Kris Aquino and James Yap spend time together in New York and Las Vegas

"Two months namin plinano. ‘Eto yung breakni James sa basketball, so super nag-ano, nag-double time talaga ako sa pagte-tapingpara makapunta kami," says Kris Aquino about her U.S. trip with husband James Yap.


Ipinalabas ang exclusive footage ng pag-alis ng Pililipinas ng mag-asawang Kris Aquino atJames Yap sa The Buzz last Sunday, August 3. Magkasamang umalis sina Kris atJames papuntang Amerika para magbakasyon.

Matapos angmatitinding kontrobersiya na pinagdaanan nila, pinatunayan ng mag-asawa angtatag ng kanilang pagsasama. Sa huling panayam sa kanila ng The Buzz, sinabinila na malaki ang naitutulong sa kanila ng marriage counseling.

"Nakakatulong talagasa amin ngayon na... Parang kasi, di ba, huwag mo na pag-usapan nanagka-counseling kayo kasi parang inamin mo na may problema, e. Lahat naman ngtao may problema. E, yung sa amin talaga, it helps a lot," saad ni Kris.

Sabi naman ni James,"Feeling ko tama ka, ‘tapos mali pala. Yun ang maganda sa counseling namingdalawa. ‘Tapos sinasabi namin kung ano yung weaknesses namin."

Ibinahagi rin niKris ang bakasyon nila sa Amerika bilang regalo nila sa isa't isa for their third wedding anniversary.

"Ang hatian namin, sagotko ang air fare, sagot niya ang hotel. Hindi niya na-compute na lugi siya kasimas mahal yung hotel. Sabi niya, ‘Ako na yung hotel.' ‘Tapos nung kinompute ko,ipinakita ko, nakalamang ako!" sabay tawa ni Kris.

Umalis noong Sabadong gabi, August 2, sina Kris at James patungong U.S. Ito ang unang pagkakataonna silang dalawa lang ang magkasamang bibiyahe para magbakasyon sa Amerika. SaNinoy Aquino International Airport ay nakunan ng ilang pahayag si Kris bagosumakay ng eroplano.

"Nine days sa NewYork ‘tapos five days sa Las Vegas, ‘tapos balik na dito," sabi ni Kris.

Bagamat hindi kasamapapuntang U.S., naghatid naman sa airport ang mga anak nina Kris at James nasina Baby James at Joshua.

"Two months namin plinano. ‘Eto yung breakni James sa basketball, so super nag-ano, nag-double time talaga ako sa pagte-tapingpara makapunta kami," lahad ni Kris, who hosts Boy & Kris and Kapamilya Deal Or No Deal in ABS-CBN.

Pero bago umalis aynakipagkita muna ang mag-asawa sa ina ni Kris na si former President Cory Aquinopara magpaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Kris, "Sabiniya, ‘Safe trip, enjoy and see.' Nag-text kami at six o'clock ‘tapos kasi, Iwas off Thursday, so nag-dinner kami. ‘Tapos yun lang, ang balik namin ditoAugust 18 para few days before sa 25th [death] anniversary ng Dad ko [NinoyAquino]."

Pagkatapos aynagpaalam na si Kris sa kanyang mga anak sa Pilipinas.

"Since may school,three times a week, dadalaw din sila sa mom ko."

Ayon sa The Buzz, dumating dito sa Manila angina ni James mula Escalante para siya muna ang magbabantay kina Joshua at BabyJames habang nasa Amerika sina Kris at James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN