Aiko Melendez hopes rumored breakup of ex-husband Jomari Yllana and Pops Fernandez is not true

"I've finally found a way to get back on my feet andstart things fresh. Inuna ko muna ang physical looks ko and I was able to losethose unwanted pounds. Nag-focus talaga ako sa pagpapapayat and I have achievedit naman in a very safe way," says Aiko Melendez about her battle with the bulge.



Malaki na ang ipinayat ng katawan ni Aiko Melendez atpatuloy pa rin daw siya sa ginagawa niyang pagpapapayat hanggang ma-reach niyaang kanyang desired weight.

Nag-guest si Aiko sa isang episode ng The Sweet Life ng QTV11 last Tuesday, August 12, at nagulat ang host ng programa na si LucyTorres-Gomez sa bagong figure ni Aiko. Ilang beses ngang inulit ni Lucy na angganda-ganda ni Aiko ngayon.

Inamin ni Aiko na umabot noon sa sa 187 pounds ang kanyangtimbang, ngayon ay malaki na ang nabawas sa kanyang dating "malusog" na katawan.Inaamin din niya na mas masaya at mas nagkaroon siya ng confidence sa sarilingayon.

"Alam naman ng lahat kung gaano kalaki ang katawan kobefore. ‘Tapos I was going through some very difficult personal problems. Kaya‘ayun, hindi ko na namalayan na ang taba ko na pala.

"Pero I've finally found a way to get back on my feet andstart things fresh. Inuna ko muna ang physical looks ko and I was able to losethose unwanted pounds. Salamat siyempre sa Marie France which has been helping meshed off those pounds. Nag-focus talaga ako sa pagpapapayat and I have achievedit naman in a very safe way. Ngayon malaki na ang nawala sa akin, pero maydesired weight goal ako kaya konti pang bawas at okay na talaga ako," saad niAiko nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ngguesting niya sa The Sweet Life.

AIKO'S "INSPIRATION." Unti-unti na ring inaamin ni Aiko ang kanyang relasyon sanababalitang boyfriend niyang si Patrick Meneses, vice mayor ng Bulacan,Bulacan. Although ang parating sinasabi ni Aiko ay "inspirasyon" niya ang pulitiko, parang pag-amin na rin na may magandang relasyon na sila nito.

"Patrick was there during my trying times," sabi ni Aiko."Hindi niya ako iniwan and he's always encouraging me to look my best parati.Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil he never gave up on me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And he's also good to my kids. Magkasundung-magkasundo silang panganay kong si Andrei [Aiko's son with Jomari Yllana] who is now nineyears old. Panay ang bonding nilang dalawa kapag namamasyal kami. With Marthena[Aiko's son with Martin Jickain] naman, who is now two years old, gustung-gustoniyang kargahin ito parati. Masaya ako kasi parang hindi na siya iba sa mgaanak ko. As in tanggap na siya ng mga bata at yun naman ang importante saakin."

JOMARI-POPS "SPLIT" RUMOR. Tinanong ng PEP kay Aiko kung nakarating na ba sa kanya angbalitang nagkakalabuan na diumano ang ex-husband niyang si Jomari Yllana at anggirlfriend nitong si Pops Fernandez.

Ayon kay Aiko, may nakapagsabi raw sa kanya pero alam niyangtsismis lang ito dahil hindi pa naman daw niya nakakausap si Jomari or si Popstungkol sa balitang ‘yon.

"May nagsabi lang sa akin ‘tapos nabasa ko pa sa isangtabloid. Pero siyempre, ayokong mag-assume na totoo ‘yon unless si Jom or siPops ang makausap ko. The last time na nakita at nakausap ko si Jom, okay namansila ni Pops. Kaya nakakagulat naman na may ganyang balita.

"Sana nga ay hindi totoo kasi nakakalungkot naman. Mukhangokay naman silang dalawa, and I wish na hindi nga totoo ang balitang hiwalay nasila," asam ng actress-politician.

MARTIN'S GIRLFRIEND. Tungkol naman sa ex-husband din niyang Martin Jickain, ibinalitani Aiko na may ibang girlfriend na raw ito.

"Ang nagbalita sa akin ay ang mommy ko, kasi nga kapaghinahatid ni Martin si Marthena sa bahay, kasama raw niya yung girl. Pero hindipa kami nagkikita talaga ulit ni Martin. Puro text massages lang kami sincenagkaroon kami ng issue.

"It's good na may inspirasyon na rin siya. Noong makita konga ang VTR interview niya sa Startalk, he said na he's okay and he has movedon na. That's good kasi gusto ko rin naman na masaya siya and we could still begood friends after all that has happened."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICAL OPTIONS. Sa nalalapit na 2010 elections, nabanggit ni Aiko na may mgaoffers na siyang natatanggap para tumakbo either for vice mayor orcongresswoman. Pero wala pang tinatanguan si Aiko sa mga alok na ito.

"Marami nang nagtanong sa akin regarding 2010. Naku, twoyears pa naman ‘yon kaya ayoko pang isipin. Pero okey na rin yung may kontingpaghahanda, di ba? May mga invitations na ako to join this party or to be withthis tandem. Pero wala pa akong desisyon. Open pa ang options ko at hindi namanako nagmamadali pa.

"Kung anuman ang itakbo ko sa 2010, magkakaroon naman ako ngformal announcement, e. Pero since matagal pa, ang pagbabalik ko muna sashowbiz ang abangan nila," pagtatapos ni Aiko.

Nasa ilalim na pala ng management ni BoyAbunda si Aiko at marami raw itong mga plano para sakanyang muling pagbabalik. Ayaw pang i-divulge ni Aiko kung saang network siyaregular na mapapanood. Abangan na lang daw ‘yon very soon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN