Rhian Ramos wants to feel like a "princess" on her debut

"Siyempre, feeling ko, gusto ko yungparang prinsesa. Lahat naman tayo, di ba, when we were young, gusto natinfeeling prinsesa tayo, so ganoon din naman ako," says Rhian Ramos about her upcoming debut.



Bago ang mismong launching at anniversary ng Sabella, naging pahulaan pa kung sino nga ang kauna-unahangartista na magmomodelo for the said brand. Right after the fashion show last August 8, sa SMX Convention Center sa Mall of Asia lang ini-reveal na siRhian Ramos as the their endorser.

"Sobrang excited ko po na nakasama po ako, hindi lang safashion show na ito, pero part na po ako ng Sabella family. At sakanapaka-excited ko po dahil sa ginawa nila sa akin tonight. At naramdaman koyung feeling ko tonight, alam ko na yun ang mararamdaman ko araw-araw napuwede kong masuot yung damit nila," very excited at masayang sabi ni Rhian.

"Woman" na ang naging introduction kay Rhian during the launching, nalalong naka-excite kay Rhian dahil sa darating na October 2 ay magde-debut nasiya.

"I feel talagang babaeng-babae ako rito!" bulalas niya."Parang ngayon, medyo may poise na. It's perfect timing. Para siyang hindicoincidence, parang nakaplano."

Speaking of her debut, may mga naka-set na ba siyang plano?

"Alam n'yo, noong una, ayoko talagang mag-party. Kasi hindiako yung tipong nagpa-party, nagse-celebrate ng birthday. Kasi feeling ko,tumatanda ako. Pero para sa akin, it's not anymore I'm aging. Parangtransformation na siya.

"Ang daming nangyayaring magaganda sa buhay ko at sakasabay-sabay pa. Parang birthday gift sa akin ni God. Parang ang dami niyangibinigay sa akin. So ngayon, gusto ko lang talagang pasalamatan ang lahat ngtaong tumulong sa akin, lalo na sa growing up ko at nang mag-showbiz naako. Ang hirap na stage nun, e.

"Gusto ko lang talaga silang makita, lahat sila, alltogether in one place para makapag-thank you ako. I want to have a big, hugeparty!" masayang sabi ni Rhian,

May theme na ba siyang naiisip with regards to her debutparty, motif, at iba pa?

"Well, gusto ko lang po, may standard ako na 18 roses, 18candles. Gusto ko kumpleto. Nandoon ang mom ko, ang daddy ko, sister ko, angfamily ko siyempre. At saka gusto kong mangyari... Basta, gusto ko langmakita lahat. At saka feeling ko kasi, kapag traditional na debut, parang signalna siya, na heto na, I'm a young lady na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But when PEP (Philippine Entertainment Portal) pushed thequestion on details ng debut niya like the venue, participants, nakiusap siRhian kung puwedeng surprise muna raw ang mga bagay na ‘yun.

"Gusto ko actually ma-surprise ang lahat, okey lang ba yun?Hindi ko puwedeng i-reveal. Ako yung mga sarili kong plano, meron ako. Kasihindi naman ito celebration lang dahil birthday ko, kundi celebration ito napang-thank you ko sa lahat. Actually, planado na pong lahat."

Although she adds, "Siyempre, feeling ko, gusto ko yungparang prinsesa. Lahat naman tayo, di ba, when we were young, gusto natinfeeling prinsesa tayo, so ganoon di naman ako."

Sino naman ang magiging escort niya?

"Ay, I don't know! ‘Yan ang isang detail na hindi koplinano. Kasi so far, medyo nahihiya pa ko sa mga guy friends ko. Like, ‘Uy,rose ka ha...' Although, may mga nilapitan na ako na, ‘'Isa ka sa 18 roses koha?' Pero sa escort, ayokong magsabi. Siguro, through invitation na lang."

Nahihiya raw siyang personal na mag-invite sa magigingescort niya.

"Para siyempre, hindi ako yung nakakahiya sa harap niya,‘tapos nagre-red na [yung cheeks], di ba? You'll find out naman, ayoko langkasing mag-reveal masyado. Gusto ko para sa lahat ang birthday ko."

Rhian is one of the busiest Kapuso stars. Napapanood siyaregularly sa Codename: Asero, pero late this year ay posible na raw niyangmasimulan ang first title role niya sa primetime series na La Lola. Bukoddito, kasama rin siya sa I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) at Sundo, both underGMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN