Robin Padilla handpicks Katrina Halili to be his leading lady in "Sundo"

"Si Katrina, nakita ko na marami siyang tagahanga at sobrakung paano niya i-accommodate ang mga ito. Kaya para sa akin, tama lang na siKatrina ang partner ko. Gusto ko kasing makatrabaho ang isang artista na maymagandang puso para sa maraming tao," says Robin Padilla about Sundo leading lady Katrina Halili.



Hindi natuloy ang first shooting day ng pelikulangpagsasamahan nina Robin Padilla at Katrina Halili na may titulong Sundo sailalim ng GMA Films. Ayon kay Binoe, may inayos pa raw sa script ng pelikulakaya na-pack up ang first-day shoot nila.

Kuwento pa ni Robin sa PEP (Philippine EntertainmentPortal), akala niya noong una ay love story ang Sundo, yun pala ay isa itonghorror movie.

"Akala ko nga love story, e!" tawa ni Robin. "Kung lovestory sana, okay lang na walang script-script. Sige mag-shooting na tayo atsanay na tayo sa love story.

"E, sinabi sa akin na horror pala. Kaya sabi ko na basahinko muna ang script para mapaghandaan ko. Gusto ko munang pag-aralan angcharacter ko bago ako isabak, di ba? Nakakahiya naman kung basta na lang akomag-shooting na hindi ako preparado.

"Pero sabi ko nga, kung love story ‘yan, okey lang kasi alamko na kung paano ang atake, lalo na't kasing sexy at kasing ganda ni Katrinaang makakasama ko. E, kasi horror pala kaya pag-aralan ko muna," paliwanag ngaction superstar.

Nabanggit ni Binoe na choice niya talaga si Katrina namakapareha sa Sundo dahil bukod sa maganda at sexy ang young actress, mabait atmarunong din itong makisama.

"Nakasama ko kasi si Katrina sa isang event sa Mindanao atokay naman pala siya. Akala ng iba na mataray siya, pero mabait na tao palaitong si Katrina. Nakita ko kasi kung paano siya makisalamuha sa maraming taoat gustung-gusto siya. Ako naman, marami na akong mga artistang babaengnakasama at mahuhuli mo ang mga ugali nila kapag nasa marami na silang tao, e.

"Si Katrina, nakita ko na marami siyang tagahanga at sobrakung paano niya i-accommodate ang mga ito. Kaya para sa akin, tama lang na siKatrina ang partner ko. Gusto ko kasing makatrabaho ang isang artista na maymagandang puso para sa maraming tao," pahayag ni Robin.

ROBIN'S SCHOOL. Sa ibang kaganapan, nagkaroon ng contractsigning si Binoe kasama si Dante Liban ng Couples For Christ (CFC) last August6 sa Fairview, Quezon City, kaugnay ng Liwanag ng Kapayapaan Foundation, nanagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginawa na ngang eskuwelahan ni Binoe ang kanyang malakingbahay sa Fairview para sa mga batang hindi maka-afford ng pag-aaral saregular na paaralan. Noong una ay mga Muslim children lang ang puwedengmag-enroll, pero ngayon ay tumatanggap na sila ng mga batang iba't iba angrelihiyon.

"Bukas ang eskuwelahan na ito para sa maraming bata," sabini Binoe. "Dahil nga sa tulong ng CFC, kakayanin na namin ang maka-accommodateng mas marami pang mga bata na gustong mag-aral talaga. Isa ito sa mga adhikainko sa buhay na simulan natin sa mga bata ang pagtulong. Kaya ang pagbigay sakanila ng tamang edukasyon ay malaking concern ko."

Kuwento ni Binoe, ang idea na magtayo ng eskuwelahan aygaling sa mga anak niya na tumatayong mga nanay-nanayan ng mga bata sa kanilangpaaralan.

"Itong bahay kasi, balak na naming ibenta talaga. Perosuggestion nga nina Kylie at Queenie na bakit hindi na lang naming gawingschool para sa mga batang gustong mag-aral pero hindi maka-afford. Mukhangmaganda ang idea nila kaya inayos namin lahat ng mga papeles para maging isangmaayos na school ang bahay na ito.

"Ngayon, hindi ko na mabilang ang mga batang naka-enroll atmay mga nag-e-enroll pa rin hanggang ngayon. Ang mga anak ko ang parating nanditopara asikasuhin ang lahat. Ako naman, dumadaan ako sa school kapag may timetayo. Dito na rin ako nagre-relax lalo na kapag sunud-sunod ang trabaho natin.

"Kaya malaki ang pasasalamat ko sa CFC dahil sa malakingtulong nila sa aming foundation at isa nga sa pangarap ko ay makatulong pa samaraming bata in terms of education sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Perongayon, simulan ko muna dito sa maliit at hintayin natin ang pagkakataon nalumaki pa ito."

TOTOY BATO. Naghahanda na rin si Binoe para kanyang bagongshow sa GMA-7, ang Totoy Bato. Kung sa Joaquin Bordado raw ay nagbagsak siya ngtimbang to 150 lbs. Dito sa Totoy Bato ay kailangan niyang magdagdag ngtimbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan ko ma-reach ang 175 lbs. Kasi boksingero anggagampanan ko sa Totoy Bato at kailangan bato-bato talaga ang katawan ko.Kailangan mas malaki ang katawan ko kesa sa naging build ko sa Joaquin Bordado.

"Ngayon, hindi pa naman ako nagte-training. Napapagod akongayon sa kakakain! Walang diet-diet ngayon sa akin ngayon!" tawa ni Robin.

"Kung ano-anu na ang kinakain ko para ma-reach ko ang 175.Ngayon ay 169 pounds na ako, kaya ilang pounds na lang ang kulang. Kapag na-reachko na ‘yon, doon na ako magte-training na. Kailangang pumuputok ang mga musclesko bago ako magsimula for Totoy Bato. Kaya ibang Robin Padilla na naman angmapapanood nila. Mas malaman na ako ngayon," pagtatapos ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN