Ariel & Maverick explain delay of their movie for GMA Films

"Alam namin na marami ang naghihintay for the movie at one year inthe making na nga ito. Pero mga 70 percent of the movie na ang na-shoot namin.May mga eksena na kaming nakunan dito, e. Yung mga scenes na lang sa U.S. angkulang. Kapag okey na ang lahat at matuloy na kami, mga ten days of shootingang gagawin namin. So, malamang na baka early next year na ito maipalabas," explains Maverick (left) about his and Ariel's (right) long-delayed film.



Medyo matatagalan pa raw bago matapos ang pelikula ninaAriel and Maverick para sa GMA Films dahil nagkaroon ng konting aberya.Unang-una ay bigla raw nabuntis ang kanilang director na si Aleah Aliporo Eugenio at,pangalawa, marami pa raw silang kulang na mga eksena kaya kailangan nilangbumalik sa Amerika.

Paliwanag ni Maverick, "Hindi naman maiiwasan ang mgaganyan, e. Alam namin na marami ang naghihintay for the movie at one year inthe making na nga ito. Pero mga 70 percent of the movie na ang na-shoot namin.May mga eksena na kaming nakunan dito, e. Yung mga scenes na lang sa U.S. angkulang. Kapag okey na ang lahat at matuloy na kami, mga ten days of shootingang gagawin namin. So, malamang na baka early next year na ito maipalabas."

Mabuti na lang at may bagong show ang tinaguriang DynamicComic Duo ng Philippine television. Sila ang mga host ng bagong show ng GMA-7na Masquerade. Bahagi ito ng "Bilib Ka Ba Nights" ng Kapuso Network startingAugust 18.

Ang Masquerade, na mapapanood every Wednesday nights, aylong-running primetime comedy show sa Japan kung saan ang mga contestants aypinoporma ang sarili nila bilang iba't ibang bagay. Sa ipinakita ngang AVR ngnaturang show, mukhang maaaliw ang marami dahil bukod sa mga nakatutuwangcontestants ay sasabayan pa ng pagpapatawa nina Ariel and Maverick.

"Kung inakala nila na madali ang show, naku, hindi po!" diinni Ariel. "Kahit na once a week lang kami, grabe ang taping namin. Sa isangtaping day, three episodes ang binubuo namin. ‘Tapos may mga shoot pa kami salabas ng studio, may voice-over commentary kami na ilang oras din ang binubuhosnamin. So it's hard work, pero enjoy naman kami kasi nakakatuwa ang mgacontestants. Game na game sila sa show."

Nami-miss na raw nina Ariel and Maverick ang magkaroon ngregular na soap drama. Masyado raw kasi silang nag-enjoy sa Joaquin Bordadoni Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba na rin kasi yung napapanood ka every day sa isang dramaseries, di ba? Sana nga, nanawagan kami sa GMA-7 na available pa naman kami.Open pa ang schedules namin para sa isa pang show!" sabay tawa ni Ariel nasinabayan pa ni Maverick.

Kasama rin sa "Bilib Ka Ba Nights" ang show ni ChrisTiu na Ripley's Believe Or Not tuwing Lunes atWorld Records ni Paolo Contistuwing Martes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN