Boy Abunda saddened by alleged go-see scandal for his perfume brand

"Ako, nalulungkot ako ngayon na naririnig ko ito ngayon.Buti na lang it's over, and nalulungkot ako because I don't know, wala akongideya na... Ako, technically, I'm coming in as a talent, at siyempre pangalan ko‘yan, e," says Boy Abunda about reports that some models were asked to strip during the go-see for a fashion show to launch his perfume brand.


Nasorpresa ang TV host na si Boy Abunda na merongpinaghubad na mga nag-audition na models para sa fashion show ng kanyangini-endorse na perfume, ang Boy Abunda For All Sexes by Joel Cruz Signatures.Nakarating lang sa kanya na may ganyang isyu nang makausap namin siya kamakailan.

"I have nothing to do with the choices of models. Dumadatingako dun, nagso-show, umaalis. Kinonfront ko, sinabi ko sa staff nila," paliwanagni Boy sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi raw alam ni Boy kung kailan naganap ang sinasabinggo-see for models sa nasabing fashion show dahil hindi naraw niya sakop ‘yun.

"Nung napag-uusapan lang na there's a need for models,conscious ako na siguraduhin ninyong nasa edad, siguraduhin ninyongwell-represented, na kung may mga managers, you talk to them well, yun lang angpaalala ko sa kanila. After that, wala na ako," saad ng co-host ng Boy &Kris at The Buzz.

Ano ang masasabi niya sa isyu na pinaghubad ang mganag-audition na models?

"I called them, yung mga staff, yung in-charge talaga dun sashow. I wasn't able to talk to Joel about it, but I spoke to Mark, he's verygood and I said na, ‘Mark, hindi ito maganda para sa akin, hindi maganda itopara kay Joel, hindi ito maganda para sa produkto.'

"Sabi ko, ‘Can you take a look at this? Kasi whether it hasa basis or not, pagtuunan ninyo ng pansin.' Kasi I expressed na hindi ko itogusto. Pinaghuhubad sa go-see. Kung sa Bench, naiintindihan mo kasi it's anunderwear show," lahad ni Boy.

Ayon sa report na nakalap namin, ginamit si Kuya Boy parapapuntahin ang talents at magdala ng picture nila kasi gusto raw niyang makita.

"Ang ano lang, ang nangyari, right after that go see, I hadone meeting with them and they presented to me all the photos. Dun ako naglinyang, ‘Can you make sure that they are of age? Can you make sure that they arewell-represented?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Pero wala akong tinanggihan, wala akong tinanggal, wala akong nagustuhan, walaakong pinili. It's not within my territory. Wala sa teritoryo ko ‘yon. Butactually, technically speaking, puwede naman. Pero sa dami ba naman ng ginagawako, magagawa ko pa ba ‘yon?

"Ang pinakialaman ko, right after the first show in SMBacoor, I spoke to the staff, to the director. Sabi ko, i-improve ninyo yungmodeling. Sabi ko, medyo hindi ko maunawaan ang... I know the director, siDennis, and he's very open. Pero sabi ko, hindi ko alam kung saan papunta. Ibigkong sabihin, papunta dun yung isa, yung isa papunta dun. I'm very familiar with fashion shows, from local to Vivienne Westwood, I knowwhat I'm talking about.


"Pero sabi ko, it's supposed to be the finale, ayusin. Naayos naman sa secondat sa third. But the perfect one is the one in SM North EDSA, that's how itshould have been. Pero sabi ko, I wanted more attitude, kasi it's a perfume, diba? I wanted more attitude. And I wanted more daring. Yun ang diniscuss ko, yunlang.


"Kasi ang feeling ko, wala akong panahon for the show. Ngayon ko lang narinigyung mga nangyari. I am not one to judge, I am not one to judge. I'd like tosee what was the intent, pero tapos na nga kasi, e.


"Kasi initially, ito naman ang background nun. Matagal na matagal na, nungpinag-uusapan namin yung perfume, kasi ang haba ng proseso niyan, e... Yungpackaging, yung scent, kung paano ang letra, kung paano ang layout. Yun talaga,nakialam ako, kasi akin ‘yon, e.


"It's [the perfume] selling, bumebenta. It's really, really selling. At itongang sabi ko, ito tatanggapin ko, hindi ko talaga ini-expect na magwu-work‘yon. Alam mo yun, nung kinausap ako ni Joel, parang ang feeling ko lang,subukan ko nga ito. Para at least, ‘pag matanda na ako, sasabihin ko, ‘Hoy,nagkaroon rin ako ng perfume.' Ganun lang intention ko, totoo. Hindi itokatulad ng ibang proyekto na paplanuhin ko ito at kailangang mag-click. Itoyung tipo ng proyekto na sige nga, i-try natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Anyway, when we were talking about it, pero yung scent, involved ako dun, asin. Hindi naman ako expert, pero alam ko ang mabango. Amoy ako nang amoy atkung ano ang choice ko. In fairness, Joel would listen. At saka alam ko‘yung packaging na gusto ko. Matagal pa rin bago ako nagdesisyon kung ano yunggusto ko. Mga ka-meeting ko, ‘Amuyin mo nga?' si Kris (Aquino)!


"In the beginning, I wanted the perfume to be sexy. Sabi ko, ang gusto ko sana...Noon pa ito, ha. Sabi ko gusto ko sana, katawan ng babae, ‘tapos katawan nglalaki, 'tapos naiipit ako na may komedi ng konti. That was one of the concepts.

"Ikinukuwento ko ito sa inyo not because I want to legitimizehow they do their go-see, but nanggaling kami dun. Akin kasi ‘yang for allsexes kasi that's my line. Hanggang napunta dun, maramingpinagdaanan yun. Initially, we wanted to launch the perfume in Rockwell tent,with a sosyalan party. Until I said, hindi ako kumportable, kasi masa angmarket ko, I wanna launch in the mall na may fashion show, na may ano... Peroyun, napunta dun," mahaba niyang lahad.


Posible bang gagamitin yung go-see sa sexy concept?


"No, no...Tapos na yun, nakuwento ko lang sa inyo, noon pa yun. Hindi itutuloyang sexy concept. Hindi, kasi ‘yan na ‘yang packaging, yung simple na lang na abox na may... ‘Tapos ang pictorial nanaka-kabuki.

"Ako, nalulungkot ako ngayon na naririnig ko ito ngayon.Buti na lang it's over, and nalulungkot ako because I don't know, wala akongideya na... Ako, technically, I'm coming in as a talent, at siyempre pangalan ko‘yan, e.


"Ako, kakausapin ko sila, pagsasabihan ko sila after this conversation.Ako naman, as a human being, as a person, meron akong pakialam. Kasi even inthe shows, I don't even see the models, until they are on stage. After theshow, I don't see them kasi, di ba, iba sila ng dressing room? I host theshow, I intro, I watch the show, and then tapos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was informed that there's gonna be an audition, for themodeling part, but I don't know how it's done. Hindi ko alam. Hindi bahagi ngtrabaho ko, not because wala akong pakialam. It's not within my territory, inother words.'


"Alam mo yun, nobody would be abusive if there's no one who's willing to beabused. Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa ng mga nang-aabuso, ano?Generally speaking, di ba?


"Minsan naawa naman ako sa mga bakla na ‘pag sinabing bakla, meron na agadpumapasok na koneksiyon na hindi puwedeng mahalin, hindi puwedeng igalang, kasipera lang ang hanap. But that's entirely a different debate.


"Mas lalong napapasama nga dahil meron tayong mga kapatid din na ang mainconcern ay mang-abuso. Ang libog may lugar. Kung gusto mong manghala, maylugar. Buhay nila ‘yon, huwag tayong maglinis-linisan. Kung gusto mongmagmahal, may lugar.

"Lahat dapat nasa lugar and that message goes forall—lalaki, bakla, babae, tomboy. At saka kung propesyonal ang trabaho,i-propesyonal mo," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN