sa sambayanang Pilipino na lubusang nakiramay sa kanya't sa pamilya nang yumao angkanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay sobra, sobrangpasasalamat. Talagang ibinibahagi nila ang kanilang panalangin, pagmamahal.Lahat siguro ng dapat ikasiya namin at ikagaan ng loob namin ay ginawa nila,"pahayag ni Lorna.

Nakatakdang umalissi Lorna, kasama ang kanyang dalawang anak, para sa isang pilgrimage saJerusalem.

Samantala, nang hingan ng mensahe si Lornasa nababalitang pagkakamabutihan nganak niyang si Renz at ng beauty queen na si Carlene Aguilar, sinabi niyang walaitong katotohanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN