Christian Bautista okay if ex-girlfriend Rachelle Ann Go dates other guys

"Okay naman if she dates other guys na. Wala namanakong nababalitaan. Pero kung mayroon na, that's just fine with me, especiallyif the guy will really make her a better person," says Christian Bautista aboutex-girlfriend Rachelle Ann Go entertaining dates.


Naka-focus lamang si Christian Bautista sa rehearsals atstaging ng West Side Story sa Meralco Theater, na mag-uumpisa saSeptember 5 hanggang October 12, 2008. Other than this undertaking, ayaw namuna niyang tumanggap ng ibang raket. Tanging ang commitment lamang niya sa ASAP '08 ng ABS-CBN ang regular niyang pinagkakaabalahan at kung may raket namahirap nang isingit, gini-give up na lang niya.

Kasama ito sa mga sakripisyo ng isang musicalartist na gaya ni Christian, para lamang sa pagmamahal at passion niya for thetheater. Lalo pa't siya ang male lead dito bilang si Tony.

"Part of learning na para sa akin, sa five years ko inthis business," sabi ni Christian, "it's not all about me anymore.Kung paano ko matutulungan ang iba ko pang fellow artists, yun din angginagawa ko.

"How can I help my friends and the other artists? Sateatro, ganyan ang nangyayari. Hindi puwedeng selfish motives. Tulungan talagarito.

"Hindi puwedeng sapawan dito. Yun din ang itinuturo ngtheater sa amin. Gaya sa amin ni Gian [Magdangal, his co-star in West Side Story], he's really good, huh!Nag-uusap kami palagi niyan bago gawin ang scenes namin together. Hindipuwedeng siya lang, o ako lang, nagtutulungan kami dapat, para mag-work yungscenes namin sa musical play," kuwento ni Christian.

Ang co-star nilang si Rowena Vilar na galing pa saAustralia, agad-agad 'yan, kahit hindi na raw sabihan ang mga dancer,tinuturuan na siya kung ano ang gagawin niya.

"Hindi na kami dapat sabihan pang mag-practice withher. Kami na ang gagawa nun," sabi pa ng talented performer tungkol satheater experience niya bago pa ang staging ng West Side Story.

WHAT ABOUT RACHELLE ANN? Mabilis din ang sagot niChristian nang tanungin namin siya kung invited sa gala premiere ng musicalplay ang ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go.

"Oo naman," aniya. "I was even asking kungilang tickets ang kailangan niya.

"Hindi naman nakakapagod yung mga isyu sa amin niRachelle, kasi, talagang ganoon yun. Nagkaroon kami ng relasyon. Hindi namatatanggal yun, Nakatutuwa lang na hanggang ngayon,marami pa rin ang nagtatanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's good that some people still think about it. Ibarin talaga ang pinagsamahan namin, kasi, we know each other so well. It's justfine. We don't let anything hinder the friendship that we have right now, kahittapos na ang relasyon namin," paliwanag ni Christian.

Tinanggal na ba niya ang pictures ni Rachelle sa loob ngkuwarto niya?

"Good press question! I did," nasabi na lang niChristian. "Part of moving on yun. Siguro naman siya, tinanggal na rinniya ang pictures ko sa room niya.

"Okey naman if she dates other guys na. Wala namanakong nababalitaan. Pero, kung mayroon na, that's just fine with me, especiallyif the guy will really make her a better person.

"It's normal. Hindi ko na naiisip pa 'yan, onakakaramdam na nagseselos ako, if she's going to be linked with other guys.We're both free. Walang problema, and she remains to be a friend," sabi nalang ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN