Diana Zubiri did not replace anyone in "One Night Only," OctoArts insider clarifies

"Iyong One Night Only, na entry ng Canary Filmsngayon ay iyon ding Short Time na mangyayari ang story sa loob ng 12hours sa loob ng isang motel. Kaya itutuloy na lamang ng OctoArts Filmsiyong naunang plano na si Diana ang isa sa mga lead stars ng movie, at kasamanga ang bago nilang contract star na si Katrina Halili,dahil wala na siyang contract sa Seiko Films ngayon," says an OctoArts Filmsinsider.



Nilinaw ng OctoArts Films insider sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang nasulat dito na ipinalit daw sa Star Magic talents nasina Angelica Panganiban at Roxanne Guinoo sina Diana Zubiri at Iya Villania safilmfest entry ng Canary Films (sisterfilm production ng OctoArts Films) na One Night Only na ididirek ni JoeyReyes. Hindi pa lamang alam daw kung sino sa dalawa ang talagang kapalitng role intended for Roxanne and Angelica.

"Hindi totoong ipinalit si Diana Zubiri," says theOctoArts Films insider. "Kung matatandaan, in the 2006 Metro Manila Film Festival, ipinasok na entry ng CanaryFilms sa Screening Committee ng MMFF ang Matakot Ka Sa Karma at ngOctoArts Films ang Short Time na magtatampok sana kina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, at Marvin Agustin.

"Natuloy ang Matakot Ka Sa Karma na kumita rinsa festival, pero hindi na natuloy i-shoot ang Short Time dahil hindipinayagan si Diana ng Seiko Films na contract star pa nila noon. Too latena rin para kumuha ng kapalit ni Diana at hindi na rin aabot sa deadline ngsubmission ng finished product sa Screening Committee kung nakakuha man ngkapalit ni Diana.

"Iyong One Night Only, na entry ng Canary Filmsngayon ay iyon ding Short Time na mangyayari ang story sa loob ng 12hours sa loob ng isang motel. Kaya itutuloy na lamang ng OctoArts Filmsiyong naunang plano na si Diana ang isa sa mga lead stars ng movie, at kasamanga ang bago nilang contract star na si Katrina Halili,dahil wala na siyang contract sa Seiko Films ngayon. Bale si Rufa Mae at siMarvin sa original cast ang hindi natuloy dito sa movie.

"Sa ngayon, nagka-cast pa ulit si Direk Joey, at ilansa kanila ay sina Iya, Iwa Moto, ValerieConcepcion, Joross Gamboa. Basta may 24stars ang tampok sa One Night Only na lahat sila ay may kani-kanyangstory. Isa lamang sa kanila si Katrina kaya hindi masasabing ang mga artistangkasama rito ay susuporta na kay Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa akong alam kung sino angipapalit kay Diether Ocampo na isa sana sana-consider for the movie tulad nina Angelica at Roxanne. May isang aktorsanang kinu-consider, kaya lamang baka hindi rin siya payagan ng kanyang motherstudio na lumabas sa OctoArts Films."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN