Dolphy and Vic Sotto to promote "Dobol Trobol" together in "Eat Bulaga!"

Comedy giants Vic Sotto and Dolphy co-star for the first time in Dobol Trobol, a project that their fans have been waiting for the longest time.



Nababalita pa lang na magsasama sa pelikula sina Dolphy atVic Sotto, usap-usapan na kung paano ang promotion ng movie at kung magpo-promoteba si Vic sa ABS-CBN at si Dolphy sa GMA-7.

Ini-expect din na pansamantalang kalilimutan ang network warat iwe-welcome sa shows ng Kapamilya network si Vic, na hindi man exclusivetalent ng GMA-7 ay may dalawang shows na roon umeere, ang Eat Bulaga! atFul Haus. Ang Eat Bulaga! ay blocktimer at produced ng TAPE, Inc.samantalang ang Ful Haus ay co-production ng kanyang M-Zet TV Productions at ngGMA-7.

Si Mang Dolphy ang may exclusive contract sa ABS-CBN atinaabangan ang paglabas niya sa shows ng Kapuso network para i-promote ang movie nila ni Vic na matagal hinintay ng fans.

Tapos na ang Dobol Trobol Get Redi 2 Rambol atshowing na nga sa August 13. Pero madi-disappoint ang mga nag-aabang namakitang magkasama sina Dolphy at Vic na live na nagpo-promote ng kanilangpelikula dahil sa Eat Bulaga! this Saturday, August 9, lang silapuwedeng magsamang mag-promote. Ito ay dahil hindi station-produced angnaturang noontime show.

Ang mga susunod nilang TV promo, kanya-kanya na sila ngpromote. Kung magkakasama man sila, live ang isa at VTR ang isa.

Gaya na lang sa Saturday, August 9, nasa StarTalk siVic at nasa Entertainment Live naman si Mang Dolphy, pero parehong VTR.Sa Sunday, August 10, live ang guesting ni Vic sa Showbiz Centralatmay VTR si Mang Dolphy. Sa The Buzz, live guesting si Mang Dolphy at VTRnaman si Vic.

Nabalitaan pa ng PEP na dapat ay guests din ang dalawa sa SOPat sila ang kakantahan nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs sa "OJ" segment ng show, pero bakahindi matuloy dahil nasa ASAP '08 si Zsa Zsa Padilla, na partner ni Mang Dolphy.

Pero nakakatuwa ang presence nina Linggit Tan at LengRaymundo ng ABS-CBN sa presscon ng Dobol Trobol kahit na mas maraming Kapuso stars sacast, gaya nina Carmi Martin at Kevin Santos nanasa Ako Si Kim Samson; si Ricky Davao na nasa Dyesebel; BJForbes at SugarMercado na napapanood sa Ful Haus; at sina Jose Manalo,Diana Meneses, EBBabes, at Wally Bayola ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Dolphy, si Riza Santos lang ang taga-ABS-CBN sacast dahil si Zsa Zsa Padilla ay very small ang partisipasyon sa movie. Cameorole lang sila ng girlfriend ni Vic na si Pia Guanio, na Kapuso talentdin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN