Mark Bautista weighing options on whether to sell his house or not

"Nagustuhan kasinila yung location at porma ng bahay ko. Maganda ang offer nila sa akin. Cashpa nga raw nila babayaran if ever na makapagdesisyon ako na ibenta sa kanila.They made me a good offer kayapinag-iisipan ko nang husto," says Mark Bautista about his house in Don Jose Heights.



Pinag-iisapan pa ngsinger-actor na si Mark Bautista kung ibebenta niya ang ipinatayo niyang bahay sa DonJose Heights sa Fairview, Quezon City.

Kuwento ng pop heartthrob sa PEP (Philippine Entertainment Portal), may nag-offer kasina bilhin ang kanyang three-bedroom, two storey house. Twice the price daw angoffer ng bibili para sa halaga ng bahay ni Mark.

Last year lang ipina-blessni Mark ang kanyang bahay at sinabay pa niya ito sa kanyang birthday (August10). Very proud si Mark sa kanyang bahay at binigyan pa niya ng tour angmga bisita niya. Ngayon, may gusto nang bumili nito at pinag-iisipan niya itonang husto.

"Nagustuhan kasinila yung location at porma ng bahay ko. Maganda ang offer nila sa akin. Cashpa nga raw nila babayaran if ever na makapagdesisyon ako na ibenta sa kanila.They made me a good offer kayapinag-iisipan ko nang husto. Hindi naman ako pressured to decide. Sinabi namannila na kapag may final decision na ako, tawagan ko lang sila.

"E, one year pa lang ako sa house pero bihirarin ako makapag-stay kasi parati akong wala, di ba? Sunud-sunod ang mga showsnamin abroad kaya ang naiiwan lang sa bahay ay ang mga kapatid ko," lahad niMark.

May mga nag-advicenga kay Mark na huwag niya munang ibenta at pataasin pa niya ang value ng bahayniya. May iba naman daw na nagsasabi sa kanya na sayang naman daw angpinaghirapan niya at baka may sentimental value na sa kanya ang bahay. May mganagsasabi rin na tanggapin niya ang offer at bumili na lang siya ng condo unitna madaling i-maintain at menos gastos pa, unlike sa malaki niyang bahay.

"Tinitimbang konaman ang mga options ko, e," sabi ni Mark. "Kailangan ko rin ng opinion ngfamily ko. Pero most of it, sa akin manggagaling kasi sa akin naman yung house.Siguro makakapag-decide ako kapag dumating na ang sign mula kay Lord. Kung gustoNiyang ibenta ko ang house, bibigyan Niya ako ng sign. Kung hindi, isang signpa rin ang hihintayin kong makita ko mula sa Kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay tatlongpelikula ang pinagkakaabalahan ni Mark. Una ay ang Single, kung saan isa siya sa mga leading men ni Rufa Mae Quinto;pangalawa ay ang Baler para sa 2008 MetroManila Film Festival; at pangatlo ang horror film ng GMA Films na Sundo.

Aalis ulit si Markthis month para sa ilang shows sa Europe. Pagbalik niya ay ire-release na angbagong album niya under Viva Records titled I'll Be The One. Kasama rin siMark sa cast ng bagong soap drama sa ABS-CBN na Pieta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN