Carmi Martin reunites with her former leading men Dolphy and Vic Sotto in "Dobol Trobol"

"Nung first day ng shooting namin, sabi ko sa kanila, ‘Uy, naku naman,nakaka-thrill, magkakasama tayo ulit. Sabi naman nila, 'Kami rin. ‘ Alamn'yo yung yabang na ano nila, ‘Siyempre Carmi Martin ka, e,'ganyan-ganyan," narrates Carmi Martin about working with Dolphy and Vic Sotto in one movie.



Kasama si Carmi Martin saDobol Trobol: Get Redi 2 Rambol na pinagbibidahan ng Comedy King na siDolphy at ng Box-Office King na si Vic Sotto atipalalabas simula August 13.

Ginagampanan dito ni Carmi ang papel bilang asawa ni Dolphy.Bale reunion movie ito nina Carmi at Dolphy dahil 15 years na raw ang hulingpelikula na magkasama sila at hindi na nga raw matandaan ng seksi pa ring aktres ang title ngpelikula nila.

"Matagal na yung movie kaya hindi ko na talaga matandaan angtitle nun. Kasama rin namin doon si Vandolp [anak ni Dolphy kay AlmaMoren]. Pero siyempre, ang pinaka-memorable talaga para sa akin ay yungDolphy's Angels. For me talaga, it's such an honor na napasama sa movie naito," saad ni Carmi, na nagsimula bilang isa sa Dolphy's Angels, sapresscon ng Dobol Trobol noong Martes, August 5, sa Imperial Palace Suites.

Ngayong muli niyang nakatrabaho ang Comedy King after 15 years, ano angmga pagbabagong nakita niya rito?

"I think ang kahanga-hanga sa kanya ay yungmemory niya. Kasi ang galing, e. Alam mo yun, hindi siya nara-rattleor something. Ang hahaba kasi ng lines, e. Pero lagi siyang take one.Kung nakaka-take two man siya, konti lang, ganoon. So yungmemory niya, nandoon pa rin. Nandun pa rin yung galing niya, yungpag-a-adlib.

"At siyempre yung charisma niya, na hindi mo na matatanggal.Ang lakas pa rin talaga ng dating niya. Siyempre yung aura of being a ComedyKing, talagang nandun pa rin. At the same time ‘pag kinausap mo, he is sohumble as a person. And alam mong ka-admire-admire. When I was watchingyung special niya, yung Dolphy at 80, para siyang si CharlieChaplin," pahayag ni Carmi.


Gaya ni Mang Dolphy, hindi rin ito ang first time ni Carmi na makasama si Carmisa pelikula.

"Marami na kaming movies na pinagsamahan ni Vicwith the trio, yung grupo nilang Tito, Vic, and Joey noon. Favoritedin nila ako noon. Then after that, malaking gap, ngayon lang ulit kami nagsamani Vic. And nakakatuwa na yung dalawang higante sa showbiz, first time nanagsama sa pelikula ‘tapos kasama rin ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung first day ng shooting namin, sabi ko sa kanila, ‘Uy, naku naman,nakaka-thrill, magkakasama tayo ulit. Sabi naman nila, 'Kami rin. ‘ Alamn'yo yung yabang na ano nila, ‘Siyempre Carmi Martin ka, e,'ganyan-ganyan," kuwento niya.

Nung gumawa ba sila ng movie noon ni Vic ay hindi ba sila na-link romantically?

"Wala namang ganoon," sagot niya. "Siguro yung may attraction,yes. Hindi mo na matatanggal yun. Pero yung sasabihin mong natuloy,hindi naman."

Ano ang ibig niyan sabihin na hindi natuloy?

"Hindi ko na lang i-e-elaborate, basta it didn't push through,"nakakaintriga niyang sagot.

Kung sakali bang niligawan siya ni Vic noon, may maasahan ito sa kanya?

"Siyempre naman, cutie-cutie ‘yan, e," aniya.

E, kung si Mang Dolphy ang nanligaw sa kanya, may maasahan din ba ito sa kanya?


"Oo naman, puwede rin, " nakangiting sabi ni Carmi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN