Boy Abunda explains there's no problem between Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas

"Kilala ko si Aileen [Ai-Ai], kilala ko si Kris. Angsinasabi ko, may mga bagay na hindi ipinipilit, may mga bagay na hindi mosinasabi na, ‘Ai-Ai, halika nga dito, mag-usap tayo.' Hindi. I never do that toAileen, neither will I do that to Kris, hindi. Huwag mong pilitin, mararamdamanmo ‘yan, e. And wounds can be opportunities for wisdom. Ako...alam ko kungmaaayos ‘yan at alam ko kung hindi maaayos," says Boy Abunda about the &



Naniniwala at umaasa ang Philippine TV's "King of Talk" na si Boy Abunda namagkakaayos din ang kapwa niya talent at co-hosts na sina Kris Aquino (sa Boy& Kris) at si Ai-Ai delas Alas (occasionally, at The Buzz).Although, inamin niyang hindi naman daw siya masyadong apektado kapagnagkakaroon ng di pagkakaunawaan ang mga taong malalapit sa kanya.

"Sanay na ako, sanay na ako na mapagitnaan ng mga problemangganyan. Gaya na lang nina Gretchen [Barretto] at Dawn [Zulueta], Kris at sakasi Jobert [Sucaldito] at si Cristenelli [Cristy Fermin].

"I come from the point of view of truth, at saka hindi ako nag-iilusyon na meron akong solusyon salahat ng problema. Sinasabi ko kapagnahihirapan ako."

Nahihirapan ba siya ngayon kina Kris at Ai-Ai?

"Hindi. Dahil alam kong maaayos. Alam mo kung bakit? Angpinanggagalingan kasi niyan ay walang masyadong direct participation si Kris,e!

"Ang tampo ni Ai-Ai... ‘Bakit ako?' Remember, nagalit si Ai-Aikay James dahil kay Kris. Kumampi si Ai-Ai kay Kris. Kuha ninyo? So, walangdapat pag-awayan sina Kris at Ai-Ai. Tampong kaibigan siguro."

Halimbawang hindi siya ang manager or kaibigan ninuman, sapalagay niya, sino ang dapat unang gumawa ng move?

"Hindi laging may tama, hindi laging dapat may sagot satanong na sino ang dapat gumawa ng move. May mga mangyayari at mangyayari.Nakuha mo?

"Hindi ito ang tipo ng pagkakataon na...‘Dapat si Ganito angdapat unang ngumiti sa akin, at si Ganito ang dapat ganyan...'Hindi. May mgapagkakataon na bahagyang ipagsasapalaran ko, pero dapat sensitive ka saaraw-araw na nangyayari.

"Kilala ko si Aileen [Ai-Ai], kilala ko si Kris. Angsinasabi ko, may mga bagay na hindi ipinipilit, may mga bagay na hindi mosinasabi na, ‘Ai-Ai, halika nga dito, mag-usap tayo.' Hindi.

"I never do that to Aileen, neither will I do that to Kris,hindi. Huwag mong pilitin, mararamdaman mo ‘yan, e. And wounds can beopportunities for wisdom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aileen is very emotional, ano ‘yan. Ako...alam ko kungmaaayos ‘yan at alam ko kung hindi maaayos."

Gaano nasaktan si AiAi?

"Hindi pa kami umuupo ni Aileen. Hindi ko alam kung ano ang nakakarating sa kanya pero ang totoo kasi, ganito ‘yan, di ba?

"Iklaro natin. Si Kris, inimbitahan ni [Direk] Wenn namag-open ng pelikula ni Ai-Ai. Sabi ni Kris, ‘I'll do it.' Sabi ni James,‘Bakit mo gagawin? It stars Ai-Ai,' na galit siya.

"Ang [may] problema, si James at si Kris. Then sabi naman niKris, ‘Kausapin mo lang ako, kung makakasira naman sa marriage natin ‘yan,magpapasintabi ako at hindi ko gagawin.'

"So, alin ang problema dun? Nasaktan si Ai-Ai dahil sinabini James na hanggang ngayon ay magkaaway sila at nasaktan siya, at hindi namanbabawiin ni Ai-Ai ‘yun.

"Kung ano ang sinabi niya kay James, paninindigan niya yundahil sinabi yun ni Ai-Ai on behalf of Kris, dahil si Kris ang kaibigan niya.Wala namang away sina Ai-Ai at Kris diyan, e.

"So if ipa-prioritize ni Kris ang kanyang marriage,naiintindihan namin yun. Pero wala namang away, e. Ang pain ni Ai-Ai ay bakitinuungkat pa ang isang bagay na ang tagal-tagal na, at nagsalita na ako nahindi naman babawiin ni Ai-Ai yun.

"So, I don't see the point. Sa totoo lang pinag-iisipan ko.There's no quarrel.Yung emotion naman ni Ai-Ai na nasaktan siya, naiintindihanko rin, I understand. Ang mahirap lang nito yung tatawid ka, kasi iba-iba naang bersyon," tapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN