Paolo Paraiso prepared for repercussions of gay kissing scene in "Imoral"

"Gusto kong gawin ang gay kissing scenes dahil kailangan saistorya, at magbibigay ng justification sa characters namin as gay lovers. Yun lang ang pinaniniwalaan ko nang gawin ko yun, atnakahanda ako sa repercussions. Alam ko namang pag-uusapan yun, and I don'treally mind,"says Paolo Paraiso about his kissing scene with Imoral co-actor Arnold Reyes.



Sa Bernal Gallery ng UP Film Institute (Cine Adarna) sa Diliman nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Paolo Paraiso kaugnay ng controversialkissing scenes nila ng co-actor niya sa preview ng Imoral nasi Arnold Reyes.

"Hinding-hindi ko pagsisisihan ang ganitongrequirements, kasi ginawa ko yun as an actor. Hindi naman dahil lang sa gustokong makipaglaplapan sa kapwa ko lalaki," paliwanag ni Paolo.

WHAT MYLENE SAID. Ito'y may kinalaman din sa nasabing ex-lover niyang si Mylene Dizon na baka nga pagsisihan din ni Paolo angpagtugon sa ganitong mga eksena, gaya ng nangyari sakanya nang ma-involve siya sa lesbian sex scenes naman sa isa pang indiefilm, Rome and Juliet.

"Nang makausap ko si Mylene, definitely, ang point langniya ay yung baka ako ma-typecast. She's scared of that, na baka puro gay rolesna ang ibigay sa akin. Sabi ko naman, malabong ganoon ang maging diskarte,kasi may iba pa namang nag-o-offer sa akin ng ibang klaseng roles. Trabaholang naman 'yan.

"Madaling maintindihan 'yan ni Mylene, for she's alsoan actress. Not for anything else. Wala namang selos yun sa kanya. Bakitmagseselos?" natatawang sabi ni Paolo.

Idiniin niyang maganda pa rin ang pagsasama nila ni Mylenekahit may kanya-kanya na silang buhay. But they see to it na nagkikita sila, kasama ang kanilang anak na si Tomas, every now and then.

"Yung tungkol sa pinagsisihan niya yung ginawa niya sa Romeand Juliet, mas mabuting itanong mo na lang kay Mylene ang tungkol doon.Sabi nga niya, mahabang kuwento. So, let her tell the story. Hindi naman ako ang naka-feel at naka-experienceniyon, e. Siya lang ang makakasagot ng mga tanong mo," saad ng aktor.

X-RATED. Kinabukasan, nang ipa-review ang Imoralsa MTRCB (Movie and Television Review and ClassificationBoard) for the rating, ay na-X ito. Pero agad ay binawi ang X-rating atnaging R-18 na siya dahil nga sa depensa ng isa sa tatlong nag-review rito, ang dating aktres nasi Amalia Fuentes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung totally na-X siya, we'll just have to appealsiguro, and respect the decision of the MTRCB people," banggit ni Paolo."At least, agad-agad they changed their judgment. After thediscussions, nalinawan siguro sila sa merits ng movie para ipapasa na lang nila.

"Sa akin kasi, siyempre gusto kong ipaglaban angpelikula. But since binawi na nila ang X-rating, maipalalabas na ang movie,and I'm so happy with that," pahayag pa niya.

DOING THE GAY SCENE. Tiyak na pagpipiyestahan atpag-uusapan din ang mga maiinit nilang eksena ni Arnold Reyes sa nabanggit napelikula, tungkol sa set-up na ang isang heterosexual couple ay pumayag namakasama sa iisang bubong ang gay lover ng lalaki.

"Nang mabasa ko nang buung-buo ang script ng Imoral,immediately hindi ko na binitiwan," lahad ni Paolo. "At gustokong gawin ang gay kissing scenes dahil kailangan sa istorya, at magbibigay ngjustification sa characters namin as gay lovers.

"Yun lang ang pinaniniwalaan ko nang gawin ko yun, atnakahanda ako sa repercussions. Alam ko namang pag-uusapan yun, and I don'treally mind. Lahat naman ng itatanong nila sa akin about that ay kaya kongpanindigan," pagwawakas ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN