John Prats joins Kapuso stars in "Loving You"

"Wala akong masasabi sa mga GMA-7artists, professional sila and hindi sila mahirap katrabaho," says Kapamilya star John Prats (in photo, with Ehra Madrigal) about working with GMA-7 artists in the movie LovingYou.


Bukod sa direktor na si Don Cuaresma, na identified saABS-CBN, isa rin ang Kapamilya star na si John Prats sa mga bida ng pelikulang LovingYou na ipalalabas simula Agosto 20.

Sa press conference na inilaan para sa pelikula kahapon,August 8, sa Imperial Palace Suites, Timog Avenue, Quezon City, nabanggit niJohn na makakapareha niya ang Codename: Asero actress na si Ehra Madrigal, nagaganap bilang isang call center agent sa pelikula.

Ayon kay John, ang kanyang role ay "Isang taxi driver nakinontrata ni Ehra. Ako 'yong tagahatidat saka taga-sundo sa kanya. Magkahiwalay kami ng mundo. Kumbaga, may kaya siya, maganda siya, atsobrang model 'yong hitsura n'ya. Soparang hindi ko mai-imagine na possible na magiging kami."

Patuloy pa ng young actor, "Dito ipinapakita na iba 'yongginagawa ng friendship at saka 'yong totoong pag-ibig sa puso."

Dahil sa kanyang pagganap sa Loving You, nadama rinni John ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Kapuso celebrities.

"Wala akong masasabi sa mga GMA-7 artists, professional silaand hindi sila mahirap katrabaho," wika ni John. "Ang bilis ko silang maka-bond, si Polo [Ravales] kasinakatrabaho ko na before. Pero walakang magiging problema, ang sarap nila makatrabaho."

Ipinaliwanag din ng actor-dancer na bagamat madalasmapagtapat ang mga artista ng dalawang giant networks, hindi naman daw itoumaabot sa personal nilang pakikitungo sa isa't isa.

"Well, 'yon nga ang sinasabi nila na parang it's not likethat, na kapag GMA or ABS-CBN artist ako, may conflict din kami. Talagang trabaho lang ang ginawanamin. Kumbaga, nakahanap din ako ngmga bagong kaibigan," paliwanag ni John.

Bukod kay Ehra, makakasama rin ni John sa Loving You sina Jean Garcia, Polo Ravales, Yasmien Kurdi, JC de Vera, Sheena Halili, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Eri Neeman, at Brent Javier.

STEADY WITH SHAINA. Sa panayam ni John sa PEP (PhilippineEntertaiment Portal), nabanggit din niya na ayos pa rin naman sila ng young actress na si Shaina Magdayao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman kami and masaya. Kumbaga, steady 'yong flow ng relationship," paglalarawan ngbinata.

Hindi na rin niya pinapansin ang mga isyu nanaglabasan kamakailan ukol sa tambalan nina Shaina at Jake Cuenca sa weeklyshow na Your Song. (Click hereto read related article )

Para kay John, "Ako naman, kumbaga that's work. Hangga't maari nga, ako, kung ano 'yong mgapersonal sana personal 'yon, ayaw ko naman dalhin sa trabaho."

Sa ngayon, confident naman si John sa closeness nila niShaina kahit madalang silang nagkikita.

Nang hingin ng PEP ang pahayag ni John upangkumpirmahin ang bali-balitang sila na ni Shaina, ito ang kanyang maiklingsagot: "Basta ako, alam ko I'm exclusively dating her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN