Mark Bautista on Sarah Geronimo: "'Di siya tulad ng iba diyan. Kay Sarah dapat seryoso ka talaga."

"Naiintindihan ko naman siya, sa simula't simula pa lang,kuya na talaga ang tingin niya at ‘kuya' angtawag niya sa akin. Nasa akin na talaga kung itutuloy ko ba o hindi peroako hanggang sa i-allow ako ni Sarah na maging parte ng buhay niya, na ligawanko siya, itutuloy ko. Kaya lang sa ngayon, ayokong madaliin ang lahat. Hindi naman biru-biro ang mga gagawin ko," says Mark Bautista.



Kung noong una ay ayaw pang pangalanan ni Sarah Geronimokung sino ang sinasabi niyang kapwa singer sa ASAP '08 na nanligaw sa kanya at binasted, mismong si Mark Bautista na angumamin na siya pala ang tinutukoy ng Pop Princess.

Sa mismong bibig ni Sarah, sinabi nitong "kuya" lang angturing niya kay Mark. Bukod pa raw sahindi pa talaga handang pumasok sa pakikipagrelasyon ang Viva singer.

RESPECT FOR SARAH. Sa interview ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Mark ay nagbigay-pahayag naman sa amin ang binatangsinger na nirerespeto niya ang desisyon ni Sarah pero hindi ito nangangahuluganna igi-give up na niya ang nararamdaman para sa singer-actress.

"Naiintindihan ko naman siya, sa simula't simula pa lang,kuya na talaga ang tingin niya at ‘kuya' angtawag niya sa akin. Nasa akin na talaga kung itutuloy ko ba o hindi peroako hanggang sa i-allow ako ni Sarah na maging parte ng buhay niya, na ligawanko siya, itutuloy ko. Kaya lang sa ngayon, ayokong madaliin ang lahat. Hindi naman biru-biro ang mga gagawin ko. Di siya tulad ng iba diyan. KaySarah dapat seryoso ka talaga."

Maging si Sarah ay nagulat nang umamin si Mark. Para kayMark kasi ay hindi naman daw dapat dine-deny ang isang bagay na totoo.

"Alam ni Sarah na sobrang ina-admire ko siya. Before pa akotinanong tungkol diyan, sinabi ko sa kanya na sumagot lang ako sa isyu."

Kinumpirma naman ni Mark na nagkaroon nga sila ng ilangan niSarah, tulad ng naisulat na. Ang maganda lang ay kusa itong naayos atngayon ay mas naging maganda ang samahan nila ng singer-actress.

"May time lang na di kami nagkakausap,nagkakailangan. For some reasons na di ko alam kung bakit, di ko rinnaman siya matanong kung bakit. After nung ilang weeks na ganun tapos biglangokey na. ‘Pag kinakausap ko siya, sumasagot na siya, dati naiilang siya perongayon hindi na. Ngayon mas okey na, mas open kami at mas naging closekami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT AN ISSUE. Certified blockbuster na ang A Very Special Love na balitang mahigit 100million na ang kinikita sa takilya. Sa relasyon kung saan mas sikat angbabae sa isang lalake ay kadalasang nagiging issue ang insecurities sa side nglalake. Sa anggulong ito ay siniguro sa amin ni Mark na hindi magigingisyu sa kanya kung maging mas sikat man sa kanya ang magiging karelasyon.

"Hindi issue sa akin ‘yan. Sobrang happy ako na nagingsuccessful yung movie nina Sarah and John Lloyd[Cruz], kasi alam ko kung gaano niya pinaghirapan, kung gaano niya pinagdasalyun na maging successful talaga, at naging maganda naman talaga ang outcomenung movie.

"Kanya-kanyang lugar ‘yan sa show business, at natutuwa akona nandun na siya. Actualy nandun nga ako sa premiere night ng A VerySpecial Love, nanood kami, nag-usap kami about the movie, I congratulatedher."

THREATENED BY RONNIE? Naging vocal din si Ronnie Liang sa nararamdaman niya para kay Sarah atbalitang in his own way ay gumagawa rin ng move for Sarah. Sa tanongnamin kung threatened ba siya na may mahigpit siyang karibal kay Sarah,umamin naman sa amin si Mark.

"Siyempre may kaunting ganung feeling. Nung nalaman ko angtungkol dun, ang initial reaction ko was...‘wow, talaga?' Pero na-realize ko, diko hawak yung desisyon ni Sarah, di ko siya puwedeng pigilan na maka-meet atmakipag-close sa iba, dahil di ko naman siya girlfriend, di naman kami. Kumbaga wala naman akong rights."

Tatlong pelikula ang nakalinyang gawin ni Mark ngayong taonna ito, ang Baler na MMFF entry ng Viva, ang Sundo ng GMA Filmswith Robin Padilla at ang Singles with RufaMae Quinto, kung saan isa siya sa leading men. Out na rin sa marketang bagong album ni Mark titled I'll Be The One, all originals, with thecarrier single "Eternally."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN