Carlene Aguilar reacts to Dennis Trillo's statement that she is still the one he wants to marry

"Yung nagsabi naman po sa akin na pakakasalan ako,hindi rin ako sure if that's true. Ayoko naman pong i-judge si Dennis kasi siyempre,hindi na namin pinag-uusapan ‘yon. We only talk about Calix. So, hindi talaganamin parang pinag-uusapan ‘yon," says Carlene Aguilar about Dennis Trillo's alleged statament that he still wants to marry her.



Humarap si CarleneAguilar sa The Buzz last Sunday, August 3, para bigyang-linaw ang mga isyung kinasasangkutanniya. Una na ang isyu tungkol sa diumano'y pahayag ni Dennis Trillo na siCarlene pa rin ang gusto niyang pakasalan. Si Dennis ang ama ng anak ni Carlenena si Calix Andreas.

"Wala sa utak ko yungkasal ngayon, e. So, hindi ko pa rin talaga yun naiisip," umpisa ni Carlene habangkausap ang mga host na sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez.

Tinanong ni Ruffa siCarlene kung ano ang nararamdaman niya na siya pa rin ang gustong pakasalan niDennis kahit open na open pa rin ang pakikipag-date ng young actor kay CristineReyes.

"Ewan ko," ngiti niCarlene.

Kung siya anggustong pakasalan ni Dennis, ano sa tingin ni Carlene ang ginagawa ng youngactor kay Cristine?

"Actually, hindi kopo alam," sagot ni Carlene. "Yung nagsabi naman po sa akin na pakakasalan ako,hindi rin ako sure if that's true. Ayoko naman pong i-judge si Dennis kasi siyempre,hindi na namin pinag-uusapan ‘yon. We only talk about Calix. So, hindi talaganamin parang pinag-uusapan ‘yon."

Nagbibigay naman dawng suporta si Dennis sa anak nila na si Calix, pero hindi "sustento" ang tawagdoon ni Carlene. Nagshi-share daw kasi sila ni Dennis sa pang-gastos ng bata.

"Hindi naman siyanagkukulang kay Calix, he's still a responsible dad," banggit niCarlene.

DATING RENZ? Pangalawangisyu na hinarap ni Carlene ay ang usap-usapan na pagdi-date daw nila ng anak niLorna Tolentino na si Renz Fernandez.

"Gusto ko langi-clear kasi nakakahiya naman kay Renz at baka mailang na siya sa akin. Magkaklase po kami sa isang subject sa UP[University of the Philippines] and ka-group ko siya. So madalas kaming lumalabas, ganun. Nagpupunta kami saTimezone," lahad ni Carlene.

May nakakita rin dawna magkasama silang nag-dinner ni Renz.

"Hindi, kasi dapatmanonood kami ng play noon. ‘Tapos hindi na kami umabot."

Marami ba sila nanag-dinner?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaming dalawa lang,that night," pag-amin ng dating beauty queen.

Nakaabot na ba kayDennis ang kuwentong nagdi-date sila ni Renz at madalas na magkasama?

"Oo, tinanong niyaako kung kaming dalawa lang," kuwento niya.

Kailangan bangipagpaalam niya kay Dennis ang pakikipag-date niya sa ibang lalake?

"Hindi, hindi akonagpapaalam sa kanya."

E, si Dennis dinnaman daw nakikipag-date kaya tama lang na lumabas din si Carlene with otherguys.

"Oo nga, labas ako nanglabas. Hayaan mo siya!" natatawang sabi ni Carlene.

Hindi ba niyatinatanong si Dennis tungkol sa kanila ni Cristine?

"Ay, hinding-hindi!"mabilis niyang sagot. "‘Tsaka hindi naman siya nagme-mention ng kahit na anongbagay tungkol doon sa girl, so I don't think na important siya."

"Sinong girl?" tanongni Ruffa kay Carlene.

"Si Cristine,"mabilis na sagot ni Carlene.

Pagkatapos aybinigyan ng advise ni Ruffa, na naging Bb. Pilipinas-World din gaya ni Carlene,na mag-concentrate na lang si Carlene sa kanyang work.

"Hay naku, concentrated talaga ako sa studies ko," sagot naman ni Carlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN