Luis Manzano stands by rumored girlfriend Angel Locsin amidst past issue with Claudine Barretto

"Akonaman, masasaktan ako kapag nakikita ko siyang [Angel] nasasaktan. She knows howto handle it. She gets affected, pero hindi naman siya yun kaya bakit niyababaguhin ang sarili niya?" says Luis Manzano about rumored girlfriend Angel Locsin.



Masuwerte si Angel Locsin dahil may defender siya sa lahatng isyung idinidikit sa kanya sa katauhan ng rumored boyfriend niya na si LuisManzano.

"Of course, it gets to her sa laki ng mga isyung naibabatosa kanya. But she's smiling. Ang gusto niya, magtrabaho. And I think,99 percent na mga kilala niya, alam ang totoo," pagtatanggol ni Luis kay Angel sapress conference ng Dyosa sa Manila Ocean Park noong August 4.

What about Luis, hindi ba siya naapektuhan sa naging awaynina Angel at Claudine Barretto?

"Alam ko ang totoo kaya okey lang sa akin," sagot niya. "Akonaman, masasaktan ako kapag nakikita ko siyang [Angel] nasasaktan. She knows howto handle it. She gets affected, pero hindi naman siya yun kaya bakit niyababaguhin ang sarili niya?"



Ano ba si Angel sa pagkakakilala niya?

"Not just pagkakakilala ko... We see how loving she is,especially sa family niya. That's a perfectly good example. Sabi nga ng mommyko [Governor Vilma Santos] one time, one thing that she really loves aboutAngel ay kung gaano siya ka-loving sa kanyang daddy [Mr. Angel Colmenares]. Nabawat pagod niya, bawat puyat niya, [para] sa daddy niya ginagawa. So it shows howloving a person she is.

"At ang dami niyang natutulungan, which is walangnakakaalam; and for me, the right thing. Never siyang tumulong para lang sapress release or magpa-presscon para sa isang charity. Ang dami-daminiyang natutulungan na mas gugustuhin niyang walang nakakaalam," papuri ni Luissa rumored girlfriend niya.

Pero si Luis ba ay walang pinanigan kina Angel at Claudine?

"Well, I'm also close to Claudine being the anak-anakan dinni Mommy. But I'm very very much closer to Angel, so I was with her allthroughout," sagot ni Luis. (Nagkasama sina Vilma at Claudine sa blockbuster hit na Anak ng Star Cinema.)

May nabago ba sa pananaw niya kay Claudine?

"You know, it's hard but one instance does not necessarilydefine a person, di ba? Pero parang ganoon lang. Hindi dahil sa isangpagkakamali ay ganoon na agad ang tao. I would still say hi to her. I wouldstill talk to her," sabi ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STATUS OF RELATIONSHIP. Gaano na ba sila katagal na happy ni Angel?

Natatawa si Luis nang sumagot. "Siguro, I started beinghappy noong makasama ko siya sa States. Around August siguro last year, soone year na. Noon ko siya nakilala. Nagsu-show ako ro'n for Tito Al Chuand she was there before siyang pumunta ng London to study. E, di ba,nag-hiatus siya for a while? E, kilala rin niya si Tito Al. After ngthree days, maglo-London na siya. I got her number and every day, we chat, wetalk. Actually, napangiti talaga ko noong siya na ang unang nag-message sa YM."

During the time na sila pa ni Nancy Castiglione, isa si Luissa napaka-open na lalaki when it comes to his relationship. Pero how comethis time, tila pigil na pigil sa kanya ang pag-amin gayong obvious naman nasila na ni Angel?

"Well, one is, siguro this is my second na showbizrelationship. Ang una talaga is Nancy and that was a long time ago. At kumbaga, that time, hindi ko pa fully understand ang law ng showbiz,"paliwanag niya.

Officially, sila na ba talaga ni Angel?

"We have a very, very good bond," nakangiti niyang sabi.

LOVE TRIANGLE. Kumusta naman sila ng minsan ding na-link sa kanya na siAnne Curtis? Incidentally, si Luis ang isa sa leading men ni Anne sa Dyosaalong with ZanjoeMarudo and Sam Milby, rumored boyfriend of Anne.

"Si Anne naman, every time na kasama ko siya, it's alwayspleasant," maikling tugon ni Luis.

Hindi ba siya naiilang seeing how sweet and close Anne andSam are?

"Hindi! Sila ang mailang sa akin!" biro ni Luis. "Well, aslong as they are happy, they are smiling, bakit ako maiilang?"

Actually, para ngang naiilang si Sam sa kanya, lalo pa nga'talam nito na dati siyang nanligaw kay Anne at isa sa lalaking malapit pa rinhanggang ngayon sa young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think na naiilang si Sam. Sam understands andrespects yung bond namin ni Anne. Yung length, yung depth, he understandsthat," sabi ni Luis.

NUDE SCENE. Balitang may nude scene si Luis sa Dyosa kung saan gumaganapsiya bilang merman.

"Kasi, medyo revealing lang yung transformation scene atsaka merman costume. Siyempre, may konting skin. It's a body paint na it takesfour hours to put on and another two hours to remove. Ang call time kodati is 2 a.m.," kuwento ni Luis.

Hindi ba nagkakaroon ng sapawan o kumpetisyon sa kanilangtatlong leading men ni Anne?

"Well, siyempre, yung mga characters namin... Like ako, I tryna talunin itong si Adonis which is si Sam, and then there's Zanjoe. Pero satotoong buhay, we get to laugh, We get totalk."

Would he say, ito ang pinaka-daring niyang role?

"You know what, you have to watch it for you to say daringtalaga. Pero may ipinakita ako, yun lang," nakakabiting sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN