Rachelle Ann Go dismisses "dating director" rumor

"Dati parang nagbalak siya pero ayoko. Nirerespeto ko siya,kasi siyempre as a director, pino-po ko siya. May asawa at anak na siya, so,wala talaga," says Rachelle Ann Go about Director GB San Pedro who was rumoredto be dating her.



After her almost two-year relationship with ChristianBautista, lumabas ang balita that Rachelle Ann Go is dating GB San Pedro,director of the showbiz talk show Boy & Kris. (click here for related story)

Ang director na na-link din kay Roxanne Guinoo ay lagi rawnakikitang kasa-kasama ni Rachelle Ann sa ilang mga lakaran. Nakarating na ngarin daw kay Christian ang nasabing balita.

But when PEP (Philippine Entertainment Portal) interviewedRachelle Ann last Sunday in ASAP '08, sinabi niyang walang katotohananang mga naglalabasang balita at ni hindi nga raw sila nagde-date ng nabanggitna direktor.

"Ewan ko nga ba kung bakit siya na-link sa akin. Never namanakong lumabas with him. Nagkasama kaminung first concert ko, minsan sa mga music videos ko. Nagkaka-text-an kami,nagkikita kami, kasi siya nga ang director ng mga music videos ko, pero ganunlang."

Rachelle admitted to PEP na nagbalak itong manligaw sa kanyapero agad din naman niyang binasted at hindi binigyan ng chance.

"Dati parang nagbalak siya pero ayoko. Nirerespeto ko siya,kasi siyempre as a director, pino-po ko siya. May asawa at anak na siya, so,wala talaga."

She even assured us na hindi nga raw siya nakikipag-datesa kahit na kaninong lalaki, contrary sa mga lumabas na balita.

"Single pa rin ako hanggang ngayon. Hindi pa akonakikipag-date. Lumalabas ako pero with girl friends lang."

Nakarating ang nasabing issue kay Christian and napag-usapanna nila ito ng ex.

"Yun ang nakarating sa kanya and napag-usapan na namin kasiparang na-interview si Christian sa isang news. Sabi ko nga, ‘Hala, grabe namanang news, parang confirmed na nila na nakikipag-date ako.' Parang nagtanonglang siya sa akin, sabi ko wala naman talaga."

Aminado si Christian na hindi pa rin siya nagsasarado ngpinto para sa kanila ni Rachelle. Kahitnaman si Rachelle ay bukas pa rin sa posibilidad ng balikan. Pero sa ngayon aymas priority ng singer ang kanyang studies and work kaysa pumasok sa bagongpakikipagrelasyon sa kahit kanino pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman talaga natin alam kung ano ang mangyayari,bahala na si Lord. Sa ngayon kasi huwag na muna. Focus ko is my work and yungstudies ko. Magkaklase kami ni Sarah [Geronimo] in UP, second year na kami andwe're taking up Associate in Arts. Parang ang hirap kasi ‘pag marami kang iniisip."

Mayroong album sa ngayon si Rachelle Ann entitled RachelleAnn Rocks Live. All are revivalsand may 2 bonus tracks.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN