Ryan Agoncillo dismisses report that L.A. show of "Eat Bulaga!" was a flop

"Hindisiya flop by all means. Kasi mahirap magsalita, maiipit ako actually if Idefend it, e....But for me, from what I saw, there's a good crowd. One ofthe better crowds I've been in, so that's all that matters to me," says Ryan Agoncillo about report that the special show of Eat Bulaga! in Los Angeles was a flop. Ryan and fiancée Judy Ann Santos were special guests on that show.



Naniniwala si Ryan Agoncillo na walang kinalaman angpagkakaayos ng ABS-CBN at kasintahan niyang si Judy Ann Santos sa pagkakakuhasa kanya bilang host ng bagong reality show sa Kapamilya network, ang PinoyFear Factor, na kukunan pa sa Argentina.

"No, no, iba yung concerns namin. We fight our own battles.Actually, nung night nga na 'yon nung nag-audition ako, yun yung night nanagmi-meeting sila ni Sir Gabby [Lopez]. But si Sir Gabby, gustong pumunta doon sa auditions para manood. Si Juday ang pumigil dahilbaka lalo raw akong kabahan. Kasi magka-text kami. Siya, kinakabahan sa meetingniya; kinakabahan ako sa auditions ko," kuwento ni Ryan sa panayam sa kanya ngPEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Pinoy Fear Factor.

EAT BULAGA! IN L.A. Inusisa rin ng entertainment press si Ryan tungkol sa showng Eat Bulaga! sa Los Angeles, kung saan special guests sina Ryan at Judy Ann.Pinabulaanan ni Ryan ang lumabas na balita na "flop" daw ang naturang show.

"There are a lot of people. Ang akin nga, e, ang amin, itwasn't a flop, definitely. And it's one of the better shows that I was part,"sabi ni Ryan.

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Ryan sa mga larawan nanakuha ng entertainment editor ng Balita na ipinadala sa kanya. Makikita sa naturangpicture na puno ang ibabang bahagi ng venue, pero wala raw tao sa ikalawanglevel at sa bleachers section.

"Well, that was just the bleachers. Nobody really goesto the bleachers even in Araneta [Coliseum]. The concerts never, peoplenever watch in the bleachers. What you don't see is dito [ sa ibaba], angkapal ng tao. This is NBA class na lugar, pero ang tao nito situated papataasna ganun. What you're seeing in the empty bleachers, which isa fourth, not even the quarter of the capacity. Pero ang akin, hindiyun ang ano, kung ibinaba mo ang kamera makikita mo ang kapal ng tao dito,"paliwanag ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Ryan, masasabi lang na flop ag concert kung kontilang ang tao sa patron section at puno sa bleachers.

"Oo, kasi ito yung ano, e, tig-100 dollars na tickets,e. How many Filipinos are there in the States at a given time?"argumento niya.

From Ryan's point of view, totoo ang picture na nakita niyana kinunan sa concert. "But then again, I can take a picture, I can also take apicture na to defend."

Dahil sa isyu na flop diumano ang show ng Eat Bulaga! saU.S., may intriga na hindi pa rin ganun kalawak ang coverage ng GMA Pinoy TVsa U.S. Idagdag pa na kinuha pa sina Ryan at Juday to join the show, plusang love team nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

"Ay, hindi, marami siya," diin ni Ryan. "I've seen, no...hindisiya flop by all means. Kasi mahirap magsalita, maiipit ako actually if Idefend it, e. Pero siguro I'll defend it but meron akong mga puwedengsabihin to defend it that will dispel rumors; but I can't say, ganunna lang. But for me, from what I saw, there's a good crowd. One ofthe better crowds I've been in, so that's all that matters to me."

(Sa huling kaganapan, nag-apologize na ang nagpakalat ngimpormasyon na flop diumano ang show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles na kinagat naman ngilang columnists. Ayon sa ipinadalang e-mail ng isang "joweedeame," walasiya mismo sa venue kung saan ginanap ang show at kinuha lang niya ang mga larawanmula sa Internet. Sa ilang saglit ay ipu-post ng PEP ang kabuuang nilalaman nge-mail ni joweedeame.)

BREAK FROM MMFF. Pagkatapos ng dalawang magkasunod na movies nina Ryan atJuday sa Metro Manila Film Festival—Kasal, Kasali, Kasalo (KKK) at Sakal,Sakali, Saklolo (SSS)—ang pelikula naman ni Ai-Ai delas Alas, Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, ang official entry ng Star Cinema this year. Ano ang masasabi ni Ryan dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang inano namin kasi ni Juday, after KKK, SSS, andYsabella, a year and a half na dire-diretso kami na nagtrabaho together,papahinga muna kami. Kasi hindi kami love team, di ba? We're really a couple, so hindi kami loveteam, so pahinga.Trabaho muna siya on her own which is her Nurserye and her films. ‘Taposako, may Fear Factor, may Pieta, and I'm doing my show at TV5.So, magkahiwalay. But there's a sitcom in the works na if ever masimulansiguro namin yun, late this year na," lahad ni Ryan.

Hindi raw karugtong ng KKK at SSS ang gagawin nilang sitcomni Judy Ann sa ABS-CBN. "Totally different, but it's definitely be a sitcom," sabi ni Ryan.

Ano ang masasabi niya ngayong wala silang entry ni Judy Annsa MMFF?

"Okey lang. Mahirap kasi mag-filmfest din. Nakakakabadahil bukod sa kalaban mo ang sarili mong pelikula, kalaban mo rin yungthe rest na marami.

"Oo, may nerbiyos. Plus the fact na yung panahon ngfilmfest, yun din ang panahon ng Pasko na you're running around, ano,mahirap. So, ilang taon na ba akong nagpi-filmfest? Tatlong taon na akongdire-diretsong nagpi-filmfest. So, this year, kung hindi ako mag-filmfest,makakaluwag ng konti yung December ko."

May plano na ba siyang gawin sa Pasko?

"Wala pa. Tingnan natin. May mga kaibigan kami na uuwina we're looking forward na i-entertain. Kasi the past ilang years, yung mgaumuuwi naming kaibigan, hindi namin nae-entertain kasi nga, may entry kami safilmfest. So, this time around, at least we'll be able to go out of town. We'llbe able to go nung kami talaga yung nagsa-shop, hindi yung pinabibili na langnamin."

JUDY ANN'S STATUS IN ABS-CBN. Bago sila umalis ni Judy Ann papuntang Europe, nagkaroon ngproblema si Juday sa ABS-CBN. Ano ang ibinigay niyang advice kay Judy Annduring that time?

"Alam niya naman, e. Kasi kami ni Juday, we have our owndiskarte with our own problems sa career. Basically, hindi ako masyadongnagbibigay ng advice sa kanya sa mga ganun, nakikinig lang ako. ‘Taposkapag may mga specific siyang mga tanong, sinasagot ko na lang, pero masbeterano siya sa akin sa showbiz, e, sa totoo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero may diskarte ako na iba sa kanya. Magtatanong langsiya, sasagutin ko. Pero hindi siya yung advice na 'ito ang gawin mo, dapatgano'n'. It's more of pagtatanong sa kung ano yung panukala ng isangboyfriend, panukala ng isang lalaki, more like that," saad ni Ryan.

Ano naman ang ibinigay niyang panukala kay Judy Ann?

"What issues specifically?" balik-tanong niya.

'Tulad ng isyu na tatapusin na lang daw ni JudyAnn angnatitirang isang show niya sa ABS-CBN at saka siya lilipat ng GMA-7.

"May ganun ba? Ako kasi, with regards to loyalty andservice, there's puso in it also in as much as there's business to it. So we'reall, kumbaga sa amin, we're all businessman in this, we are players in it. So,kumbaga, don't hate the player, hate the game, di ba?

"Kumbaga, ako lagi kong advice sa kanya [Juday], ‘You haveto think with a clear head.' Kailangan hindi emotional. Kailangan kung ano angdesisyon mo, stick to it kasi matagal yung proseso before you reached thatdecision. Once you've got to that process and you made a decision, you haveto stick to it because that's the only way we survive this industry withintegrity.

"Kailangan kung ano yung pinagdesisyon mo, tama yungpinagdaanan mong channels. And if your reason for making that decision isright, then you're halfway down. Kasi hindi naman yung magiging resulta angpinagtatalunan, e, yung rason mo for that decision. If you did it with agood heart and a clear mind when you made that decision, stick to it kasinega man o positive yung effect, hindi na isyu 'yon. The issue is the decision you made," punto niya.

What if natuloy si Judy Ann lumipat sa GMA7, maiiwan ba siyasa ABS-CBN?

"Ako? It shouldn't be an issue."

Paano ang TV rights kapag kinasal sila?

"Actually, wala. That's for sure," paniniyak ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN