"Pinoy Idol" finalist Gretchen Espina: "Hindi ko kailangang magmakaawa sa inyong lahat para sabihing may talent naman ako."

"My daddin kasi is a politician, at alam natin kapag ganyan, may impression na sapoliticians pagdating sa kampanyahan. Parang gagamitin lang ang powers paramakuha yung gusto. Pero naipapakita ko naman ang magagawa ko at ang talent ko,kaya siguro marami rin ang sumusuporta. Naipapakita ko naman kahit paano, diba?" says Gretchen Espina.



Hindi makaiyak nang todo si Gretchen Espina nang gabingtinawag ang pangalan niya bilang isa sa Top 3 ng Pinoy Idol, na angpinakaabangang sandali ay magaganap na sa Sabado at Linggo (August 16 and 17)sa SMX Mall of Asia. Pero isa nga yun sa comments sa kanya ng huradong si OgieAlcasid, na masyado siyang emotional and it somehow affects her performance sacompetition.

"Noong time na yun kasi, bago tawagin ang pangalan ko,nagre-reminisce na ako, yung pinagdaanan ko," sabi ni Gretchen sa PEP(Philippine Entertainment Portal). "Yung sa umpisa pa lang ng auditions,hanggang sa competition na mismo. Lahat ng mga sakripisyo, talagangnagpa-flashback na lang siya sa mind ko. Pati 'yung mga taong I have workedwith sa GMA-7, sobrang na-touch ako sa naitulong talaga nila sa akin."

Gretchen was a European Languages student at UP Diliman whenshe joined the Pinoy Idol auditions. Very much against ang parents niya sapagsali niya dahil mangangahulugan ito na maisasakripisyo nga naman ang kanyangpag-aaral.

"Dapat kasi, graduating na ako this year," sabi niGretchen. "I stopped nga for this. Mabigat sa loob ko yung sakripisyong'yon, pero alam ng parents ko, isa rin ito sa mga pangarap ko sa buhay. Angganitong opportunities, minsan lang talaga dumarating."

Sa palagay ni Gretchen, ano ang lamang niya kina Ram Chavesat Jayann Bautista na mga katunggali niya as top finalists sa Pinoy Idol?

"The way I saw my heart through my songs," sagotni Gretchen. "Para sa judges, it can be too emotional. So, kailangangilagay ko sa tama.

"Sa voice quality, iba talaga ang voice ko kung ikukumparakina Jayann at Ram. Ang voice ko is husky, but I can still hit high notes. Moreon husky side, na parang Jaya. Sabi nga nila, yung boses ko raw, panlalaki.Mababa ang register. Pero kayang mapaglaruan para tumaas," natatawang sabiniya.

Paborito talaga raw ni Gretchen si Jaya. Kapansin-pansin saCenter Stage nang gabing yun, ang ama ni Gretchen na si Biliran GovernorRogelio Espina ay overwhelmed sa pagkakapasok niya sa Top 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pianist ang father ko, and at the same time, apolitician. Mayroon din siyang pangarap, e. Sabi niya, magre-retire na rawsiya. So, ako na lang ang magpapatuloy sa dream na yun. Buong pamilya namin,mahilig sa music," ani Gretchen.

Nabanggit ni Kid Camaya, isa sa Top 5 na na-eliminate noongLinggo, na sa text votes, kung yun ang pagbabasehan, isa kina Gretchen atJayann ang magwawagi. Pero sa talent, it will be Ram and Jayann. Ano angmasasabi ni Gretchen dito?

"Ay, sinabi niya 'yun!" parang na-hurt si Gretchensa nakarating na comment ni Kid sa kanya. "Siguro, preferred lang ni Kidang rock. Ayaw niya siguro sa soul at ballad, e, yun ang ginagawa ko. Ganoon nalang siguro yun.

"Kung pamimiliin ka naman kasi, dalawa na lang 'yungpipiliin mo, and I guess it's Kid's opinion. Lahat naman, may opinyon."

Sa nangyayari, ang impression, dahil text votes ang nananaigsa Pinoy Idol, maidaraan na lang 'yan sa pera-pera. Kaya nga nae-eclipse daw angkung sino yung totoong may talent.

"Sabi ko nga, lahat ng tao, may sariling opinyon," ulitni Gretchen. "Wala rin naman silang magagawa kung maraming tao rin angnagkakagusto sa akin. Respetuhin na lang sana nila yung paniniwala ng ibang tao.

"Dyusko, ano ba 'yan? May talent naman ako! Hindi kokailangang magmakaawa sa inyong lahat para sabihing may talent naman ako.Narating ko naman ito siguro dahil I have shown my talent," sabi pa niya.

Pero nangangarir daw talaga sa votes ang kampo ni Gretchenkaya hindi ito basta magpapahuli.

"Nang mag-join ako rito, alam ko nang mabi-bring up angganyang issue, lalo kung marami ang sumusuporta sa akin sa text votes. My daddin kasi is a politician, at alam natin kapag ganyan, may impression na sapoliticians pagdating sa kampanyahan. Parang gagamitin lang ang powers paramakuha yung gusto. Pero naipapakita ko naman ang magagawa ko at ang talent ko,kaya siguro marami rin ang sumusuporta. Naipapakita ko naman kahit paano, diba?" pagtatapos ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN