Gabby Concepcion never imagined recording his own album

"Noong araw kasi na mangyari ito, hindi ko sineseryoso,around 1980-81, so mga 15 or 17 ako noon. Imagine, hindi ko nga inisip napumasok sa pag-aartista, kumanta pa? So, hindi talaga ako nag-concentrate namagiging career ko ang singing kaya nag-concentrate ako sa acting," relates Gabby Concepcion about his newfound career as a singer.



Ang lahat daw ng mga nangyayari sa pag-uwi ng aktor na si Gabby Concepcion sa bansa ay hindi niya inasahan noon. Angmain purpose daw ng kanyang pag-uwi ay upang bisitahin ang kanyang amangmaysakit. Hanggang sa dumating na nga angsunud-sunod na offers sa kanya—movies, TV shows,product endorsements, and now, a recording album that Gabby never thought couldhappen.

Kahapon, August 5, ay inilunsad ang self-titled debut albumni Gabby under Warner Music. Naganap ang album launch sa Red Box sa TrinomaMall sa Quezon City.

"Marami ang nangyayari sa akin na hindi ko pinaplanonggawin, pero yun ang nangyayari sa akin, whether it's good or it's bad. And oneof them, yung pagpasok ko sa TV na hindi ko akalaing gagawin ko.

"Kasi noong dumating ako, ang akala kong gagawin ko aypelikula. Hindi natuloy yung movie. Now, nagiging busy ako sa TV at wala akongmailagay na schedule para sa pelikula. Pero kapag meron nang offer angmovie, definitely, gagawan ng schedule yun because that's one of thepriorities. Then, yung mga endorsements na alam n'yo naman ang nangyari..."nabiting sabi ni Gabby na malamang naisip ang controversial endorsement niyang isang whitening product.

Patuloy niya, "'Tapos, heto nga ang recording at hindi konaman akalain na mangyayari ito. Pero lahat naman ng gawin ko, kasi I try togive 100 percent of my time. Kaya noong mangyari ito, sineryoso ko.

"Noong araw kasi na mangyari ito, hindi ko sineseryoso,around 1980-81, so mga 15 or 17 ako noon. Imagine, hindi ko nga inisip napumasok sa pag-aartista, kumanta pa? So, hindi talaga ako nag-concentrate namagiging career ko ang singing kaya nag-concentrate ako sa acting."

GABBY AS A SINGER. May 12 tracks ang album ni Gabby that includes his versionof "Iisa Pa Lamang," ang theme song ng soap opera niya sa ABS-CBN, 10 revivals, and one original composition, "Ako Pa Ba?" Kapag pinagkinggan angmga kanta sa album ni Gabby, halos lahat ay matataas ang tono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nagulat nang malaman na may album si Gabby at angunang tanong nila ay kung marunong ba talagang kumanta ang dating matineeidol.

"Of course, I don't doubt people who will question, orquestion people who will doubt also. Natural yun. I never used to sing inTV. E, puro boses ko, boses nagbibinata noong ginawa ko yung ‘Come What May'[theme song of one of his earlier films with ex-wife Sharon Cuneta]. Ngayon, medyo lumalim na ngkonti. At saka iba ang approach ng Warner dito, medyo binaligtad nila.Yung guy muna, then girl.

"Okay, I will correct myself... Actually, wala naman akongkinumbida, pero yung ‘Come What May,' may babae ro'n, pero hindi ko siyakinumbida. But of course, nagulat ako that Warner asked her to sing. AndI'd like to thank Nina for singing that part," lahad ni Gabby.

Personal request ba ni Gabby na makasama sa album ang "ComeWhat May"?

"Yes. Ang hindi ko lang ni-recommend, yung kantang Burgis,kasi talagang anong-ano ako ro'n, pati ako nangingilabot!" natatawa niyangsabi. "Actually, binigyan ko sila ng listahan. May idinagdag sila. ‘Tapos,tinanong nila ako kung okay raw ba. Sabi ko, ‘Of course.'"

Gabby's personal favorite in his album is "Ako PaBa?," the only original composition among the track in his album. "Kapag lumabaspa ‘to, hopefully maging successful. Marami pa kong choices from the ‘80s nasabi ko nga, bakit ang mga kabataan ngayon, hindi nire-revive?"

Puwedeng sabihin na ang dating asawa na si Sharon Cuneta ang nasa isipan niya when he recorded the"Come What May"?

"Well, yun ang mga panahon namin, e. Hindi namin theme song‘yon, nagkataon lang talaga na nasa pelikula. Pero siyempre, puwede n'yongsabihin na yun ang song for her kasi magkasama kami sa pelikula. Pero sa totoolang, this CD is a love collection. It's a general feeling or songs ngnagmamahal or nagmahal," paliwanag ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHARON'S CONCERT. On August 8 ay gaganapin ang Megathirty concert ni Sharon saAraneta Coliseum to celebrate her 30 years in showbiz. May plano ba si Gbby na manood nito?

"Yung sa amin ang kino-concentrate ko, sa August 15 and 16sa Music Museum. Kasi this is my first, e. Ayoko rin namang mangumbida lang ngkaibigan kasi baka puro mga kaibigan ko lang ang dumating. Pero pinasasabi kona rin po sa mga kaibigan ko at sa mga kaibigan nila who might be interested.Anyway, the billboard is up so I hope it will become successful."

Gabby's two-night concert will feature Pops Fernandez, ClaudineBarretto, and Ai-Ai delas Alas.

Ibinalik ng press ang tanong kung wala nga sa plano niya angmanood ng concert ng dating misis.

"Depende kung meron kang gagawin or wala... Titingnan ko, ha.Pero kasi, palagay ko, meron. Kasi every day, wala akong araw na walang lakad,"palusot niya.

KC'S FIRST MOVIE. Malapit na rin ang premiere night ng first movie ng kanyanganak na si KC Concepcion na For The First Time. Duringthe movie's presscon, may nagtanong kay KC kung iimbitahan ba niya ang mgamagulang na manood. She replied that she would love to have her parentswatch her first movie.

Will Gabby be there to watch his daughter's first movie?

"Well, if I'm requested to be there," maikli niyang sagot.

Most probably, nandoon at magbibigay rin ng suporta si Sharon. Magiging hadlang ba ‘yon para hindipumunta si Gabby?

"Well, kahit naman sino, I'm willing to see. Maski namannoong araw, lahat ng tao gusto kong makita. Actually, hindi ko nga alamkung bakit nagiging big deal, pero para sa akin, there's no big deal,"pagtatapos ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN