Lotlot de Leon and Ramon Christopher moving on after their annulment

"If you have children, it's very important that you and yourex-wife have a very good relationship. For your children, puwede kayong magingmagkaibigan. Like kami, very good friends kami, wala kaming kaproble-problema,"says Ramon Christopher about his relationship now with ex-wife Lotlot de Leon.



Nakuhanan at nakausap ng Showbiz Central ang datingmag-asawa at annulled nang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa birthdayparty ng kanilang kaibigang dating aktor na si Dranreb Belleza. Pagpapatunaylang daw ito na naka-move on na ngang talaga ang isa't isa sa nangyari sakanila.

Ayon kay Monching, "If you have children, it's very importantthat you and your ex-wife have a very good relationship. For your children,puwede kayong maging magkaibigan. Like kami, very good friends kami, walakaming kaproble-problema."

Kinumpirma rin ni Lotlot ang sinabing yun ni Monching.

"Yeah, we're okay. We have four kids between us. And ifthere's one thing that we really want to be, that is to be friends. Siyempre,kahit magkahiwalay kaming dalawa, we want our kids to grow up normally.Kumbaga, pamilya pa rin kami kahit hindi kami sa iisang bubong lang nakatira."

Nagagawa na rin daw nilang biruan ang nakaraan nila.

"Ang lokohan na nga namin kapag ngayon, nagsasabing asawako... ‘Ay, excuse me! Never tayong naging mag-asawa, we're never married.Ex-boyfriend lang kita!' Wala lang, lokohan na lang namin yun," natatawa ngangsabi ni Lotlot.

"Wala na, natatawa na lang kami because we know naman wherewe stand with each other," sabi naman ni Monching.

Nagagawa na rin daw nilang harapin kapag nali-link sila saiba. Tulad nga ni Lotlot na nali-link sa much younger men like Marco Alcaraz,her co-star in Dyesebel.

Sey ni Lotlot, "Maganda kasi ang bonding namin sa Dyesebelwhich is good. Ewan ko...hindi ko alam kung paano nag-start. So, ngayon,naglolokohan na lang kami ni Marco nang, ‘O, Honey... kasi natsi-tsismis tayo.'

"Pero wala!" pagbibigay-diin pa niya.

Ang mga ganitong bagay naman daw ang hindi pinakikialaman niMonching sa dating asawa at ina ng kanilang apat na anak.

"Okey lang, hindi ko pinakikialaman yung mga bagay naganoon. I think, kapag hiwalay na kayo, may mga bagay na personal na hindi narin dapat pang pag-usapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lotlot was then asked if she's ready to fall in love again?

"Ready to fall in love? Natatakot ako...pero gusto ko!Ha-ha-ha! Siyempre, di ba, nakakamiss din naman to have somebody with you? ButI guess, hindi naman talaga hinahanap. Kusang darating na lang ‘yan.

Dugtong pa niya, "Kumbaga, kung pangseryosohan yun, panahonna lang talaga ang makakapagsabi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN