Ai-Ai delas Alas on Pokwang imitating her style: "The more, the merrier!"

"Alam n'yo sa showbiz, palaging kailangan mayganung intriga, nakasanayan ko na ‘yan. Kunwari may bagong pasok nakomedyante, iko-compare nila sa akin ‘tapos gagawan kami ng intriga, sanay naako sa ganyan," says Ai-Ai delas Alas (in photo) about comedienne Pokwang being compared to her.



Karaniwan nang senaryo sa showbiz na sa tuwing may bagongsusulpot na artista at gagawa ng sarili niyang pangalan ay lagi itongmaikukumpara sa kung sino na ang nauna at nakagawa ng sarili na niyang puwesto.Gaya na lamang ng kaso ni Ai-Ai delas Alas, ilang ulit na ring naikumpara angComedy Concert Queen sa ilang mga comedienne na bumubuo na rin ng sarili nilanglugar ngayon sa showbiz.

Pinagtatakhan nga lang kung bakit hindi mamatay-matay angsinasabing away sa pagitan nina Ai-Ai at Pokwang. May bersiyon ng kuwento na angmalamig daw na pakikitungo ni Ai-Ai kay Pokwang ay nag-ugat sa panggagayang huli sa pananamit at kahit sa istilo ng pagpapatawa ng Concert Comedy Queen.

Nasulat din na nag-isnaban daw ang dalawa sa nakaraang 80th birthday special niDolphy sa Meralco Theater. Pero sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kay Ai-Ai, itinanggi nito ang gano'ng sabi-sabi at aniya'y wala namang gulo nanamamagitan sa kanila ni Pokwang.

"Siguro hindi ko lang siya napansin kasi may kausap yata akonun, busy lang ako. Alam n'yo sa showbiz, palaging kailangan mayganung intriga, nakasanayan ko na ‘yan. Kunwari may bagong pasok nakomedyante, iko-compare nila sa akin ‘tapos gagawan kami ng intriga, sanay naako sa ganyan," saad niya.

Para kay Ai-Ai, imitation is the highest form of flattery kaya hindi isyu sa kanya kung may katotohanan ngang ginagaya raw niPokwang ang kanyang pananamit at maging paraan ng pagpapatawa.

"Sabi ko nga, kunwari gayahin niya ako, ganun talaga, walasa akin ‘yon. Para nga sa akin, the more, the merrier."

Gaya ni Pokwang, bukas rin si Ai-i na magkasama sila sa isang proyketo.

"Oo naman, why not, di ba? Modesty aside, nauna na naman akodito. Kumbaga, senior ako sa kanila. Basta ako, work na lang tayo nangwork."

NOT YET READY TO TALK TO KRIS. Naging isyu rin ang samaan ng loob nila ni Kris Aquino sa pagkakadawit ng pangalan ni Ai-Ai sanakaraang paghihiwalay nina Kris at ng mister nitong si James Yap. May balak basiyang kausapin si Kris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag na lang," sagot ni Ai-Ai. "Hindi pa kami nag-uusap,huwag na lang siguro. Pagdating sa kanya, ayoko munang pag-usapan."

Bukod sa I Love Betty La Fea, kung saan gaganap si Ai-Ai bilang ina ni Bea Alonzo, isang comedy show rin ang gagawin niya withJudy Ann Santos. Sa kasalukyan din ay tinatapos ni Ai-Ai ang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat na entry ng Star Cinema sa 2008 Metro Manila FilmFestival.

VOLTA IN EMMY AWARDS. Ikinagulat at sobrang ikinatuwa rin ni Ai-Ai ang pagkakasaling Volta as regional semi-finalist as Best Comedy Show of 2008 sa InternationalEmmy Awards.

"Noong una akala ko dyino-joke lang ako. Sabi ko, ‘Paanomasasali sa Emmy ang Volta, e, Tagalog yun?' ‘Tapos kinongatulate ako ni DirekMalou [Santos, managing director of Star Cinema]. Tinanong ko siya kung paanonangyari ‘yon, sabi niya, kasi raw ipinadala nilang entry ‘yon sa Emmy.

"Sobra akong thankful, hindi ko alam na mayroon palangganun. Sanay ako na dito lang sa Pilipinas, pero ‘pag lumabas na ng bansa,parang, 'Ha'? Sobra-sobra ang pasasalamat ko kay God, bumabalanse talaga ang buhay," pagtatapos ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN