"Pinoy Idol" Top 3 prepare for the finals night

(From left) Jayann Bautista, Ram Chaves, and Gretchen Espina are expected to give their all on the finals night of Pinoy Idol, August 16.



Like in any contest, may nananalo at may natatalo, maymatutuwa at may magrereklamo. At ito nga ang nangyari sa final elimination ngPinoy Idol kagabi, August 10, sa Center Stage ng SM Mall of Asia.

Marami ang hindi sumang-ayon na mga fans nang tanungin nghost na si Raymond Gutierrez ang mga judges nasina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, at WyngardTracy kung sino ang choices nila na pumasok sa Top 3 among the five remainingfinalists—sina Jayann Bautista, Kid Camaya, Daryl Celis, Ram Chaves, atGretchen Espina. Unanimous ang choices ng tatlong judges: sina Jayann, Kid, atRam.

Siyempre pa, hindi sang-ayon dito ang mga fans nina Gretchen at Daryl. Butit seems, kulang ang pagboto ng mga fans nina Kid at Daryl dahil sina Jayann,Gretchen, at Ram ang bumuo sa Top 3. Sabi nga ng iba, sumablay ang mga judgeskay Kid dahil mas maraming nakuhang text votes si Gretchen.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Ogie,Jolina, at Wyngard after the show. Okay na rin daw naman sa kanila na nakapasoksi Gretchen sa finals, pero nanghinayang sila kay Kid. For sure namandaw, hindi pababayaan ng GMA-7 sina Kid at Daryl at isasama sa mga shows nila.

After the final results night, isang press conference angibinigay ng Pinoy Idol sa lobby ng Cinema 3 ng Mall of Asia at nakausap ngpress sina Jayann, Gretchen, at Ram.

JAYANN BAUTISTA. Tinanong ng PEP si Jayann kung bakit datiay emotional siya kapag may natatanggal na mga dating kasama nilang finalist.Pero kagabi ay composed at hindi siya nagpakita ng emotion, maliban sapaglundag niya nang siya ang unang sinabihan ni Raymond, "You are one ofthe top three."

"Overjoyed lang po ako nang ako ang unang tinawag, kayapo superhappy ako," sagot ni Jayann. "But I'm sad for Kid, whois my kabalen [they're both Kapampangan] at si Daryl dahil naging very close napo kami nang maging Final 5 na lang kami. Pero ‘yon po ang desisyon ng mgatao at nagpapasalamat ako sa suporta nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging issue sa kanya noon nanamimigay siya ng vote cards para iboto siya, ganoon din ba ang ginawa niyangayon?

"Open secret na po na ginagawa ‘yon sa lahat ng maytext-voting contests, ako lang po siguro ‘yong na-expose. No regrets po akokung ginawa namin ‘yon, but I'm sure may nagustuhan din ako sa mga provinceskaya ibinoto nila ako, dahil hindi ko naman po sila mabibigyang lahat," saadniya.

Ngayong araw, August 11, ay simula na ng rehearsals nilapara sa tatlong songs na kakantahin nila sa Finals ng Pinoy Idol sa Saturday,August 16, na gaganapin sa SMX Convention Center at mapapanood pagkatapos ng Pinoy Records. Ano ang paghahandang ginagawa ni Jayann?

"I'm preserving my voice, vocalizing daily. Saka sabipo nila, huwag akong iinom ng cold drinks or any food like chocolate namakaka-irritate sa throat ko," sagot niya.

Ang isa sa tatlong songs na kakantahin nila ay personalchoice ng three remaining finalists, ang isa ay mula sa kanilang favoritementor, at isa ay choice ng mga judges. Pero hindi raw puwedeng sabihin kunganu-ano ang mga kanta na aawitin nila. Ang favorite mentor ni Jayann ay siRegine Velasquez.

Sino sa palagay ni Jayann ang mahigpit niyang makakalaban?

"Si Ram po kasi rock ang kinakanta niya. Kami niGretchen, pareho namang R&B songs ang kinakanta namin."

Ano ang inspiration niya na puwedeng magpanalo sa kanya?

"Bukod po sa family ko, ang mga fans po na sumuporta saakin. I won't let them down," nakangiting sabi ni Jayann.

GRETCHEN ESPINA. Natulala naman for a while si Gretchen nangmai-announce na she belongs to the top three. Kinausap na nga siya ni Jayann sastage, pero hindi niya ito sinagot.

Ano ba ang naging feeling ni Gretchen dahil ilang besesni-retouch ng makeup artist nila ang kanyang makeup dahil iyak na siya nangiyak hindi pa man nagsisimula ang elimination night.

"Overwhelmed po ako, talagang kapag nasa stage ako,kinakabahan na ako," sabi ni Gretchen. "Siguro po dahil din nangtanungin ang mga judges, hindi po ako kasama sa three choices nila, na-sad naako. Since day one po kasi ng contest, I'm hoping na makakasama ako sa topfinalists, kaya po nang tawagin ni Raymond ang name ko, nabigla ako, hindi akomakapaniwala. But I'm very thankful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya paghahandaan ang finals sa August 16? Sa palagayniya, sino ang malakas niyang makakalaban?

"I want to regain my voice dahil medyo nasira ito nanglagi akong nagkakasakit. Siguro po dahil sa pressure, kaya sige ako ngvocalizing.

"Although kahit sino sa aming tatlo ay deserving manalo,kailangan ko rin pong magpakita ng bago para ako manalo at hindi ko bibiguinang family ko, friends, ang GMA Network na nagtiwala sa akin, kayo pong mgawriters at ang mga fans. Saka hindi po siguro dapat akong maging iyakin safinals, I should use my emotion in the right place, para po hindi masira angpagkanta ko.

"Si Ram po ang alam kong magiging mahigpit kong kalabankasi napaka-powerful ng voice niya. Very close naman kami ni Jayann dahilsince day one sa Linden Suites, kung saan kami nag-stay sa duration ng contest,roommates na kami. Ang favorite mentor ko po na song niya ang isa sakakantahin ko, si Jaya," lahad ni Gretchen.

Idinenay naman ni Gretchen na bumili sila ng boto paramakapasok siya sa Top 3.

RAM CHAVES. Hindi naasahan ni Ram na siya ang kabilangsa Top 3. Si Daryl ang inakala niyang tatawagin ni Raymond nang silang dalawana lang ang natira dahil aminado si Ram na mas maganda ang performance ni Daryllast Saturday.

"Although isa ako sa choices ng mga judges, hindi poako naka-react agad nang sabihin ni Raymond na ako ang kabilang sa Top 3 athindi si Daryl," sabi ni Ram. "Kaya po labis-labis angpasasalamat ko sa hawak kong statuette ng Sacred Heart of Jesus at ni St. Jude,na laging nasa pocket ko kapag nagpi-perform ako, nang ako ang mapili.

"Kaya po binigyan ko na lang ng unsolicited advice siDaryl na hindi ‘yon ang katapusan ng lahat, kundi it is just the beginningdahil alam kong hindi naman kami pababayaan ng GMA Network pagkatapos ngcontest."

Ano ba ang paghahanda niya bago mag-start ang performancenila? Lagi ba niyang sinasabing mananalo siya o maliligtas saelimination?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago po mag-start ang performance, lagi ko lamangsinasabi, ‘Jesus, help me.' At simula po noong mag-stay na kami sa Linden Suites,every morning po, nilalakad ko mula roon hanggang sa EDSA Shrine, bale 30minutes walk po ‘yon, papunta doon at pabalik sa hotel.

"Lagi lang po akong nagpapasalamat. Ang prayer ko, ‘Thank youfor another day of my life, of music and everything I need in life. ‘ Atnagpapasalamat din po ako sa family ko. Isang inspiration sa akin ang pag-uwing daddy ko from Dubai para masuportahan ako, ang mga kaibigan, fans at kayo pona tumutulong sa amin."

Para kay Ram, si Jayann daw ang alam niyang magigingmahigpit niyang kalaban sa August 16.

Sina Regine Velasquez, Basil Valdez,Cueshe, Freestyle, Itchyworms, South Border, Hajji Alejandro, Vernie Varga, LukeMijares, Duncan Ramos, Jett Pangan, Pupil, Callalily, at UP Chorus Choirang makakasama ng Top 3 sa final night sa SMX Convention Center sa Saturday,August 16.

Sa mga fans na gustong manood ng final night, puwede nangkumuha ng tickets sa Wednesday, August 13, 1 to 5 p.m. sa GMA Network Center, Jamboree gate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN