KC Concepcion denies report that she and Richard Gutierrez have been together for four months now

"Tulad ng sinabi niya, meron nga posiyang na-open up sa akin na ako lang ang may alam, ganun. Kumbaga, pinasoknamin ang isa't isa kung sino kami talaga. So, ang maganda no'n, nagpapakatotookami sa isa't isa. Kung ano yung mga nangyari sa buhay niya. Ako rin ganun.Kumbaga, accept lang," says KC Concepcion about intimacy with leading man Richard Gutierrez.



Kahit may sariling condo unit na si KC Concepcion,nananatili pa rin siyang nakatira with her family. Kung tutuusin, puwede natalagang buhayin mag-isa ni KC ang kanyang sarili plus the fact na nakabili nasiya ng sarili niyang lugar na tutuluyan.

"For investment lang," ngiti ni KC nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng For The First Time ng StarCinema Productions last July 31 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Wala ba siyang balak tirhan ang nabili niyang condo?

"Maybe for a while para ayusin and para malaman kung okeyyung mga pipes. Pero palipat-lipat ako—Wack-Wack-Dasma, Dasma-Wack-Wack. Doon dinpo ako lumaki, di ba?" saad ni KC.

KNOCKING ON RICHARD'S DOOR. Tinanong namin si KC kung bakit hindi niya suot angidentical bracelet na binili ng leading man niya na si Richard Gutierrez sashooting nila ng For The First Time sa Greece.

"Nasa bag ko," sabay turo ni KC sa kanyang bag na dala ngkanyang assistant na si Jenny.

Ayon kay Richard, may ibig sabihin ang symbol na nakalagaysa bracelet. "Rain or shine" ay magkasama raw yung babae at lalaki na para kayRichard, parang ganun din silang dalawa ni KC.

"Ay, talaga?" nakangiting reaksiyon ni KC. "Ano siya, metalsiya ‘tapos may sinulid doon sa metal na tinahi kaya cute siya."

Nilinaw ng PEP kay KC ang sinabi ni Richard na kinatok niyaang kuwarto ng young actor sa hotel nila sa Greece. Dinalhan daw kasi ni KC siRichard ng breakfast sa kuwarto na hindi magandang pakinggan para sa mgadalagang Pinay.

"Oo nga. Ano ba ‘yan? Bakit mo sinabi na kumatok ako sakuwarto n'yo?" tanong ni KC kay Richard, na katabi lang niya that time.

"Ay, kailan ko sinabi kumatok ka sa kuwarto ko?" nalitonaman na pahayag ni Richard.Paulit-ulit at madiin na sinabi ni Richard na wala siyang sinabi na si KC angkumatok sa kuwarto niya, but it was her assistant na si Jenny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, yung assistant ko ang nagdadala ng pagkain [kayRichard]," paglilinaw ni KC.

Dugtong naman ni Richard, "Pero siya [KC] ang nag-prepare."

"Naku, huwag naman ninyong gawan ng ano ‘yon, please,please, please. Grabe naman!" pakiusap ni KC.

"Yes, ang sabi ko si Jenny. Sabi sa akin, ‘Chard, galing kayKC.' Hay naku, guys!" buntung-hininga ni Richard.

Ayon pa kay KC, "Kumakain din po ako doon kasi ang call timenamin doon, 6 a.m. Five o'clock kailangan nagme-makeup na kami."

"Tsaka kasi siya ang unang nagigising, e," dugtong niRichard.

"Ako kasi yung may alarm clock," sabi naman ni KC.

FIRST MOVIE TOGETHER. Kitang-kita ang pagiging close nina Richard at KC afterdoing their first movie together.

Sabi ni KC, "Yun nga po, tulad ng sinabi niya, meron nga posiyang na-open up sa akin na ako lang ang may alam, ganun. Kumbaga, pinasoknamin ang isa't isa kung sino kami talaga. So, ang maganda no'n, nagpapakatotookami sa isa't isa. Kung ano yung mga nangyari sa buhay niya. Ako rin ganun.Kumbaga, accept lang.

"Siya lang ang pinakaunang lalaki na nakatrabaho ko, lalo naabroad," patuloy ng dalaga. "You know, talagang ano... 'Tsaka mabilis akotalaga, like pati kina Direk Joyce. Naa-attach ako kay Direk Joyce, naa-attachako sa EP namin. What more yung kaeksena mo?

"Yung, di ba, nagpe-presscon kami together? Parang maramiakong naututunan sa kanya just by watching. Ang tagal-tagal na niya nandito [sashowbiz], nakakahiya naman ako lang yung pinakabago sa kanilang lahat, di ba?So, parang yun. Tama lang siguro na maging close kami kahit konti," paliwanagng panganay na anak ni Sharon Cuneta.

FOUR MONTHS ON? May nagsasabi na four months na sila na mag-on ni Richard. Totoo ba ito?

"Huh! Hindi, sobrang hindi po talaga!" nagulat na reaksiyonni KC.

"What's four months ago ba? March? Ay, hindi! Yun yunglumabas yung flowers and all, pero hindi, e. Siguro nagkakilala kami in thelast four months," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga text messages pa raw sila sa isa't isa bago matulog.Totoo ba?

"Tanungin n'yo siya," sagot ni Richard.

Nagbiro naman si Richard at sinakyan ang isyu. Sabi niRichard may ‘mwah, mwah' raw ang text message niya kay KC.

"Ay, sobra ka naman! It was only a joke. Mga goodnight lang,ganun. PS U, ganun!" sabay tawa ni KC.

Naipagluto ba niya si Richard?

"Wala po kaming time magluto talaga. If ever meron, kung anolang yung nandun," sabi ni KC.

KC'S SEX APPEAL. At first glance sa maiksing trailer ng movie nila niRichard, tila lumabas ang kaseksihan ni KC.

"Siguro po it was my character ko rin po yun na babae siya,e, so sobrang... Puwede kang maging sobrang strong-willed na sobrang go-getter naindependent. Pero ‘pag nakaramdan siya ng ganun na pag-ibig, puwede monglabanan, puwede ring hindi. Depende doon sa ginagawa mo at makikita ng tao yungdifference."

In fairness, isa si KC sa mga seksing aktres na pumasok salistahan ng FHM's Sexiest Women this year.

"Ha? E, di good. Babae naman po ako," saad niya.

Inalok na ba siya na mag-pose sa cover ng isang sexymagazine?

"Ewan ka kay SK [Shirley Kuan, her manager]. Pero hindinaman po ako nagpapa-sexy. So kung ‘yon pa ang tingin ng tao, sometimes angganda kasi hindi naman po ako tingting or what, you know, parang curves naman yungsa akin, e. Proud ako sa curves ko and ako yung tipo na Filpina na, yun nga,may halong konti. Hindi naman ako yung talagang payat na matangkad. So, kungna-aappreciate ng tao yun, maganda yung feeling, di ba? Kasi hindi mo kailangang maging sobrang payat para maging sexy kalang," lahad ni KC.

DUET WITH THE MEGASTAR. Sa nalalapit na concert ng mommy ni KC na si Sharon saAugust 8 sa Araneta Coliseum, magdu-duet daw ang mag-ina ng isa sa theme songng movie ni Sharon with KC's dad, Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dear Heart," banggit ni KC.

Napanood na ba niya ang Dear Heart?

"Before, pero ang favorite ko ngayon Friends In Love.

Dahil ba yun ang theme song nila ni Richard?

"Ay, patay! Ayan na!" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN