Katrina Halili comments on reported pull-out of Star Magic talents from "One Night Only"

"Basta po ako, hindi ko naman po ipinipilit ang sarili ko sakanila. Pero ako po, gusto ko po sila. Wala po akong problema sa kanila. So,siguro kung meron man ayaw sa akin, hihintayin ko na lang po na magustuhan nilaako," says Katrina Halili about reports that Star Magic is planning to pull out its contract stars from the movie One Night Only.



Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siKatrina Halili sa SOP noong Linggo, August 3, dahil isa siya sa mga kumanta atbumati sa birthday celebration ni Dingdong Dantes sa naturang musical-varietyshow ng GMA-7.

Sinamantala na namin ang pagkakataon upang kunin angreaksiyon ni Katrina sa balitang ipu-pull out ng Star Magic ang mga contractstars nila, gaya nina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, at Diether Ocampo, sapelikulang One Night Only, ang official entry ng OctoArts Films sa 2008 MetroManila Film Festival.

Sa presscon kasi ni Katrina kasabay ng contract signing niyabilang contract star ng OctoArts Films ay nabanggit ang pagkakasali niya sa OneNight Only samantalang wala naman talaga siya sa original casting. Dahil sapagpasok niya sa pelikula, nagkaroon tuloy ng isyu tungkol sa magiging billingat laki ng papel ng bawat artistang kasali.

Ayon sa lumabas na report, ang dahilan daw ng pagpu-pull outng Star Magic sa mga artista nila sa pelikula ng OctoArts Films ay ayaw nilangmagmukhang suporta ang mga alaga nila kay Katrina na taga-GMA-7 naman. Ito ay sa kabila ng assurance ng direktor ng pelikula na si Jose Javier Reyes na pantay-pantay lang halos ang role ng main cast since iikot ang istorya sa 24 characters.

Paliwanag ni Katrina sa PEP, "Ang nangyari lang po kasi,yung presscon na yun, para sa contract signing ko. Ang ginawa nila,isinabay na lang nila yung pag-promote ng movie. Pero pantay-pantay naman pohalos."

Sa isyung baka i-pull out ang mga taga-Star Magic sapelikula—although may balita nai-pull out na dahil may ipinadala na raw nasulat ang Star Magic sa OctoArts Films—wala raw siyang alam dito. If ever namatuloy ang pagpu-pull out ng Star Magic sa ilang talents nila, ano angmararamdaman ni Katrina rito?

"Okey lang, ayoko rin namang sumama sa mga taong ayaw saakin!" natatawa niyang sabi. "Ayoko namang mamilit ng tao, di ba? Parangang pangit naman no'n!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

During her contract signing sa OctoArts Films, sinabi niyana masaya siya sa pagkakataong makatrabho ang mga artista sa kabilang network,ang ABS-CBN.

"Well, happy po ako kahit na sino ang makakasama ko. Walaakong ano, na nasaktan ako sa kanila. Actually, nang malaman ko, nocomment. Wala po, parang okey," saad niya.

Nag-aalala marahil ang iba na bibigyan siya ng specialtreatment ng OctoArts Films as their newest contract star at hindi maging fairang exposure ng iba pang cast members sa pelikula. Kung tutuusin nga naman,especially on Angelica's case, hindi hamak na mas senior ito kay Katrina.

Pero ayaw bigyan ng kahulugan ni Katrina kung totoo man dawna may pull- out ngang magaganap.

"Bakit naman po? Sino ba ako? Hindi po natin alam actuallykung ano ang reasons nila. So, dedma na lang, kanya-kanya lang‘yan. Ako rin naman, may mga movies din ako na hindi ko tinanggap, sokanya-kanya lang yun.

"Basta po ako, hindi ko naman po ipinipilit ang sarili ko sakanila. Pero ako po, gusto ko po sila. Wala po akong problema sa kanila. So,siguro kung meron man ayaw sa akin, hihintayin ko na lang po na magustuhan nilaako," nakatawang pahayag ni Katrina.

Bukod sa dalawang movies niya saOctoArts Films ay may sisimulan din siyang movie under GMA Films, ang Sundowith Robin Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN