"Mahal Kita" singer Maricris Garcia launches first solo album

Maricris Garcia, who sang the very popular Marimartheme song "Mahal Kita" finally has her own album, after being part of twocompilation albums from GMA Records.



"Mahal Kita" ang bati ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Maricris Garcia nang makausap namin siya sa pocket interview naipinag-imbita ng GMA Records kahapon ng tanghali, August 6, sa The OldSpaghetti House sa Sct. Esguerra St. in Quezon City.

Ang "Mahal Kita," na siya ring title track ng kanyang firstsolo album with the same title ay sumikat dahil ito ang theme song ng highest-rating soap ng GMA-7, ang Marimar. Originally sung by Gerald Santos (PinoyPop Superstar 2 champion) and composed and arranged by Danny Tan.

Maricrishas already recorded tracks for two GMA Records: Pinoy Pop Superstar 3:Grand Contenders' Album (singing the track "Beautiful Disaster) and Mga AwitKapuso: Best of GMA TV Themes (singing "Mahal Kita").

Almost a year na bago nagawa ang debut album ng Pinoy PopSuperstar 3 champion dahil after winning the title last year,nagkasunud-sunod na rin ang trabaho ni Maricris, mostly singing the theme songsof GMA's teledramas like Mga Mata ni Anghelita, Babangon Ako AtDudurugin Kita, Joaquin Bordado (ka-duet si Marc Tupaz sa "IkawLang"), at ang latest, ang Gaano Kadalas Ang Minsan with La DivasJonalyn Viray and Aicelle Santos.

May hand ba siya sa pagpili ng mga songs sa kanyang album?

"Yes po, kasali ako sa pagpili ng mga songs,"nakangiting sagot ni Maricris. "Twelve tracks po ito, eight originals andfour revivals. Ang carrier single ay ang revival na ‘Bakit Ikaw Pa Rin' niLarry Hermoso at kinanta ni Noah noon. Ang dalawa pang revivals ay ang ‘ThankYou' at ‘With You' na siyang magiging second single."

EX-LITTLE MISS PHILIPPINES FINALIST. May Chineseblood sa both parents niya, Maricris was born on September 26 and she'll turn21 next month. Three girls and one boy sila at siya ang bunso.

Namana raw niya ang pagkanta sa daddy niyana member ng banda o "combo" noong araw. Seven years old siya nang matuto naniyang kantahin ang "Hero" (by Mariah Carey). Noong 1993, nag-joinsiya sa "Little Miss Philippines" sa Eat Bulaga! pero umabot daw lamangsiya sa monthly finals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fifteen years old siya nang mag-start siyang kumanta sa mgalounges ng hotel, nasa high school pa lamang siya noon. Wala man siyang formaltraining, nahasa naman ang pagkanta niya sa church choir nilasa Caloocan.

Nag-join siya sa first batch ng Pinoy Pop Superstarat naging challenger ni Brenan Espartinez. After a week, si Jonalyn Viray angnanalong first "Pinoy Pop Superstar" champion.

"Sa Pinoy Pop Superstar 3 po nagkaroon ng callback ng mga dating finalists at doon na po ako pinalad," kuwento pa niMaricris. "Ngayon, dahan-dahan na pong natutupad ang mga wishes ko at isanga ang pagkakaroon ng sariling album."

May sarili na ba siyang composition sa album niya?

"Wala po, hindi po ako makapag-compose kasi hindi namanako marunong tumugtog ng anumang instruments. May nasulat na po akong four songs, pero para lang poems ito. TwoTagalog and two English, at nahihiya po akong ipakita ito sa GMA Records,"natatawang wika ni Maricris.

WANTS TO TRY ACTING. May balak din ba siyang pasukinang acting?

"Gusto ko rin pong i-try ang acting kung bibigyan ngchance. Minsan na akong nag-cameo role noon sa Marimar, bukod sa ako ngaang kumanta ng theme song. Doon ko po naging super crush si Dingdong Dantes,nang maging si Sergio siya," natatawang wika ni Maricris.

"Crush ko rin po si Drew Arellano dahil ang saya-sayaniyang mag-host. Nakasama ko na rin po si Dennis Trillo sa music video ng‘Kahit Isang Saglit' na first time ko po na may kissing scene, pero smack langnaman po 'yon. Mabuti na lang po, crush ko lang sila, kasi taken na silanglahat!" biro pa ni Maricris.

NO LOVE LIFE. Baka naman dahil sa busy schedule niya,wala na siyang love life? May boyfriend na ba siya?

"Noon pong high school ako, pero nag-decide po kamingmag-break kasi, hindi po alam ng parents ko na kami nang dalawa, saka ang batapa namin noon. Ngayon, wala po akong boyfriend dahil tutok nga po ako sa LaDiva namin sa SOP at sa pagpu-promote ng album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-start na po akong mag-promote noong July 20 sa SMMarilao, na talagang nerbiyos na nerbiyos ako. Pinatingnan ko muna sa mommy kokung may taong manonood sa akin kasi ako lang mag-isa talaga ang kakanta, walaakong ibang guests. Thankful naman poako na naging successful ang first mall show ko," kuwento niya.

Nasundan daw ito noongAugust 3 sa SM Clark. Sa Sunday, August 10, sa SM Dasmariñas; August17 sa SM Bacoor; August 24 sa SM Fairview; and August 31 sa SM Sta. Rosa.

BACK TO SCHOOL. After graduation from highschool, nakatapos pala ng first semester si Maricris ng tourism sa LaConsolacion College in Caloocan. Kung makakaluwag daw siya ng schedule, gustoniyang bumalik sa school sa second semester.

"Mas maganda po 'yong makatapos din ng college kayagusto kong i-pursue ang tourism course ko."

Available na ang Maricris Garcia: Mahal Kita in allSM, Astroplus, Astrovision and Odyssey Records outlets nationwide. Ang iba pangtracks ng album ay "Umiibig Na Ba," "Since Then,""Ikaw Lang Ang Iibigin," "I Love You Still," "KungSana Bukas," "Kaligayahan Natin" (a duet with Brenan Espartinez),"Nang Dahil Sa 'Yo," at "Huwag Mong Iwan Ang Puso."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN