Dingdong Dantes invites fellow actors to join basketball for a cause

"Sa ngayon, may ini-screen kami na tatlo munang puwedengbigyan ng scholarship. Ang maganda niyan, nakapirma yung mga artistangmaglalaro sa scholarship fund nila. So, kapag may nagtanong, sino nagpapaaralsa ‘yo, puwede niyang sabihin na si Ganito, si Ganyang artista," says DingdongDantes.



Lingid sa kaalaman ng karamihan, five or 10 years ago aynapakarami nang natulungan ng young actor na si Dingdong Dantes. Pero hangga'tmaaari ay hindi na niya ipinapasa-publiko pa ang mga bagay na ito.

Pero kamakailan lang, nalaman ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) mula sa isang aktor na maglalaro sa isang basketball-for-a-cause sa P.M.I. (Philippine Maritime Institute) in Roosevelt, Quezon City, naang nagtawag sa kanila para maglaro ay si Dingdong Dantes. When PEP askedDingdong about it, hindi na nga ito nakatanggi pa and PEP even encouraged himto talk about it, dahil isang bagay ito na puwedeng maka-inspire pa ng ibangtao, especially ng mga artista rin na katulad niya.

"Kaibigan ko kasi yung taga-P.M.I. at nagtanong ako kungpaano ako makakatulong by giving a scholarship. E, tamang-tama, Foundation Dayraw nila sa August 20. May pa-basketball sila. So, we thought of anidea na bakit hindi na nga lang mag-compete ang team ng P.M.I. basketball sateam naman ng mga artista. Kung sino ang mananalo, yun ang makakakuha ngscholarship. Magiging for a cause yung laro, pero siyempre, kahit sino angmanalo, siguradong may bibigyan na kami ng scholarship.

"Sa ngayon, may ini-screen kami na tatlo munang puwedengbigyan ng scholarship. Ang maganda niyan, nakapirma yung mga artistangmaglalaro sa scholarship fund nila. So, kapag may nagtanong, sino nagpapaaralsa ‘yo, puwede niyang sabihin na si Ganito, si Ganyang artista."

Very thankful at ipinagmamalaki nga raw niya ang mgakaibigang artista na nang malaman kung ano ang proyekto niya ay mabilis napumayag sa pagsali sa gawain niya.

Siyempre, kung sila ang mga maglalaro, si Dingdong naman angall-out na magso-shoulder ng buong educational fund sa tatlong mapipili nilangi-grant ng scholarship.

Ang mga kaibigang aktor nga ni Dingdong na makikipaglaro sateam ng P.M.I. ay sina Luis Alandy, Marco Alcaraz,Alfred Vargas, PaoloParaiso, Antonio Aquitania, JC de Vera, Marky Cielo at Arthur Solinap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang lahat athinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nilang ito," sabi pa ni Dingdong tngkol samga kasamahang artista.

Nalaman din ng PEP na bahagi na pala ng buhay niDingdong ang pagtulong niya sa edukasyon ng mga kapus-palad. In fact, for thepast five years or so, masaya ito na animo'y isang magulang sapagsasabing, "May mga graduates na ‘ko."

GIVING FOR HIS BIRTHDAY. Ayon kay Dingdong, maganda raw ang mangyayaring ito sa P.M.I.

"Meaningful siya, kahit tatlo pa lang sa P.M.I. yungbibigyan namin ng scholarship, kasi pinaghirapan ng walong artista. Hindi yung bastaibinigay na lang. Hindi naman ‘yan nadadala dahil sa, ‘O, sige, marami akongpera, kaya kong magbigay.' Mas masarap pa rin yung bagay na alam mongpinaghirapan mo.

"At malaking bagay pa nga yung birthday month ko ngayongAugust and it's something I want to give," sey nga niya na in fairness, hindilang puro pa-pogi ang naiisip.

Hindi nga maitatangging malapit kay Dingdong ang pagbibigayng halaga sa pag-aaral dahil for four years, siya ang ginawaran ng NationalYouth Commission bilang spokesperson for the Department ofEducation. Ini-award sa kanya yun four yearsago pa at hanggang ngayon, nanatili siya saposisyong yun.

"Advocacy ko ang education, pero marami pang iba. Yungeducation kasi, gusto kong ituloy ang advocacy na ito sa mga taong kailangangbigyan ng pagkakataon na makapag-aral lalo na at kung karapat-dapattalaga. Ayoko ng idea na dahil lang walang opportunity, titigil na sila sapag-aaral," seryoso pa niyang pahayag.

IN SPIRIT. Yun nga lang, dahil sa August 20 angfoundation day ng P.M.I. "in spirit" na lang daw siya makakasama rito since nasa New Jersey pa siya sa panahong 'yon, kasama ang co-star niya sa Dyesebelna si Marian Rivera.

"Actually, nalungkot talaga ‘ko na wala ako sa mismongevent. Kaya ganoon na lang din lalo yung pasasalamat ko sa mga actors namaglalaro. Wala naman akong magagawa, yung New Jersey , matagal na yunnaka-schedule and it's a commitment. Excited na rin ako kasi, marami na rinnakakarating sa amin na marami na nga raw naghihintay sa amin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, in spirit, kasama nila ‘ko sa Foundation Day and since it'sfor a good cause, alam kong maaalala nila ito sa mahabang panahon," ang sabinga ni Dingdong na naka-schedule umalis papuntang New Jersey this Friday,August 15, at ang balik ay sa August 22 pa, in time naman para maghanda para sa Let's Celebrate The Dingdong & Marian Birthday Blow-Out saAraneta Coliseum, August 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN