KC Concepcion wears necklace and bracelet from Richard Gutierrez at her mom's concert

These photos show the necklace and bracelet that Richard Gutierrez gave KC Concepcion during their shooting of For The First Time in Santorini, Greece. KC was a special guest at her mom Sharon Cuneta's anniversary concert at Araneta Coliseum last night, August 8.



Sa presscon ng For the First Time ng StarCinema, ang first movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez, binanggit ngdalawa na they gave each other necklaces na kilala sa Santorini, Greece. Sanaturang isla sa Greece kinunan ang ilang mahahalagang eksena ng kanilangpelikula na idinirek ni Joyce Bernal.

May pendant na gawa sa lava ang kuwintas. Ito ang pasalubongna ibinigay kay KC ng mga kaibigan niya from Paris when her friends went toGreece.

Kaya naman nang pumunta sina Richard at KC sa Greece toshoot on location para sa kanilang movie na For The First Time, ibinili ni KCsi Richard ng necklace para remembrance ng stay nila sa Santorini Island.Actually, nagpalitan sila ng regalo ni Richard dahil binilhan din siya ngbinata ng kuwintas na exactly the same para terno sila. Bumili rin sila ng identical bracelets na maymga markings in Greek.

Suot ni KC ang bracelet at kuwintas na bigay ni Richardsa kanya when she performed at the Araneta Coliseum last night, August 8, saMegathirty concert ng kanyang ina na si Sharon Cineta. Napansin ito ng PEP(Philippine Entertainment Portal) nang ipakita sa big screen ang image ni KChabang siya ay nagpe-perform.

Kita sa mga pictures na ito na kuha ni Girlie Rodis mulasa kanyang Multiply site ang bracelet at kuwintas.

Sa unang picture ay kitang-kita ang bracelet na kulaypink. ‘Tapos may isa pang bracelet na suot si KC. Sa isa namang larawan ay kitang-kitaang kuwintas na may palawit na tila bato. Ito ang lava necklace.

May isang picture pa rito na magkasama sina KC at Richardsa presscon ng For The First Time, kung saan kitang-kita ang suot naman nakuwintas ni Richard na bigay ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Hindi man kasama niKC si Richard sa concert dahil may taping ito ng Codename: Asero, in spirit aykasama naman niya ang leading niya sa For The First Time dahil suot niya angbracelet at kuwintas na bigay nito habang lumilipad siya sa ere while singing"Imposible."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN