Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

Singer-songwriter Ogie Alcasid celebrates his 20th anniversary in showbiz via a major concert titled 20/20, which will feature 20 celebrities as guests.



Nakakuha ang PEP(Philippine Entertainment Portal) ng tentative guest list ni Ogie Alcasid sa 20/20anniversary concert niya na gaganapin sa Araneta Coliseum sa September 27.Sa 20 guests ni Ogie, dalawa ang Kapamilya, walo ang freelance (mga singers napuwedeng mag-guest sa ABS-CBN at GMA-7), at sampu ang mga Kapuso.

Ang dalawang Kapamilya ay sina Gary Valencianoat Piolo Pascual; sina PopsFernandez, Nyoy Volante, Joey Generoso ngSide A, Rico J. Puno, Nonoy Zuñiga, Rey Valera, Top Suzara, at Hajji Alejandro naman angmga freelance.

Pinangungunahannaman ng kasintahan ni Ogie na si Regine Velasquezang guests na taga-GMA-7. Ang iba pa'y sina Janno Gibbs, Jaya, Kyla, Michael V, Rufa Mae Quinto, DennisTrillo, Iza Calzado, Lovi Poe, at Marian Rivera.

Ipinauna na ni Ogiena kumain bago pumasok sa Big Dome o kaya'y magdala ng pera na pambili ng merienda,dahil may kahabaan ang concert niya. Sa guests pa lang, kakain na ng malakingoras dahil ang iba sa kanila'y may solo spot, may makaka-duet din si Ogie, atmay mga sasayaw rin. Huwag din daw magbabaon ng food dahil bawal sa loob ng Big Dome at hanggang samga kamay lang ng ushers at security aabot ang mga ‘yon.

Si Rowell Santiagoang director ng 20/20 at si Gerard Salonga naman ang musical director.

Bukod sa kanyangfans na 20 years nang sumusuporta sa kanya, ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren atang dalawa nilang anak ang special guests ng singer-comedian sa kanyang concert. Daratingang kanyang mag-iina sa mismong linggo ng concert at mananatili sila rito ngilang araw. Ngayong taon lang babalik si Michelle at ang kanilang mga anakmula nang sila'y mag-relocate sa Australia.

Tiniyak ni Ogie namagugustuhan ang kanyang repertoire—mga kantang isinulat at kinanta niya; isinulatniya for other singers; at mga kanta na hindi siya ang sumulat, pero pinasikatniya. Kasama rin siyempre ang sinulat niyang movie theme songs at mga kantangkasama sa bagong album niyang The Great Filipino Song Book underUniversal Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabibili na angtiket sa Ticketnet at P3,000; P2,000; P1,500; P1,000; P500; at P250.00.

SELOS FACTOR. Sa ibang balita, napapangiti langsi Ogie sa kantiyaw ng mga kaibigan na dapat magselos siya sa kissingscenes nina Regine at Mark Anthony Fernandez sa AkoSi Kim Samsoon. May mga nagsa-suggest namang magpa-link siya kay Marian, nakapareha niya sa music video ng "KungSakali,"carrier single ng bago niyang album para amanos sila nggirlfriend.

"Pareho namingkaibigan ni Regine si Marian, at ako pa ang nagpakilala sa kanilang dalawa,"sabi ni Ogie sa PEP. "Nagagandahan ako kay Marian at alam ito ni Regine. Noong bago palang siya, binabati-bati ko na at sinasabi ko na kay Regine na ang ganda-gandani Marian.

"Close silangdalawa. Lagi ngang invited si Marian sa mga party sa bahay nila ni Regine.‘Tsaka hindi marunong magselos yun [Regine]. Nakakatuwa lang ang ibang tao."

ALBUM FOR ROBBY. Inalam din ng PEPkay Ogie kung totoo ang nabalitang ipo-produce nila ni Regine ng album undertheir iMusic label si Robby Navarro ng Pinoy Idol.

"Pinag-iisipannamin. Sayang kasi kung hindi siya magkaka-album, magaling siyang singer," sabini Ogie.

Very vocal si Ogiesa pagsasabing magaling si Robby, na bet niya ito simula nang mapasama ito saTop 12 ng Pinoy Idol. Hindi rin niya naitago ang disappointment nangma-eliminate agad si Robby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN