John Lloyd Cruz overwhelmed by box-office success of "A Very Special Love"

"Hindi lang siya happiness. Parang nagigingsource of joy for the moment. Hindi lang siguro for the moment, pero matagalsiyang magli-linger. Kasi, it's a movie na halos walang naniwala sa amin," says John Lloyd Cruz about the success of A Very Special Love.



Binati namin ang magandang pangangatawan ni John Lloyd Cruznang makita namin siya sa ASAP '08 noong Linggo, August 10. Halatang-halata rinsa aura niya na masaya at kuntento siya ngayon.

Kung may nakikita man kaming dahilan ng happiness nanagre-reflect sa magandang aura ni John Lloyd that day, walang-duda na nanggagaling ‘yonsa patuloy na tagumpay ng pelikula nila ni Sarah Geronimo sa Star Cinema,ang A Very Special Love.

Tinanong ng PEP si John Lloyd kung ano angmasasabi niya sa success ng movie nila na as of Monday, August 12, ay kumita naraw ng P134 million, base sa report ng Ad Prom ng Star Cinema.

"Siyempre, ano e, hindi lang siya happiness. Parang nagigingsource of joy for the moment. Hindi lang siguro for the moment, pero matagalsiyang magli-linger. Kasi, it's a movie na halos walang naniwala sa amin.

"Actually ako ha, to be honest, on a personal note, hindiako ma-convince that we can make this work. It's not Sarah, maybe the story. Sobrang typical ng story, e. Boy meets girl, girl meets boy. Mayaman-mahirap.How can you make it work, e, sa panahon ngayon, dapat lahat ng bago mai-offermo. E, yun pala ang kailangan. Ang kailangan lang pala ng audience ay isanglumang formula. Kumbaga, saan ka huling nakakita ng movie na kumakanta angaudience, di ba? Yun lang, parang nakakatuwa na hindi pa pala nawawala saaudience na naghahanap sila ng ganoon," pahayag ni John Lloyd.

Sa pelikulang One More Chance last year, muling napatunayanni John Lloyd ang husay niya sa pag-arte nang gawaran siya ng Best Actor Award at sanaturang pelikula rin siya itinanghal na Box-Office King. With the overwhelmingsuccess of A Very Special Love, posible kayang mahigitan pa ang na-achieve ngmovie niya last year with Bea Alonzo?

"Well, siguro sa box-office, pero magkaiba kasi sila," saadni John Lloyd. "They are incomparable. Yung mga nakita mo sa One More Chance,hindi mo siguro maaasahang makikita yun sa A Very Special Love. Malayo sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT'S NEXT, LLOYDIE? With his movie with Sarah, puwedeng sabihin na na-prove narin ni John Lloyd na kaya niya palang magdala ng sariling pelikula without Beaas his love team. So, sa pangyayaring yun, ano kaya ang maasahang kasunodo dapat abangan kay John Lloyd?

"Ako, ewan ko, hindi ko alam. It's one project, mahirap pangmagsalita kung kaya na nating magsalita. Ang success naman nito, anglaking part din ni Sarah. Honestly, hindi ko alam kung kayang gawing basis yun."

Magkaganuman, hindi raw niya maikakailang masaya siya sanangyayari.

"I'm very happy!" sambit niya. "Nag-side trip man ako fromthe love team, naging successful naman. Track-record-wise, ang ganda, ang saya!Pero ayoko siyang isipin na parang puwede, ang sarap din namang isipin na bakakaya ko na. Pero siyempre, you're only as good as your last project."

Posible kayang masundan pa ang team-up nila ni Sarah?

"Hindi ko pa alam, pero kung may follow-up, siyempre hindimawawala yung mga sabi-sabi. Pero sabi ko nga, sana huwag muna. Kasi,nakakatakot. Dalawa lang ang ine-expect ng mga tao. It's either mapantayan ormalagpasan. Kapag hindi nagawa either of the two, ibig sabihin, you failed. So,nakakakaba. Pero sabi ko nga, kung magkakaroon man, ang gusto kong gagawa,same team ni Direk Cathy Garcia-Molina," sabi ni John Lloyd.

NOT INTERESTED IN LABELS. No doubt, kilala na si John Lloyd bilang isang mahusay atmalalim na aktor. Pero tila minamahal siya ng manonood bilang isang romanticlead. Kung siya ang masusunod, mas gusto niya bang pangatawanan ang pagigingromantic leading man o gusto niyang i-challenge pa ang sarili niya sa ibang levelng acting?

"Kasi yung mga title, mararamdaman mo lang sa promo.Pang-promo lang yata ‘yan!" natatawa niyang sabi. "Ako kasi, I don't mindthe title, I don't mind the labeling of other stars. Pero siyempre ako, maramipa kong kailangan matutunan.

"Hindi rin naman ako confident kung bigla na lang akongmag-full blast sa heavy drama. So, in this way, nakakatulong sa akin,nagbe-benefit ako dahil natututo ako. Nagkakaroon ako ng experience. Anglabeling at pagbibigay ng title, wala sa utak ko yun. Ang gusto ko, yungcareer path na gusto kong magawa at maabot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ano yung career path na gusto niyang maabot?

"Well, it would be nice kung magawa ko muna yung movie kowith Ate Vi [Vilma Santos], tuloy na siya. Hinihintay lang kung kailanmagsisimula. Pero tuloy na tuloy na ang project," masayang sabi ni John Lloyd.

What about being Armando sa I Love Betty La Fea, tuloy natuloy na rin ba yun, lalo na ngayon na tapos na ang pagsu-shoot niya ng movienila ni Sarah at wala pa rin naman siyang bagong series na nababalitang gagawinniya sa ABS-CBN?

"Yun ang wala pang balita, nasa kamay nila yun, wala saakin. Hanggang ngayon, nasa itaas pa, nasa kamay pa nila ang bola. Sabi konga, at the end of the day, whatever task they have given you, gagawin atgagawin mo."

Wala naman bang pagtanggi sa kanya if ever na siyana nga talaga si Armando?

"I'll be happy to be working again with Bea. New director,new set of people. Sabi ko sa ‘yo, ang trabaho kapag tiningnan mo, ayoko ngtrabahong ‘yan ngayon, pero hindi mo alam ang mga nakapalaman sa trabahong ‘yan,baka yun ang mas importante," matalinhagang pagwawakas ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN