Marco Alcaraz clarifies issues involving him with several actresses

Young actor Marco Alacaraz sat down in Showbiz Central to answer questions involving him with several actresses, although he denied most of them.



Ang isa sa madalas na madawit ang pangalan sa mgakontrobesiya at ma-linksa iba't ibang mga aktres ay si Marco Alcaraz. Upang sagutin ang mga isyung ito, si Marco ang umupo sa hot seat ng CentralJury ng Showbiz Central last Sunday, August 10, with Mo Twister and Pia Guaniointerviewing him.

Pia asked Marco kung ano nga ba talaga ang dahilan ngbreakup nila ni Isabel Oli at bakit inabot ng matagal na panahon bago silamagkaayos na muli.

"Siguro just like most relationships, na hindi kaminagkaayos, not meant to be. I think personality differences, parang ganoon,"sagot ni Marco.

Nag-follow-up naman si Mo ng tanong kung dahil ba sanangyari sa kanila kaya't nagkaroon naman sila ng gap ni Paolo Contis, naboyfriend ngayon ni Isabel.

"Actually, kami ni Pao, nang maging sila na ni Isabel, we'recivil naman. We talk a lot of stuff except lang yung about me and Isabel. Noongmag-break kami, wala pa si Paolo sa picture, baka a couple of weeks pa,"kuwento ni Marco.

Mo then asked Marco regarding Rhian Ramos na nakarelasyonniya na hours or a day lang ang itinagal. Is this true?

"Actually, yun nga, nasulat sa mga tabloid that me and Rhiandaw had a one-night stand sa Calatagan, Batangas, duringKapusolympics. Well, aminado ako na magkasama kami ni Rhian during thatnight. And knowing Rhian, hindi naman siguro siya gagawa ngganoon. And I respect her," paliwanag ni Marco.

Totoo bang niligawan din niya si Jennylyn Mercado na boyfriendpa ng young actress that time si Patrick Garcia?

Matagal bago nakasagot si Marco sa tanong kung kaya't magingsina Pia at Mo ay nagulat sa naging reaction ni Marco. Paliwanag naman niMarco, nagulat siya dahil hindi niya inakalang may ganoong line of questioningna nakahanda ang Showbiz Central para rito.

Pagkatapos ng ilang segundong hindi nito nagawang masagotagad ang tanong, Marco said, "Actually, ano lang, before na maging sila niPatrick, we went out as friends. Hang out, ganoon, pero walang overlapping nanoong sila ni Pat. We don't go out noong sila na ni Pat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman niya nang mag-break sina Jennylyn atPatrick?

"Well, sana maayos din sila, honestly," maikling sagot niMarco.

Type kaya ni Marco ma-rekindle anuman ang meron sila noon niJen?

"Actually, wala naman, we hang out lang pero walangsomething special na nangyari sa amin," sabi ng young actor.

May balitang pinopormahan din daw niya si Katrina Halili.Totoo ba ito?

"Well, si Katrina kasi, nagkasama kami sa isang QTV show[Ang Ganda ng Lola Ko] before. So, yun pa rin, friendly ako. I used to hang outwith them. After taping, sasama, ganoon. So basically, ganoon. Pero hindinagkaroon ng chance na manligaw ako kay Katrina."

What about with Ehra Madrigal?

"Ah, no, no... Wala yung kay Ehra," may diin niyang pagtanggi.

Tinanong naman ni Pia si Marco tungkol sa pagkaka-link niyakay Lotlot de Leon. Ano ba talaga ang totoong estado ng relasyon nila niLotlot?

"The funny thing is, kapag nasa taping kami, sinasabi niLotlot, ‘Ilang taon ka na ba, Marc?' So, sinasabi ko, 24. ‘Puwede mong ma-dateyung daughter ko,' her eldest daughter. So, ‘'Ilang taon po ba siya? ‘ ‘19years old.' So ako, ‘Sige sige!'

"After no'n, nagkaisyu na me and Ms.Lot at hindi yung anak niya. Pero yung sa amin naman, parang set-up na lokohanlang. Me and Lot naman, kapag may showbiz events, nakikita kaming magkasama.Kasama ko siya sa Dyesebel right now," paliwanag ni Marco.

"Would you date an older woman?" asked Mo.

"I never dated anyone pa, so we'll see. Sabi nga nila, masmatured daw, mas masarap mag-alaga. So open-minded naman ako," sagot ni Marco.

Sa huli, sa choices between "killer task" or "killerquestion," ang "killer task" ang pinili ni Marco. Nagpahayag si Mo na nasilipniya ang killer question at sobrang hirap daw talaga, although mahirap dinnaman daw ang napili ni Marco na "killer task."

Ang "killer task" kay Marco, since hindi nga mamatay-matayang isyu sa kanila ni Lotlot kahit sinasabi nilang parehong close friends langsila, live na pinakausap ng Showbiz Central over the phone si Marco kay Lotlotpara sabihin ni Marco kay Lotlot kung gaano ito kahalaga sa kanya at angfriendship nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro naman ni Lotlot si Marco over the phone kung puwederaw bigyan muna ito ng tubig or isang shot ng alcohol bago magsalita dahilhalatang nate-tensiyon ang young actor. Pero nakuha pang magbiro ni Marco at sinabihansi Lotlot ng "Hi, honey!"

Ito naman ang pahayag ni Marco para kay Lotlot: "Hi Ms. Lot,I'm happy na nakasama kita sa Dyesebel at marami akong natutunang things likekung paano magtagal sa industriya. So hopefully, after the show, yungfriendship natin, magtagal pa."

Tinanong naman ni Pia si Lotlot kung kumusta na yungsine-set-up niyang date between Marco and her daughter.

"Actually, niloloko ko lang si Marco kay Janine," sabi niLotlot. "Actually, they met na before. Wala lang, lokohan lang. Walangseryosohan. Actually, with me and Marco, I don't know how it started and Ithink, its unfair for me and Marco na ma-link ng ganyan. Kasi parang hindi kana ba puwedeng magkaroon ng kaibigan ngayon sa showbiz na lalaki? Kailanganba talaga i-link agad sa ‘yo?

Sa huli, kung nag-"Hi, honey!" si Marco kay Lotlot,pabiro rin namang sinagot ni Lotlot si Marco ng "Bye, honey" nang magpaalam naito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN