FIRST READ ON PEP: Mark Bautista joins cast of GMA Films "Sundo"

Viva Artist Agency contract artist and ASAP '08 mainstay Mark Bautista is the latest addition to Sundo, the horror-suspense movie topbilled by Robin Padilla.


Sa Monday, August 11, angpictorial ng first horror movie ni Robin Padilla, GMA Films' Sundo, from the same creative teamthat brought Ouija—writer Aloy Adlawan and director Toppel Lee. Makakasama niRobin sa movie sina Sunshine Dizon, Rhian Ramos, and Katrina Halili in aspecial role.

Naghahanap ang GMAFilms ng puwedeng bagong itambal for Rhian dahil pagpapahingahin muna ang MarkHerras-Rhian team-up after I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) also from GMA Films na ipalalabas on September 17. Sa TV naman muna susubukan ang tambalang JC de Vera-Rhian sa LaLola, although nagkasama na ang dalawa sa My Monster Mom pero hindi silamagkatambal.

Isang Star Magicmatinee idol ang naisip nilang maging partner ni Rhian. The talent arm ofABS-CBN accepted the offer dahil co-produced naman ng Viva Films ang Sundo.Kaso, nang binigay na ang schedule of shooting, same schedule pala ito ng showna ginagawa ng matinee idol for ABS-CBN ngayon kung kaya't kailangan siyangmag-beg off.

Viva Films offeredtheir male talent Mark Bautista. Libre ngayon si Mark dahil ASAP ‘08 lang angpinagkakaabalahan ng singer-actor. Around September pa naman sisimulan angshooting ng Baler ng Viva Films, kung saan kasali rin si Mark.

Pagkatapos magkaayosng schedule, tinanggap ni Mark ang pelikula sa film arm ng GMA-7, na rivalng kanyang home network.

Nakilala sina Mark Bautista at Sarah Geronimo, na naging champion ng Star For A Night noong 2003, saIBC-13. Unlike Sarah though na nakagawa ng ilang shows sa GMA-7, like Click, bagosila inilipat ng Viva sa ABS-CBN after a dispute between the Kapuso network andViva—which is now settled—Mark's popularity really started in ABS-CBN.

This month ang simula ng shooting ng Sundo with a possible playdate at the endof October.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN