Three finalists compete for title First "Pinoy Idol"

(From left) Jayann Bautista, Ram Chaves, and Gretchen Espina are the three remaining Pinoy Idol finalists who will face-off in the finals next week.



It's two girls and one boy for the top three of Pinoy Idol.

Kahit belatedly, the fans are back and alive for the finalelimination night of Pinoy Idol sa Center Stage sa SM Mall of Asia earliertonight, August 10. After several elimination nights, mistulang finals night narin kanina sa dami ng fans na gustong makapasok ng Center Stage.

Full force na ang bawat supporters ng natitirang Pinoy Idolhopefuls na sina Jayann Bautista, Kid Camaya, Ram Chaves, Daryl Celis, at GretchenEspina with their own posters, banners, chants, and what-have-yous.

Still the biggest contingent was that of Daryl, na simula palang ay very organized na ang mga fans na may pangalan ni Daryl cut in styrofoamna iwinawagayway nila. Bukod sa individual placards nilang hawak, may giant lettersspelling his name ang hawak ng limang fans na nasa gitna nila.

Hindi rin naman nagpapatalo ang mga supporters ni Gretchen, lalona't laging present ang kanyang amang gobernador ng Biliran at ang kanyang ina.For the final elimination round, lahat sila'y may hawak ng long orange balloons.

Lumaban na rin ang mga supporters nina Ram, Jayann, at Kidna dati ay dinadaan na lang sa palakpak at big picture posters. Ram has hissupporters holding a legal-size carton bearing his name. Isang malakingtarpaulin naman ni Jayann ang hawak ng mga supporters niya, at may posters nahawak ang karamihan ng fans ni Kid.

Dahil final elimination na ito, kakaiba ang simula ng showkung saan tinanong ng host na si Raymond Gutierrez ang tatlong judges na sina JolinaMagdangal, Wyngard Tracy, at Ogie Alcasid kung sino sa tingin nila ang papasoksa Top 3. Unanimous pala ang decision nila that they think it would be Ram,Jayann, and Kid.

Individually, tinanong ulit sila kung sino sa palagay nilaang magiging first Pinoy Idol. Ogie picked Kid, Jolens chose Ram, and Wyngardvoted for Jayann.

Unang tinawag ni Raymond si Jayann. Siya rin ang unangsinabihang pasok siya sa final three.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangalawang tinawag si Kid ngunit siya naman ang unang na-eliminate.After this, he sang his final Idol song, Wham's "Careless Whisper." With Kid'selimination, out na ang manok ni Ogie.

Pangatlong tinawag si Gretchen and she, too, is in. At that point, Gretchen was the first and only hopeful na hindi pinanigan ng tatlongjudges na makakapasok sa final three.

Hinuli at pinagsabay ni Raymond na tinawag sina Daryl atRam, pero binitin muna sa isang commercial gap. Finally, it was Daryl—the onewith the consistently biggest group of fans and supporters—who was out of the finalthree at pasok naman si Ram. After this, Daryl repeated his performance of "Forever" as he ended his Idol journey.

Kung sa simula ng Pinoy Idol ay pawang mga babae ang naunangnatanggal, pagdating sa Final Three, mas lamang naman ngayon ang bilang ng mga babaengnakapasok.

One final performance night ang magaganap next Saturday,August 16, na gagawin na sa SMX ng Mall of Asia bago ang star-studded grand finalsnight ng first Pinoy Idol sa Sunday, August 17, also at SMX.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN