Anne Curtis wants to win a Best Actress award but admits need to tone down her accent

"Ngayon, sinusubukan ko na mag-Tagalog minus the accent.Kasi ang role ko dito is a Filipina and I need to look and act credible for therole. Pero with the help naman of some people, makukuha ko ang essence nungrole," says Anne Curtis about her role in Viva Films' Baler.



Best Actress award na lang daw ang kulang kay Anne Curtiskaya gusto niyang maging maganda ang performance niya sa pelikulang Baler ngViva Films, na isa sa official entries sa 2008 Metro Manila Film Festival(MMFF).

Gagampanan ni Anne ang papel ni Feliza, isang Pinay naumibig sa isang Filipino-Spanish soldier na si Celso, to be played by JerichoRosales. Pilit nilang itinatago ang kanilang relasyon dahil magiging tutol ditoang ama ni Feliza na si Nanding (Phillip Salvador), na miyembro ng resistancemovement laban sa Spanish military.

Ayon kay Anne, pinaka-challenging role na raw niya itongBaler. Talagang gagawin daw niya ang kanyang makakaya para makapagbigay siya ngmahusay na performance. Una raw na gagawin niya ay ang maayos ang kanyangpananalita ng Tagalog.

"I admit na sobrang baluktot pa rin akong mag-Tagalog. Peronakakapagsalita naman ako, yun nga lang, may accent pa rin. Gusto ko is to tonedown the accent which is very hard talaga, kasi hindi ko naman tina-try.

"Ngayon, sinusubukan ko na mag-Tagalog minus the accent.Kasi ang role ko dito is a Filipina and I need to look and act credible for therole. Pero with the help naman of some people, makukuha ko ang essence nungrole. May ilang weeks naman kami to prepare and I really need to do good samovie na ito kung gusto kong matupad ang wish ko na maging best actress, di ba?"nakangiting sabi ni Anne sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa story conference ng Baler.

READY FOR LOVE SCENES. Huling napanood si Anne sa pelikulang When Love Begins ngStar Cinema, kung saan nakatambal naman niya si Aga Muhlach. Sa naturang pelikulaay first time na makipag-love scene si Anne. Kaya hindi na raw siya mahihiya ifever magkaroon sila ni Jericho ng love scene sa Baler.

"Okay lang naman for me kasi part ‘yan ng pagiging artistanamin. I've come to realize na kailangan lahat ng scenes ay susubukan konggawin. May matututunan ka naman sa mga ‘yon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I first did a love scene with Aga, hindi mawawala yungkaba talaga. Pero after the scene, okay naman pala, hindi naman palanakakatakot gawin. Nagiging professional lang naman tayo lahat.

"Kaya nga if ever na may ganyang scenes sa Baler, I'm opento it because Echo is a very good actor. I know na he will not take advantageof me."

Inamin ni Anne na naging big fan siya ng soap drama naPangako Sa ‘Yo nina Jericho at Kristine Hermosa. Dahil nga sa husay ni Echo aypinangarap ni Anne na makatrabaho ito balang-araw.

"Before kasi nasa GMA-7 pa ako when I became a fan ofPangako Sa ‘Yo. I always admired Echo for being a good actor kaya sino ang ayawsiyang katrabaho, di ba? Now, parang dream come true to work with him. E, dati,nagkakasalubong lang kami sa mga guestings namin sa ABS-CBN. Hanggang ‘hi' and‘hello' lang kami talaga. Now, we're doing a movie kaya we're both on CloudNine."

Si Anne Curtis din ang bida sa bagong fantaserye ng ABS-CBNna Dyosa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN