Gabby Concepcion explains why daughter KC is not part of his debut album

"Hindi, kasi baka sabihin ginagamit. Hindi naman kung sinu-sinonga si KC, okay. Gusto ko, ako lang muna," replies Gabby Concepcion when asked why he doesn't have a duet with daughter KC Concepcion in his debut album.



Certified singer na si Gabby Concepcion pagkatapos ilabasang kanyang first self-titled album under Warner Music Corporation. Kasunod ngalbum ang sunud-sunod na concerts ni Gabby. May show siya sa Zirkoh Timog onAugust 14 at sa Music Museum on August 15 and 16.

Kinuha raw siya ng Warner Music nang mapanood siya nakumakanta sa ASAP ‘08 at Wowowee. Pero ayon kay Gabby, matagal na raw siyang seryoso sapagkanta.

"Nung nasa States ako, I was invited to a lot of live shows.Akala ko yung show na yun, mag-e-emcee-emcee lang ako. Buhay pa si Rio Diaznoon. Si Rio, matagal na yun, punta ako sa... Pagbaba ko ng eroplano, maysumalubong sa akin, ‘Gabby Concepcion Live!' Sabi ko, ‘Sino kaya angmagko-concert dito?'

"Sabi ko, hindi naman ako dahil mag-e-emcee lang ako. Sabi nila, ‘Hindi, wala kanang ibang guest. Ikaw lang.' On the spot, pinakanta ako. Sabi ko, teka muna.Next day na yung show. Yung gabi na ‘yon, kasama ko si Rio, naghanap kami ngmga CD. Naghanap ng kanta muna. ‘Tapos inaral ko yung CD ni Ogie [Alcasid] atni Rey Valera, yung ‘Nandito Ako,'" lahad ni Gabby.

Ayon kay Gabby, he felt good after the concert.

"Alam mo yung kaba pala, kapag kinakabahan ka pala, mas gumagaling ka."

Simula raw noon, hindi na siya kinabahan sa pagkanta.

"Pero may nagsabi sa akin na maganda raw na tumira ng isang shot. Maski rawyung mga singers, hindi ko na babanggitin baka sabihin... Anyway, pero totoo.Pampaalis ng kaba, siguro dahil may alcohol content nga."

NO DUET WITH KC. Nagpaliwanag naman si Gabby kung bakit wala silang duet ni KC sa kanyang album.

"Hindi na ako nag-imbita ng kung sinu-sino para makasama sa album ko."

Sinabi namin kay Gabby na hindi naman kung sinu-sino lang si KC.

"Hindi, kasi baka sabihin ginagamit," paglilinaw niya. "Hindi naman kung sinu-sinonga si KC, okay. Gusto ko, ako lang muna. Ang Warner lang naman ang kumontak sa akin.Ngayon, kung ang Warner ang kumontak sa kanya at sa iba pa, wala na akongmagagawa. Pero wala akong kasama sa CD, ako lang. Ayaw ko rin namang mag-imbitang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"However, meron akong kanta na ‘Come What May.' ‘Yan ang signature song kobecasue sabi ko, ‘yan alam ko na alam ng marami dahil ‘yan lang ang naka-CD nanakasama sa album ni Sharon [Cuneta, Gabby's ex-wife]. So, sabi ko, maramingmay alam niyan, isama na natin."

Ang napili ng Warner na ka-duet ni Gabby para sa "signaturesong" niya na "Come What May" ay ang recording artist din nila na si Nina.

PREMIERE NIGHT. Nagpasabi na si Gabby na darating siya sa premiere night ng For The First Time,ang unang pelikula ni KC kung saan katambal nito si Richard Gutierrez.

"She invited me so I cannot say no to that. Basta I will do anything she wantsme. Alam naman niyang nandito lang ako sa likod niya. Shadow lang ako. Nanditolang ako," saad ni Gabby.

But what if hindi type ni Sharon na makita siya sa premiere night ng firstmovie ng anak nila na si KC?

"Alam mo, everybody can go to any movie, shows, concert, watch TV. Thereis no law that prevents anyone from going there," sabi niya.

Umaasa naman ang ilan na baka sa premiere night pa magkabati sina Gabby atSharon. Sinabi rin ni KC sa presscon na willing siyang maging tulay paramagkaayos ang kanyang mga magulang.

"Well, isa lang ang masasabi ko sa inyo na kung maaari lang sa August 15,puwede ninyong i-anounce ang concert ko sa Music Museum with Ai-Ai delas Alasand Claudine Barretto. Si Ai-Ai na ang bago kong ka-love team. Kung sila niErap, may kissing scene, kami ni Ai-Ai may...singingscene!" lahad ni Gabby bilang pag-iwas sa aming katanungan.

Aware ba siya na nanghihipo si Ai-Ai ng mga kasama niya sastage na nagpe-perform?

"Ah, talaga?" nagulat na sabi ni Gabby.


Ano ang gagawin niya?

"Well, kapag ginawa ni Ai-Ai, e, di okey lang yun.Hintayin ko na lang kung ano ang mangyayari sa entablado. The show must go on,di ba?" sagot ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN