Dolphy on National Artist proposal: "Kung dumating, salamat. Pero kung hindi, okay lang din.

Shooting Dobol Trobol with Vic Sotto was botheasy and hard for Comedy King Dolphy. Revealing his routine against the rigorsof shooting, he revealed, “Sanay na ako na gising mga alas-dose, mgaalas-onse, e. Basta ako, after lunch ako, pagtapos nun maski magtuloy-tuloy natayo. Pero as much as possible, mga [hanggang] 12 [midnight] lang, ganun.”



Sa kanyang pagtungtong sa edad na 80 ay muling nabuhay angrekomendasyon ni Senator Manny Villar na pormal na kilalanin si Dolphy bilangisang National Artist.

"Si Dolphy ay isang alagad ng sining na pumukaw sapagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga pelikula. Bilang bida sa nagingpinakamatagal na palabas sa telebisyon na John and Marsha at sa John enShirley, hindi lang siya gumaganap sa papel na ‘Mang John,' bagkus, ipinakikitaniya ang tunay na buhay ng isang ordinaryong Filipino.

"Ipinakilala ni Dolphy angnapakagandang sining ng vaudeville. Ang kahusayan niya sa sining ay nasubok samatatag na pananatili sa kumpetitibong industriya ng pelikula," saad ng inihaing liham ni Villar kayCultural Center of the Philippines (CCP) Chairman Emily Abrera noong nakaraangtaon.

Kagabi, August 5, sa press conference ng pelikulang Dobol Trobol na ginanap sa ImperialPalace Suites sa Quezon City ay inamin ng Comedy King na siya'y lubos nanagpapasalamat sa mga naniniwala na deserving siya sa nasabing parangal.

"Sana nga madatnan ko habang ako'y buhay pa," seryosongpahayag ni Mang Dolphy.

Obviously, ang tinutukoy ni Dolphy ay ang nangyari sa yumaongAction King na si Fernando Poe Jr., na nagawaran ng natatanging parangal bilangisang National Artist dalawang taon matapos itong pumanaw sa edad na 65.

Hindi naman din umaasa si Mang Dolphy na masungkit ang award. 'Ikanga niya, e, "Kung dumating, salamat. Pero kung hindi, okay lang din."

ONLY FOR FPJ. Bagama't maraming sang-ayon na siya'y magawaran ng National Artist award aymarami rin ang nangangamba na mabitin ang pag-usad ng rekomendasyon sa dahilangkilalang staunch supporter ni Fernando Poe Jr. si Mang Dolphy, lalo na noongkasagsagan ng 2004 presidential elections campaign.

Nabigo ang presidential bid ni FPJ laban kay incumbentPresident Gloria Macapagal-Arroyo. Noong kainitan ng kampanya ay sinasabingnakapagbitiw ng matalim na salita ang Comedy King laban kay Mrs. Arroyo.

"Ako naman pinupuri ko lang si Ronnie [FPJ]. Eleksyon, e, kasama‘yong ganoon. Pero wala naman ako talagang sinasabing masama. Nag-apologizenaman ako, sabi ko, 'Mag-a-apologize ako pero hindi ninyo maiaalis ito dahilmanok ko si FPJ,'" paliwanag ni Mang Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First and last na daw ang ginawa niyang pangangampanya para kayFPJ at hindi na ito mauulit kahit pa sabihing merong manghingi ng kanyangsuporta.

"Ayoko na," mariing sambit ni Dolphy. Hindi man niyatahasang sabihin ay obvious na mahirap na para sa kanya ang bumiyahe nang malayo.Pumayag nga lang daw siya noon alang-alang sa kandidatura ni FPJ.

"Sabi naman ni Ronnie, dun lang sa mahihinang balwarte, e,hindi ko naman tatanggihan si Ronnie, mahal ko 'yon, e. Utang na loob ko sa tatayniya, 'tsaka sa kanya, hindi ko makakalimutan. Alam niya na hindi ako sumasamadiyan, maski si Erap [former president Joseph Estrada] nga noon, hindi ako kinukuha dahil alam niya ayaw ko.

"Ang kuwan ko na lamang, ‘yong aking makakayang suporta sakanila, ‘yong mga banner-banner. Pero ‘yong sa entablado, nag-i-endorse ako, kayRonnie ko lang ginawa ‘yon."

COMING OUT CLEAN. Malakaspa rin ang usap-usapan sa kalalabas pa lamang na autobiography ni Mang Dolphy napinamagatang Hindi Ko Ito NaratingMag-isa. Sa nasabing tell-all book ay buong tapang na ikinuwento ngbatikang komedyante ang kanyang buhay, partikular na ang kanyang mala-alamat nabuhay pag-ibig.

Kilalang ladies' man si Mang Dolphy at aminado naman ito nanakasakit siya ng ilang damdamin, lalo na noong kanyang kabataan.

"Humingi naman ako ng tawad doon sa libro, sa mga nasaktanko. 'Ika nga, mas maganda na ‘yong humihingi ka ng tawad kesa hindi ka humihinging tawad. Sa libro na ‘yon, kasama na ‘yon. Inamin ko dun sa libro, napansinninyo doon sa libro, walang kasalanan lahat ‘yong babae, puro ako lang. Okay langyon, e. Kasi ang aking kasalanan ang sinasabi ko dun. ‘Yong mga pagkukulangnila, hindi ko na sinasabi dun, ako na lang."

One of the most interesting parts of the book ay ang testimonies na isinulat ng ilang babaeng naugnay sa kanya. Eye-opener daw paramismo kay Mang Dolphy ang naging pahayag na mga ito sa dahilang, "Nakita ko ‘yongfeeling nila noong araw. Ngayon ko lang natuklasan ‘yong mga may hinanakit,ngayon ko lang nalaman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Consistent naman ang naging pahayag ni Mang Dolphy sa sinabi niBibeth Orteza noon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na personal nahiniling nito na huwag na lang mag-dwell masyado sa istorya ng ilang indibidwalna nananahimik na.

Katuwiran ng Comedy King, "'Yon kasi yong mga pinaalis, ‘yong mgatahimik na ang buhay. Huwag na nating ungkatin ‘yan baka mamaya mademanda patayo. Tahimik na ang buhay nila, e."

At this point, wala na raw mahihiling pa ang ComedyKing sa career niya at maging sa personal na aspeto.

"Wala na. Sobra na ang blessing sa ‘kin ni God. Ang gusto kona lang ‘yong mahal ko sa buhay, magkaroon ng magandang kinabukasana sa buhaynila. ‘Yon na lang 'yong pini-pray ko na mawala man ako dito, maganda ang buhaynila."

Masaya rin siya sa kinalabasan ng kanyang first team-up withVic Sotto. Dream project nga kung tutuusin ang Dobol Trobol sa dahilang ngayonlang nagkasama ang itinuturing na hari at prinsipe ng komedya.

"Nag-enjoy ako talaga. Hindi ako napagod, hindi ko naramdamanna tapos na ‘yong pelikula. Masaya, e, parang hindi ako nagtatrabaho, parangnaglalaro lang kami," nakangiting kuwento ni Dolphy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN