Sandara Park returns to Manila for five-day vacation

"Maraming lumapit sa akin, kinausap nila ako ‘tapos yung iba nagpa-picturepa. Kilala pa rin pala ako ng mga tao dito. Akala ko limot na nilaako," says Sandara Park about her arrival at the airport.



Nasa Pilipinas na ulit ang Korean young actress na si Sandara Park na unti-unti na ring gumagawa ng kanyang pangalansa kanyang home country na Korea. Dumating siya noong Huwebes ng gabi,August 7. Pero nilinaw ni Sandara na nandito siya ulit para magbakasyon athindi para balikan ang showbiz career na iniwanan niya.

Kanina, August 10, ay nag-guest si Sandara sa musical variety show ng ABS-CBNna ASAP ‘08. Nagkaroon siya doon ng dance number with Melissa Ricks and RoxanneGuinoo, na batchmates niya sa kauna-unahang Star Circle Quest.

After ng kanyang number sa ASAP '08 ay nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Sandara. Ayon sa dalaga, limang araw lang siyangsiyang mananatili sa Pilipinas.

"Sa Tuesday ay babalik na ako sa Korea," sabi ni Sandara.

Natutuwa si Sandara dahil nang dumating siya sa international aiport ay marami parin daw ang nakakakilala sa kanya.

"Maraming lumapit sa akin, kinausap nila ako ‘tapos yung iba nagpa-picturepa. Kilala pa rin pala ako ng mga tao dito. Akala ko limot na nilaako," lahad niya.

Noong Sabado, August 9, ay nakasama ni Sandara sina Melissa, Roxanne, at Joross Gamboa sa isang sing-along bar.

"Nag-bonding kami ulit. Nag-videoke kami. Ang sarap ng feeling na nakasamako ulit sila. Kahit alam kong busy'ng-busy sila, may time pa rin pala sila saakin."

Kung nakasama ulit ni Sandara ang ilan sa mga kaibigan niya, ang ex-boyfriendniyang si Joseph Bitangcol ay hindi pa rin dawniya nakikita at nakakausap.

"Matagal na kaming walang communication ni Joseph. Kahit noong nasa Koreana ako, hindi siya nakikipag-communicate sa akin," sabi ni Sandara.

Bakit sa isang panayam kay Joseph lang ay sinabi nito na may communication parin sila through e-mail?

"Huh!" gulat na reaction ni Sandara. "Promise, matagal na talagakaming walang communication ni Seph. Hindi kami nag-i-email. Hindi ko alam kungbakit nasabi niya yun."

Mahal pa rin ba niya si Joseph?

"Hindi na," mabilis na sagot ni Sandara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May boyfriend na ba siya sa Korea?

"Wala pa!" tili niya.

Sa Korea ay gumawa ng music video ng isang sikat na banda si Sandara. Ano pa baang mga ginawa niya doon?

"Nag-workshop ako ng singing, dancing, and acting," saad niya.

Nag-acting workshop si Sandara bilang paghahanda niya kung sakalingmay kukuha raw sa kanya doon para sa isang Korean soap.

"Sana magkaroon ako doon ng soap," asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN