FIRST READ ON PEP: JC de Vera out, Hero Angeles in as Rhian's leading man in "Sundo"

JC de Vera (left) was pulled out from the movie "Sundo" as the love interest of Rhian Ramos. He will be replaced by Hero Angeles (right), who immediately accepted the offer.



Nakakagulat ang bilis ng pangyayari sa pagpapalit ng cast nghorror film na Sundo. Kasusulat pa lang nakasama na si JCde Vera sa cast at siya na ang magiging love interest ni Rhian Ramos,instead of Mark Bautista na binigyan ng ibang role bilang kaibigan ng bidang siRobin Padilla. Excited pa ngang um-attend si JC sa story conference ng Sundolast Monday, August 11, dahil first time niyang makakatrabaho si Robin Padilla, heto'tnakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng panibagong balita.

Kahapon, August 12, sa first shooting day ng Sundo naco-produced ng GMA Films at Viva Films, nabalitaan ng PEP na pinull-out na si JC sacast. "Conflict of schedule" ang ibinigay na rason ng kampo ng young actor kungbakit hindi na nito magagawa ang pelikula.

Sisimulan na raw kasi ang taping ng Obra kung saan si JC ang featured artist forthe whole month of September. Naka-schedule na rin ang shooting ng Shake, Rattle& Roll X, kung saan isa siya sa mga bida ng entry ng RegalEntertainment sa 2008 Metro Manila Film Festival. Dagdag na work load din sa kanyaang promo ng Loving You na showing na sa August 20.

Sunod na ibinalita sa PEP, si Jason Abalos na raw angpapalit kay JC sa role ng love interest ni Rhian. Inaayos na lang daw angschedule ng young actor na identified sa ABS-CBN at bukas, August 14, aymagre-report na dapat ito sa kanyang first shooting day sa Subic.

Kaninang umaga, August 13, ibinalita sa PEP na hindipumuwede si Jason dahil tinatapos pa raw nito ang natitirang taping sa EvaFonda ng ABS-CBN. Hindi raw kakayanin ng schedule ng young actor namaglagare sa taping at shooting, lalo na kung parehong on location.

Ang ipinalit kay Jason ay si Hero Angeles, na agad pumayagmapasama sa big cast ng movie at ang maganda, hindi issue sa kanya kung kapalitlang siya ni JC. Ang importante sa young actor, balik-pelikula siya at sa GMAFilms pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na tuwa pa sa kauna-unahang Star Circle Quest winner na makasama siRobin at sina KatrinaHalili, Rhian Ramos, Mark Bautista, at Sunshine Dizonsa isang pelikula.

Ang Can This Be Love ng Star Cinema noong 2005 anglast mainstream movie ni Hero, kapareha si Sandara Park. Matatandaan na sa shooting ng nasabing pelikula umigting ang away ng dating magka-loveteam. Pero huling napanood si Hero sa indie movie na Stockroom, na siyarin ang producer, director, at lead actor.

Nauna nang mag-comeback sa TV si Hero nang mapasama siya sacast ng Dyesebel bilang si Mark, ang masungit at laging galit na kapatidni Paolo (AljurAbrenica).

Bukas ang first shooting day ni Hero sa Subic para sa Sundo.Gagampanan niya ang role ni Eric, isa sa anim na magkakabarkada at ma-i-involvenga kay Rhian as the blind sister of Robin.

Nagkapareha na sina Hero at Rhian sa isang episode ng Maynilakaya hindi ang Sundo ang first project nila together.

Anoang masasabi ni Hero tungkol sa pagsasama nila sa pelikula ni Rhian?

"Masaya! Kasi nakatrabaho ko na siya before. Mabait siya atjolly person," sabi ni Hero nang makausap siya ng PEP.

Sa pagtatambal na ito nina Hero at Rhian, siguradongmagre-react na naman ang detractors at "fans" ng young actress. As for JC, sila pa rin ni Rhian ang magtatambal sa La Lola ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN