Katrina Halili challenged by director Joel Lamangan in "Obra"

Iba-ibang istorya, iba-ibang karakter, maysuspense, drama, sexy, at comedy. Like yung kambal ako, dalawangpersonality ‘yon; matino ka, ‘tapos biglang nagiging parang may sayad ka.Iba-iba ang mapapanood sa akin dito kaya enjoy ako," says Katrina Halili about her challenging roles in Obra.



First timenakatrabaho ni Katrina Halili si Direk Joel Lamangan at aminado ang young sexyactress na kinabahan siya sa unang encounter niya sa batikang direktor. Isa siDirek Joel sa apat na director na humawak kay Katrina sa bagong drama anthologyng GMA-7 na Obra, kung saan ang young sexy actress ang unang featured star.

"First time po akong naidirehe ni Direk Joel, e. Opo, kinabahan ako kayDirek. Natatakot ako, hindi ko alam kung nagagawa ko ang gusto ni Direk.Pero kapag hindi gusto ni Direk, sinasabihan niya ako na, ‘Hindi ko naramdaman,ganyan-ganyan...' Inuulit lang po. And sa totoo lang po, napi-feel bad naako lately sa acting ko. Parang hindi naman ako ganito dati, ewan ko ba,"saad ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Obranoong Huwebes, August 7, sa Mandarin Oriental Hotel sa Gateway Mall, Cubao,Quezon City.

Pero idinagdag ni Katrina na mas nakaramdam siya na ma-challenge sa Obrakesa kabahan dahil sa pagiging premyado ng kanyang direktor sa naturangepisode.

"Opo, natsa-challenge ako dahil Direk Joel ‘yan, e. Pero hindi ko maintindihan,medyo nahihirapan ako ngayon mag-ano, e, siguro dahil sa pagod. Kasi halosevery day ay puyat. Lalo na sa Magdusa Ka, hanggang umaga ay iyakako nang iyak doon, ‘tapos puyat pa.

"Lalo na noong nakaraan, nag-Magdusa ako ng six to eleven a.m, ‘taposdumiretso ako ng Obra na hanggang eleven a.m. din ‘yon [kinabukasan],kaya lagpas isang buong araw ay nagtatrabaho ako bale," wika ni Katrina.

Epekto nga ng sobrang trabaho na halos wala nang pahinga kaya parang ngarag nangarag lagi ang young actress. Puwede ngang tawaging "ang babaeng walangpahinga" si Katrina dahil sa dami ng kanyang projects. Kabilang dito angkanyang coffee table book, tatlong pelikulang nakatakda niyang simulan—MissXat One Night Only ng OctoArts Films, at Sundo ngGMA Films with Robin Padilla. Plus, nariyan paang Gagambino with Dennis Trillo at ang Obrana magsisimula ng mapanood sa August 14, Thursday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOUR EPISODES. Overworked man, masaya si Katrina sa pagkakataong ibinigay sa kanya para sa apat na pilot episodes ng Obra.

"Apat na episode kasi ito, yung kay Direk Jun Lana, 'Misteryosa,' bale kambalako doon. Yung isa, parang manang-manang ang tipo, yung isa naman ay parangsopistikadang manamit. Bale suspense-thriller ito.

"Iyong kay DirekJoel Lamangan naman, taong grasa-drama ito. Magdadrama po ako rito, medyonahihirapan nga ako. Dinumihan talaga ako dito, as in taong grasa,maruming-marumi talaga at pati ngipin ko, nilagyan nila ng itim. Atsaka may scene ako rito na manganganak, e, ngarag na ako at walang boses, e.

"Yung isang episode naman na gagawin pa lang namin this week din, si BibethOrteza naman ang director. Comedy naman po ito at kasama namin doon sinaEugene Domingo, Eddie Garcia, at iba pa. Yung huling episode po, ang direktoray si Direk Maryo J. delos Reyes, ‘Bayaran' angepisode na ito, medyo bitchy-bitchy naman yung karakter ko rito," paglalarawanni Katrina sa apat na episodes na gagawin niya sa Obra.

Wala siyang itulak-kabigin sa bawat episode, kaya't nasabi niyang lahat aychallenging at nag-enjoy siyang gawin.

"As in lahat po, e, kasi iba-iba... Iba-ibang istorya, iba-ibang karakter, maysuspense, drama, sexy, at comedy. Like yung kambal ako, dalawangpersonality ‘yon; matino ka, ‘tapos biglang nagiging parang may sayad ka.Iba-iba ang mapapanood sa akin dito kaya enjoy ako," nakangiting saad ngStarStruck alumna.

Nagbida si Katrina sa pelikulang Gigil at sa magtatapos na drama seriesna Magdusa Ka, pero prior to this ay pulos kontrabida ang roles niya.Ngayon kaya ay tuluy-tuloy na ito ng bago niyang status bilang full-fledgedleading lady o bida?



"Sa ngayon, ang mga ibinibigay talaga sa aking project ay mga bida,e. Hindi ko naman po masasabi kung ano angibibigay sa akin ng GMA-7. Pero sa ngayon po talaga, hindi ako magkokontabidaand nagpapasalamat ako sa pag-aalagang ibinibigay sa akin ng GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN