Pokwang tired of answering questions about rumored rift with Ai-Ai delas Alas

"Ang nakakapikon lang, paulit-ulit mo namang sinasagot na at alamnaman nila na wala naman talagang katotohanan, pero parang naniniwala pa rinang marami. Dapat nga matuwa sila na may trabahokami ni Ms. Ai-Ai kasi pareho kaming may binubuhay na mga anak, dagdag kita itopara sa mga mahal namin sa buhay," says Pokwang about insistent rumors about her rift with Ai-Ai delas Alas.



Noon pa man ay bali-balita na ang diumano'y tagong alitan sapagitan ng mga komedyanang sina Ai-Ai delas Alas at Pokwang. Ilang beses mang itinanggi ngdalawang komedyana na may iringan na namamagitan sa kanila, hindi mamatay-matayang isyu ito na nagbibigay tuloy ng matibay na paniniwala na may katotohanantalaga hinalang ito ng ilan.

Lalo pang pinatibay ang usap-usapang ito nang masulat angpag-iisnaban daw nina Ai-Ai at Pokwang sa nakaraang 80th birthday special ngComedy King sa Meralco Theater, na dinaluhan ng halos lahat ng artista ngABS-CBN. Ayon sa lumabas na balita, mistulang yelo raw sa lamig at parang hindinakikita ng dalawa ang isa't isa gayong ang liit-liit lang naman daw ngMeralco Theater.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayPokwang, nagpahayag siya ng totoong nangyari sabay linaw na walang isnabangnangyari sa kanila ni Ai-Ai gaya ng sinasabi ng iba.

Ani Pokwang, "Ilang daang beses ko nang sinagot ang isyu na‘yan na hindi totoong hindi kami nagpansinan ni Ms. Ai. Lumapit ako sa kanya,siyempre magbibigay pugay ka kasi mas senior siya sa akin. E, nung time na yun,busy siya, may kausap siya.

"Ano ba naman ang gustong mangyari ng tao na ‘pag nagkitakami, super chika? E, di mas lalong gagawan ng issue na kaplastikan naman, diba? ‘Pag nagkikita kami ni Ms. Ai, normal lang, hi-hello, bilangkatrabaho, Kapamilya.

"Actually, ‘pag pinasok mo ang ganitong trabaho, dapatnaka-ready ka na sa intriga. Ako naman, ni-ready ko na ang sarili ko saganito. Ang nakakapikon lang, paulit-ulit mo namang sinasagot na at alamnaman nila na wala naman talagang katotohanan, pero parang naniniwala pa rinang marami. Dapat nga matuwa sila na may trabahokami ni Ms. Ai-Ai kasi pareho kaming may binubuhay na mga anak, dagdag kita itopara sa mga mahal namin sa buhay," saad ng komedyana.



May mga nagsasabi naman na baka ang ikinaiinis raw ni Ai-Ai ay ang panggagayaraw ni Pokwang sa mga istilo ng damit na isinusuot niya na malaki ang hawig samga isinusuot din ni Ai-Ai at kahit na raw ang paraan ng pagpapatawanito. Aminado si Powang na hinahangaan niya ang kapwa comedienne, perohindi niya ito ginagaya gaya ng iniisip ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iniisip lang nila ‘yon, wala namang nakalagay na batas na‘pag nagamit na ni ganito ang ganyan, bawal mo nang suotin. As longas na hindi ka naman naghuhubad on air, hindi masama, di ba? Punahin nalang nila ‘pag naghubad na ako on air kasi hindi tama yun.

"Ibig sabihin nun, marami ang natuwa sa kanya, diba? Pero hindi ko sinasabi na ginagaya ko siya, mayroon din naman akongsariling way ng pananamit. Kasi yung kay Ms. Ai, talagang comic; pero ako,dinadaan ko sa mga model-model," paliwanag niya.

Sinabi rin ni Pokwang na open siyang makipagtrabaho kay Ai-Aisa isang proyekto.

"Oo naman, noon ko pa naman sinasabi na gusto ko talagasiyang makatrabaho. Kahit naman sinong makatrabaho ko basta legal, maganda angkalalabasan at magiging masaya sa set, kahit on and off cam, go ako!" sambitniya.

Nang tanungin namin kung may mensahe ba siyang gustong iparating kay Ai-Ai atsa mga taong hindi tumitigil sa paggawa ng mga isyu para patuloy na pagsabunginsilang dalawa, heto ang pahayag ni Pokwang:

"Pasensiya na po Ms. Ai, pasensiya na po kung maynakakarating sa inyong kung anu-anong mga isyu, alam n'yo naman po angshowbiz. Alam ko po na masaya kayo dahil may mga kagaya ko na nabibigyanng chance na nakakatulong sa mga mahal namin sa buhay dahil nakakaroon ngtrabaho. Alam ko po na isa na rin kayo sa dumaan sa pagiging ganito nakagaya ko, mararaming-maraming salamat po. Magiging inspirasyon po kayo sakagaya kong baguhan.

"Dun naman sa mga nang-iintriga sa amin, gawa na lang pokayo ng kuwento para umikli ang pila sa bigas at bumaba anglangis. Magtawanan na lang kayo nang bonggang-bongga. Masarap magtrabahong masaya ang lahat, walang nagkakailangan," pagtatapos ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN