Director Wenn Deramas talks about Sam Milby's reported butt exposure in "Dyosa"

"Ayaw niya [Sam] kasi. Kahit na noonggawin yun, ayaw niya talaga. Madaldal lang talaga ako kaya nasabi ko, perodapat hindi yun ma-publicize. Ang sa akin naman kasi, Terminator... Konti lang naman, sagilid at saka yung butt talaga. Nakatalikod naman, butt nga, e! At saka fullshot," says director Wenn Deramas about the reported butt exposure in "Dyosa."



Hindi makasagot si Sam Milby nang tanungin siya sa pressconng Dyosa last Monday, August 4, sa Manila Ocean Park tungkol sa mala-Terminatorna eksena niya at pagkakaroon diumano niya ng butt exposure bilang si Adonis.

Sa Hollywood movie kasi na Terminator ay may eksena roon ang bidang si Arnold Schwarzenegger kung saan naglalakad itong hubo't hubad.

Noong una ay sinabi niyang hindi siya pumayag gawin angnaturang butt exposure, pero siya rin mismo ang nagsabi na hindi peke angmapapanood ng mga televiewers. Nang tanungin kung stolen shot ang nakunan na eksena, umoo siyanoon pero agad din niyang binawi.

Pero sa kabila nito ay napa-"next question" siya at angdirector na lang daw ng Dyosa na sa Wenn Deramas ang tanungin. Ito nga angginawa nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) right after ng panayamnamin kay Sam.

Paliwanag ni Direk Wenn, "Ayaw niya [Sam] kasi. Kahit na noonggawin yun, ayaw niya talaga. Madaldal lang talaga ako kaya nasabi ko, perodapat hindi yun ma-publicize.

"Ang sa akin naman kasi, Terminator... Konti lang naman, sagilid at saka yung butt talaga. Nakatalikod naman, butt nga, e! At saka fullshot."

"Stolen shot" daw ang nangyari?

"Naku, panoorin n'yo na lang at tingnan n'yo kung mukhangang stolen shot!" tawa niya. "Ang sabi ko nga sa kanya [Sam], tingnan n'yokung mukhang stolen shot. Basta mabilis na mabilis lang ‘yon."

COMPARISON WITH THE OTHER FANTASERYE. This Monday, August 11, na ang pilot epsisode ng Dyosa saPrimetime Bida block ng ABS-CBN. Bago pa lang nagte-taping para sa naturangshow at nang malaman na bukod sa pagiging half-human at half-horse, half-humanat half bird ni Anne, nandiyan din ang isa pa niyang character bilang mermaid.

Kasalukuyan pa rin namamayagpag ang Dysebel ng GMA-7. Peroayon kay Direk Wenn, hindi raw dapat ikumpara ang parehong fantaserye.

"Mahirap mag-compare," sabi niya. "Kasi kahit isang episodeng Dyesebel, wala akong napanood dahil, I think, noong nagsisimula angDyesebel, nagsisimula naman ako nitong Dyosa. Puro ako out of town that timenoong opening nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So unfair na magko-comment ako, wala naman akong basehan.Pero knowing Joyce Bernal na isang kaibigan, I'm sure na hindi magpapabaya ‘yanat maganda rin ang kanyang trabaho."

Bilang direktor, kampante ba si Direk Wenn na may malakingedge ang Dyosa sa Dyesebel?

"'Yan ang hindi ko puwedeng pangunahan, e, hangga't hindilumalabas," maingat na sabi ng direktor. "Pero ang puwede kong lang masabi,hindi ko puwedeng sabihin na napakaganda ng Dyosa kasi relative ang ganda,e. Puwedeng maganda sa akin, hindi sa iba. So, relative ‘yan.

"Ang puwede ko lang sabihin, I'm confident para umupo ulit [sa press conference]. Kapag hindi ako umupo at nag-endorse, ibig sabihin,hindi ako confident. But with this, napanood ko at ang maganda kasi sa amin,nai-can ko at five weeks na ako halos. So, nakikita ko na yung edited naeffects, nakikita ko na. So, confident ako."

THE CAST OF DYOSA. Kumusta naman si Anne bilang isang dyosa?

"Wala akong naiisip na makakagawa ng napakaraming paghihirapsa taping. Kasi sa ganda, siyempre ang ganda-ganda ni Anne. Pero hindinatin puwedeng sabihin na siya lang ang maganda dahil marami ang magagalit.Pero yung patience at yung galing, wala akong maisip na ilagay ro'n, kasimahirap talaga," saad ng box-office director.

Tatlo ang leading men ni Anne sa Dyosa—sina Luis Manzano,Sam Milby, at Zanjoe Marudo. Sino ang pumili sa tatlo at bakit sila angipinareha kay Anne?

"Akin yung role nina Sam at Zanjoe, given yung role niLuis," sabi ni Direk Wenn. "Noong una kong makita ang kuwento ng dalawa, medyomanipis. So, nakialam ako sa kuwento. Kasi yung kay Luis, ano ‘yan, e,maganda na siyempre may magre-react at magre-react diyan kapag hindi mopinantay. At the very least, yung weight kung hindi man sa exposure. Kasidefinitely, halos lahat ng eksena may Luis dahil best friend siya, e,kababata."

So, wala namang madedehado sa tatlong lalaki in terms ofexposure?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Wala! Tinitingnan ko dahil kapag may break time kami,pinapatingnan ko sa kanila, so equal lahat," pagbibigay-tiyak ng isa sabusiest directors ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN