Yasmien Kurdi offers "sincere prayers" for Jennylyn Mercado

"Pero wala namankasi sinasabi si Jen sa akin regarding sa financial. Nakakahiya rin naman on mypart na basta na lang magbigay sa kanya ng tulong. Gusto ko rin naman namanggaling sa kanya. Maiintindihan ko naman siya if ever, di ba? Huwag langsiyang mahiya sa aming mga kaibigan niya," says Yasmien Kurdi about rumors that her StarStruck batchmate Jennylyn Mercado (inset) is hard up on cash.



Naniniwala siYasmien Kurdi na pinakamagandang tulong na maibibigay niya para kay JennylynMercado ay ang ipagdasal niya ito parati. Para kay Yasmien, very effective angpower of prayers at ilang beses na niya itong napatunayan sa kanyang sarili atsa ilang taong pinagdarasal niya parati.

"Hindi nga ba maykasabihan na ‘Prayers can move mountains'? Naniniwala ako sa kasabihan na ‘yon,e. Lumaki kasi ako na nakikita ko ang mommy ko na parating nagdasaral. Tinuruanniya ako na sa lahat ng gusto kong mangyari, nakukuha sa dasal lahat. Kaya ‘yun ang gusto kong ibigay kay Jenngayon, my sincere prayers na galing sa puso ko talaga," pahayag ni Yasmien sapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Pero may mgabalitang kinakapos na raw sa pera ang unang StarStruck Ultimate Female Survivor na malapit nang isisilang ang anak nila ng dating boyfriend na si Patrick Garcia. Paano kung sa financial side ang mas kailangan ni Jennylyn? Makakatulong parin ba si Yasmien?

"Oo naman!" mabilisna sagot ni Yasmien. "Kasama naman ‘yan sa pagtulong, di ba? Si Jen naman,hindi na siya bago sa akin. Para na kaming magkapatid niyan. Ako kasi, walaakong kapatid kaya sino pa ba ang puwede kong tulungan, di ba?

"Pero wala namankasi sinasabi si Jen sa akin regarding sa financial. Nakakahiya rin naman on mypart na basta na lang magbigay sa kanya ng tulong. Gusto ko rin naman namanggaling sa kanya. Maiintindihan ko naman siya if ever, di ba? Huwag langsiyang mahiya sa aming mga kaibigan niya."

Pero sa kabilangbanda ay hindi naniniwala si Yasmien na kapos sa pera si Jennylyn. Alam niyang marunongmag-ipon ng StarStuck batchmate at alam niyang may naitago itong pera.

"Hindi naman sigurobulagsak sa pera si Jen," sabi ni Yasmien. "Marunong siyang maghawak ng peraniya. Kaya nagugulat ako sa mga nababasa ko na wala raw siyang pera. Hindinaman totoo 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang maganda diyanay si Jen na lang ang paniwalaan natin tungkol sa lagay niya ngayon. Kasi kungsinu-sino ang nagsasalita for her na minsan may pagka-eksaherada. Yung tiponghindi na kapani-paniwala. Kaya kay Jen lang ako maniniwala talaga at hindi saibang tao."

BACK TO SCHOOL. Naikuwento rin ni Yasmienna balak niyang bumalik sa pag-aaral. Kung maging maluwag daw ang schedule niya,baka next semester ay mag-enrol siya. Gusto niyang ituloy angkanyang naudlot na pag-aaral sa New Era College. Plano niyang kumuha ng kursongInternational Studies.

"Matagal ko nangplano na bumalik sa school, pero parating hindi natutuloy kasi biglang maydumarating na project. Okay lang kasi nakakaipon ako para sa pag-aaral ko.Ngayon ay inaayos ko na ang mga requirements ko sa school just in case namatuloy ang pagbabalik ko sa pag-aaral," lahad ng young actress.

Magkakaroon ngbagong TV drama si Yasmien, pero mukhang matagal pa ito masisimulan. Huling napanoodsi Yasmien sa Tasya Fantasya at Babangon Ako't Dudurugin Kita.

"Nagsimula nakasi ang mga bagong shows, di ba? Kaya matagal pa yung sinabi sa akin na TVdrama. Matagal pa naman ‘yon kaya baka ang concentration ko ay sa movies at saalbum ko."

Kasama si Yasmien sa pelikulang Loving You ngRegal Entertainment. Ito ang first movie nila together ng ka-love team na siJC de Vera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN