John Prats: "I will stay in ABS-CBN."

"Kung sa tingin ko, as an actor maggu-grow ako saGMA-7, lilipat ako. Pero kung okey naman ako sa ABS-CBN at maganda angnangyayari sa career ko, bakit pa ako lilipat?" explains Kapamilya star John Prats about rumor that he is considering his transfer to GMA-7.



Idiniin ni John Prats sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na hindi totoo ang isyung lilipat na siya sa GMA-7. Hindi niya alamkung ano ang detalye ng pagdiskarte ng manager niyang si Arnold Vegafria saKapuso network, pero aniya, "I will stay in ABS-CBN!"

Dagdag niya, "In fact, I will sign a new contract forABS-CBN tomorrow. It will just be for a year. Annual renewal na lang siguro.Pero if you're going to ask me kung ano ang magiging dahilan why I shouldtransfer na, it's not because of money. Definitely, hindi ko gagawin 'yon dahillang sa pera. Kung saan na lang ako maggu-grow.

"Ang naiisip ko kasi riyan, I'm not getting any youngeranymore. Sa trabaho lang ako. Kung sa tingin ko, as an actor maggu-grow ako saGMA-7, lilipat ako. Pero kung okey naman ako sa ABS-CBN at maganda angnangyayari sa career ko, bakit pa ako lilipat?" paliwanag ng young actor.

Kay John, walang lumalapit para sa offer ng GMA-7. Ang alamniya, dumaraan 'yon sa manager niya.

EXCLUSIVELY DATING. Kinumusta rin ng PEP si Shaina Magdayao kay John. Okey langdaw sila.

"We're exclusively dating," diretsahang sabi niJohn.

Hindrance daw si John sa tuluyang pag-angat ng career niShaina. Ano ang comment ng young actor dito?

"Kung sa tingin nila ganoon lang ang pakay ko, nagagamitin ko lang si Shaina and all that, para namang napakasama ko nang tao,"napapailing na sabi ni John. "Sa nakikita n'yo naman, hindi nga ako masyadongnag-e-elaborate pa. Basta ang sinasabi ko lang, we're exclusively dating. Alamng marami na hindi ko ginagamit ang sitwasyon namin ni Shaina para lang sapublicity."

In fact, wala pang halos assignment na pinagsasamahan latelysina Shaina at John. Ang latest kayJohn, si Ehra Madrigal ang partner niya sa Loving You, ang latestromantic-comedy ng Regal, na idinirek ni Don Cuaresma.

"Hindi ito career move," sabi ni John. "Never ko itonggagawin para sa advantage ko. Eight years kaming naging close friends ni Shainabago ako nag-decide na manligaw sa kanya, at kailan lang kami talaga lumalabas.Hindi ko sisirain 'yon dahil lang sa ganoon. Kaya palagay ko, hindi akomagiging hindrance sa career niya o personal life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naapektuhan ba ang friendship nila ni Rayver Cruz dahil kayShaina? Nanligaw rin kasi noon si Rayver kay Shaina.

"Wala talaga sa amin. Nagkakaintindihan naman kami saparteng 'yan. Alam kong nanligaw si Rayver kay Shaina, pero we abide sagentlemen's rule na tinatawag. Kung alam kong sila ni Rayver, hindi ako papasoksa eksena. Never silang naging mag-on, sa pagkakaalam ko," pahayag niJohn.

Wala nang isyu rito kung tutuusin dahil si Shaina na angnamili.

"Tungkol kay Rayver, hindi naman ako nagtatanong kayShaina," dagdag ni John. "Kaya ko siguro napasagot si Shaina, eightyears na kasi yung friendship namin. Alam na niya ang intentions ko.

"Child stars pa lang kami, magkakilala na kami. Angplus factor sa amin ni Shaina, 'yung pinagsamahan namin. Close pa sila ngsister kong si Camille [Prats], Marinella days pa nila, with Serene Dalrymple. Isinasamasiya ni Camille sa house noon kaya nakikita ko siya. Naging close na angfamilies namin. At hindi ko nga in-expect na made-develop kami in a romanticway. Last year, hayun, finally tumibok ang puso ko para sa kanya,"pagtatapat ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN