Anne Curtis wants Sam Milby to be her boyfriend but "there's no need to rush"

"Nasa kanya ang qualities, kaya lang, there's noneed to rush. Kung mangyayari lang kasi, ang gusto ko, si Sam na talaga angmaging boyfriend ko. I'm already 23, kaya walang magiging problema," says Anne Curtis about Sam Milby.



Perfect daw angtiming ni Sam Milby sa pagpasok sa buhay ni Anne Curtis. Ito ang dahilan kungbakit parang mas may magandang development na namamagitan ngayon kina Anne atSam, kung ikukumpara sa naging kaugnayan nina Anne at Luis Manzano, na veryclose pa rin naman until now.

Magkakasama pa namanang tatlo sa Dyosa, ang bagong fantaserye ng ABS-CBN, na gumagawa na ng ingaydahil nakatakda nang mag-premiere ito sa August 11. Sa presscon ng Dyosa kahapon, August 4, Manila Ocean Park Manila,nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) parausisain si Anne tungkol sa anggulong ito.

"Kay Manzanokasi, during that time, parang ang dami kong gustong gawin. I wasn't ready for anything. Kaya masasabi kong ngayon, okey ang pasok niSam, kasi parang mas ready ako. Although sabiko nga, wala pang officiality ang relasyon namin ni Sam. It's getting therethough," paglalarawan ng young actress sa sitwasyon nila ni Sam.

Hindi raw nilakailangang magmadali. Ang importante raw ay masaya sila ngayon.

Hindi pa ba nakikitani Anne kay Sam yung qualities ng magiging boyfriend niya kaya hanggang ngayonay hindi pa niya ito sinasagot, kung totoo ngang hindi pa sila?

"No!"mabilis na tugon ni Anne. "Nasa kanya ang qualities, kaya lang, there's noneed to rush. Kung mangyayari lang kasi, ang gusto ko, si Sam na talaga angmaging boyfriend ko. I'm already 23, kaya walang magiging problema."

Dati na raw na silani Sam, pero nag-split sila. Binalikan daw siya ni Sam at nagsimula itongmanligaw uli noong December last year. May kaugnayan kaya ang dahilan ngnabanggit na split na yun kaya may takot kay Anne na sagutin ang matineeidol?

"Hindi namanmasakit, as in nagka-trauma ako? Of course not!" natatawang sabi ni Anne."Nagka-convictions lang kasi ako during that time. I went through apersonal crisis, na kaya kami nag-split, siya [Sam] ang magiging distractions doon.

"Kaya nga,dumating uli siya sa akin at that time na parang settled na uli ang lahat, atmaayos na tumatakbo ang buhay ko. Right timing na lang siguro, hindi porkepareho na kaming Christians. Hindi uso sa akin ang pagpapakipot. Sabi ko nga,ang mahalaga ngayon, pareho kaming okay at masaya, and there's no need torush," pagdidiin muli ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Annena raw siyang ibang hinahanap pa kay Sam.

"It's justright timing, and we just have to wait," aniya. "Matagal ko na ringkakilala si Sam, at yung more than a half year na panunuyo uli niya sa akin,may magandang nagiging resulta yun. Two years na kaming magkaibigan, at kilalako na rin siya. Wala na siyang dapat pang patunayan."

BEING "DYOSA." Ano naman angreaksiyon ni Anne sa isyu na parang lakas lang daw ng loob ang pinanghahawakanni Anne sa pagiging "dyosa," samantalang sa surveys, sinasabing mas sexy samaraming kalalakihan ang mga gaya nina Marian Rivera at Katrina Halili?

"Ay, hindi kona kailangang mag-comment pa sa ganyan!" pag-iwas ni Anne. "Kasi maykanya-kanyang tingin ang mga tao kung sino ang mas sexy. Para sa akin, hindinaman importante 'yan, na parang nakikipag-compete pa ako para lang sa title naDyosa, di ba?

"It's just a character which I'mportraying, at ako naman ang bida sa fantaserye, which happens to have a titlena Dyosa. Indeed, I'm enjoying the feeling, that people are considering me agoddess and they call me Dyosa. Ganoon na lang, and I don't want to be affectedby the opinion of other people," tahasang sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN