Sam Milby doesn't restrict rumored girlfriend Anne Curtis but says no to her going topless

"Ang ganda-ganda niya sa labas, ‘taposyung loob niya, caring, loving... Parang palagi siyang nandoon to support. Atsaka palagi akong masaya kapag kasama ko siya. Happy ako," says Sam Milby about Anne Curtis.



Nakakabilib ang ginagawang effort ng Fil-Am actor-singer na si Sam Milby. Kahit hirap pa rin siyang magsalita ng diretsong Tagalog, hindi siya basta mag-i-English na lang sa mga interviews niya para maging madali sakanya. Desidido talaga siya na matutunan ang Pilipino na para bangfirst language niya. Ito ang napansin namin sa kanya sa press conference ng fantaserye ngABS-CBN na Dyosa sa Manila Ocean Park kahapon, August 4.

Nagpaliwanag si Sam tungkol sa balitang nag-init daw ang uloniya at nag-iba ang kanyang mood nang una niyang makita ang bida sa Dyosa atnababalitang girlfriend niya na si Anne Curtis na naka-costume bilang DyosaTierra, isang half-human and half-horse. Akala raw kasi ni Sam ay naka-toplesssi Anne.

Paliwanag ni Sam, "Siyempre, para sa akin, medyo too much.Pero trabaho, trabaho naman. I mean, sino ba ako para magalit? Pero siyempre, Iwouldn't exactly support that. Kinausap naman niya [Anne] ako at naisip konaman na hindi niya gagawin yun."

Sa palagay ba ni Sam ay may karapatan na siya para magbawalkay Anne, especially on her being too sexy or daring?

"Well, siyempre, kung yun ang gusto niyang gawin sa buhay,"sagot ng matinee idol. "Siyempre, tulad nga ng sinabi ko, sino ba ako namagbigay sa kanya ng limitasyon? Yun ang buhay niya. Siyempre, kung gustoniyang gawin, she can do that. Pero sa akin, there are things that I would wanther to do. Naka-topless, I do not want her to do that."

When it comes to their relationship, madalas nilang sabihinni Anne na walang dahilan para magmadali silang dalawa or to rush things. Peroang tanong, ano naman ang dahilan para hindi sila magmadali?

"There's nothing stopping us," sagot niya. "Parang nag-e-enjoy kami kungano ang meron kami. Ganoon lang. We got really close noong MagingSino Ka Man. ‘Tapos, parang nag-stop yung dating namin. So ganoon, it wasover a year na hindi kami nagde-date. Noong December [2007] nag-startyung courtship. So now, dating-dating na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sam says exclusively dating na raw sila ni Anne.

"Yeah, ako, I wouldn't date anybody. Para sa akin, wala akongnakikitang mas maganda ang kalooban at ganoon din sa labas, di ba?" pahayag niSam.

Anu-ano ang mga katangian na nakikita niya kay Anne paralalo siyang mahulog sa young actress?

"Tulad nga ng sinabi ko, ang ganda-ganda niya sa labas, ‘taposyung loob niya, caring, loving... Parang palagi siyang nandoon to support. Atsaka palagi akong masaya kapag kasama ko siya. Happy ako," pag-amin ng binata.

Nang minsang makausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Anne, naikuwento niyang meron daw silang book na sabay binasa ni Samat nagiging guide raw nila yun sa kung anuman ang meron silang dalawa ngayon.

"Yung Boy Meets Girl by Joshua Harris, pareho naming binasa,"banggit ni Sam. "May maganda siyang kuwento, ‘tapos parang may guidelines. Maymga examples na kung gusto mong i-follow sa courtship. Maganda sa build-up parakapag ikinasal yung couple, yung marriage ang highest level."

DARK & DARING ROLE. Ginagampanan ni Sam sa Dyosa angrole ni Adonis. Kung susuriin ang takbo ng character niya ay puwedeng akalainna may pagka-dark ang role niya, lalo pa nga't siya ang itinakdang pumatay kay Dyosa(played by Anne), pero eventually ay hindi maiiwasan ni Adonis na ma-in love dito.

Bukod sa medyo dark ang role ni Sam sa Dyosa, tila magigingmapangahas din siya dahil nadulas si Direk Wenn Deramas at sinabing mayscene si Sam na mala-Terminator at nagpakita siya ng katawan.

"Well, puwet, pero hindi ko alam kung..." palingon-lingon athindi matuluy-tuloy ang gustong sabihin ni Sam. "Well, I think, si Direk Wennna dapat ang magsabi. I don't know if I have to say something about it."

Naguluhan kay Sam ang mga kaharap niyang entertainment pressdahil hindi niya talaga madiretso ang gustong sabihin, lalo pa nang amininnitong hindi talaga siya pumayag sa naturang scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako pumayag, actually," sabi niya. "Basta secret kungpaano totoo yung butt exposure. Pero, next question na lang," nangingiti athindi talaga siya napilit pang ituloy ang sinasabi niya.

"Si Direk na lang po ang tanungin n'yo kung paano," nakangitingpag-iwas ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN